... nakapamaywang akong hinarangan sa paglalakad ng babae na nagngangalang Cindy Volton, ayon sa mini-nameplate na suot nito.
Kasama rin nito ang tatlong babae na nakasuot ng black blazer.
Kalalabas ko pa lamang sa clinic ng mga sandaling ito.
"Excuse me, Ms. Volton, pero karma n'ya na 'yon!" sabi ko na lang saka ipinagpatuloy ang paghakbang hanggang makalagpas sa kinatatayuan nila.
"For your more information, ako lang naman ang anak ng school Principal at boyfriend ko si Joe. Kaya humanda ka! Gagawin ko ang lahat para ma-kick out ka sa Camp Bridge. I swear it!"
"Then go." paghahamon ko naman dito.
Baka nga mas ikatuwa ko pa kung mangyayari 'yon. But, as if ma-kick out ako. Eh, as far as I remember, my eomma is Princess Lois' mother's closest friend. Nah?!
***
"Hi, Kim!" bati naman ng estudyanteng sumalubong sa 'kin sa hallway.
Kulay black rin ang blazer ng uniform nito at Chloe Tiamzon ang nabasa ko sa suot nitong nameplate.
"What now? Aawayin mo rin ba ako kagaya nang ginawa sa 'kin ng mga schoolmate natin? I'm sorry, Ms. Tiamzon, pero immune na ko sa pambu-bully."
"Actually, marami na ang na-bully sa Camp Bridge pero hindi ka naman habambuhay mabu-bully basta magpakatatag ka lang at huwag mo ipapakitang mahina ka... Kung tutuusin ay higit pa d'yan ang hirap na pinagdaanan ni Garry Tolentino para lang maka-survive sa school na 'to. Kaya sana gano'n ka rin."
Napaismid naman ako. "Chloe, Puwede ba, direstuhin mo na ako?!"
"Honestly, I have a lot of questions to ask. Do you mind?"
"If it's about Jerryme, you better ask Princess Lois," pagkasabi'y itinuloy ko na ang paglalakad.
Chloe Tiamzon is Jerryme's ex-girlfriend too. Sabi ko sa inyo, marami s'yang ex-girlfriend at isa na nga sa mga naging rebound material niya ay si Chloe Tiamzon— na pinsan ni Rick Lee at kamag-anak ni mayor Leslee Tiamzon.
Actually, wala talaga akong idea kung sino ang Chloe Tiamzon na ex-girlfriend ni Jerryme dahil hindi ko pa naman nakikita ang picture nito o ang na-meet personal. Matalino kasi ako kaya naisip kong iisa lang naman ang may pangalang Chloe Tiamzon sa Camp Bridge at posibleng ito na nga ang ex-girlfriend ni Jerryme.
Angas ko, 'di ba?!
***
Dulot nang malalim na pag-iisip ay namalayan ko na lang lumagpas na pala ako sa building ng mga second year. At ngayon nga'y dinala ako ng mga paa sa rooftop ng school.
"NAKAKAINIS!"
Wari'y sinipa-sipa ko ang nakayuping beer in can sa sahig para bulabugin ang katahimikan sa malawak na rooftop.
"Bakit kasi sa school na 'to pa ako naisip i-enroll ni eomma? Bakit kasi kailangan pa namin umalis sa Korea? Bakit kailangan ko magkaroon ng dalawang daddy? Porke ba tomboy ako at maraming pinaiyak na babae ay ganito na ang igaganti ng kapalaran sa 'kin? Grabe, ha!"
Kahit sinusubukan ko magpaka-cool ay hindi ko pa rin talaga naiwasan ang mapaluha.
"Fuck! Bakit ako umiiyak? Ano ba, Kim?! Tumigil ka na nga sa pag-iyak!"
Sinubukan ko sampalin ang magkabilang pisngi para pigilan ang pagluha pero balewala dahil nagpatuloy lamang ang mga iyon sa pagpatak.
"Kung gusto mo talaga tumigil 'yan, tumayo ka lang nang pabaliktad."
"K-kanina ka pa ba d'yan?" dali-dali ko pinunasan ang mga luha pagkakita kay Brayan.
"Ang ingay mo kasi kaya nabulabog ang pagpapalipas-oras ko rito!" ismid pa niya saka nag-stretching.
"Anong ginagawa mo?"
"What do you think?" natatawang tanong niya saka bumuwelo para tumayo nang pabaliktad. "Ganito ang ginagawa ko kapag ayoko patuluyin sa pag-agos ang mga luha. Tumatayo lang ako nang pabaliktad, pagkatapos mag-uunahan na sila pagbalik sa mga mata ko. Ayos 'di ba?!"
"Ikaw iiyak? Posible ba 'yon?"
"Kung makapag-react ka naman, daig mo pa ang sumalo sa lahat ng problema sa mundo!" sabi pa niya habang pinapanindigan ang pagtayo nang pabaliktad. "Walang tao na walang problema. Tandaan mo 'yan!"
"Parang totoo lang, huh! Teka nga, para saan pala 'yong ginawa mong pag-eksena kanina?"
"Ah, iyon ba? Naku! 'Wag ka na magpasalamat." pagkasabi'y itinigil na niya ang pagtayo nang pabaliktad saka pasalampak na naupo sa sahig.
"Bakit narinig mo bang nagpasalamat ako?"
Napaismid naman siya. "Ginawa ko lang 'yon dahil ayoko masermunan ni kuya kapag may nangyaring masama sa 'yo," nagsindi pa siya ng sigarilyo. "Huwag mo na lang gawing bigdeal 'yon."
"Oh, really?! If I know, wala ka rin naman pinagkaiba sa mayabang na pineapple na 'yon!"
"Pineapple?" bigkas pa niya nang hindi inaalis ang sigarilyo sa bibig.
"'Iyong lalake na kulay dilaw ang buhok? Yung mala-pineapple sa umbok kasi sabog-sabog ang buhok? Yung maraming mata sa Camp Bridge? I mean, 'yung kapatid ni Sammara, si Neightan."
"Aah. Pineapple pala ang endearment mo sa kan'ya. Astig, ha! Very unique!" tila ini-imagine niya ang comparison ni Neightan sa pineapple. "Kulay pula ang buhok ni Neight last year. Sa pagkakaalam ko, taon-taon naman kung magpakulay siya ng buhok kaya malamang na taon-taon ka rin magpapalit ng endearment sa kan'ya."
"Then so?" sumalampak na rin ako nang upo sa sahig.
"Huwag ka na lang makonsensya dahil hindi naman isang tulad mo lang ang sisira sa pagkakaibigan namin."
"Ikatutuwa ko pa nga kung mabubuwag ang grupo ninyo!"
Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan 'yong pangta-timer ni Brayan kay Princess Lois. Hindi pa nga sila pero kung sino-sinong babae na ang nilalandi niya.
Hindi na 'ko magtataka kung bakit malaya niya nagagawang lokohin ang nililigawang si Princess Lois. Dahil pareho lang sila ni Neightan na babaero. At malamang, ito pa nga mismo ang tumo-tolerate sa kan'ya.
"Maganda ka naman eh." pagsisimula niya sa bagong topic.
Babaero ka talaga!
"Huwag mo nga akong iniinsulto! Paano ako magiging maganda, eh, lalake ako? 'TITO' BAKA AGAWAN PA KITA NG GIRLFRIEND!" sinadya kong i-emphasize ang pagtawag sa kan'ya nang tito para ipa-realize na kahit kapatid siya ng soon to be husband ni eomma ay hindi ko s'ya uurungan.
"Ay, sorry, wala pa akong girlfriend," makahulugan n'ya 'kong tinitigan na may halong pang-aasar. "Pero kung gusto mo, puwede ko agawin 'yang girlfriend mo para magkaroon naman ako."
"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?"
"Saan do'n?" pagmamaang-maangan pa niya. "Pustahan tayo, isang kindat ko lang sa girlfriend mo, sasama na 'yon sa 'kin."
"So, hinahamon mo 'ko?"
"Ano nga'ng pangalan ng girlfriend mo? Aah, Tyra Han. Yung leader ng K-pop group na magko-concert dito next week."
"Mukhang nag-research ka, ha."
"Kami pa ba? Alam mo naman ikaw ang apple of the eye namin ngayon, 'di ba?"

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...