03: AWTS GEGE

24 5 0
                                    

"Hoy! Dwayne! Yung bayad mo sa floorwax 250 pesos na. Puro ka bukas. Tsk," salubong ko kay new crush pagkapasok na pagkapasok niya ng pinto.

He paused and twisted a smile upon looking at me intently, "Awts, gege..." Then he walked away immediately.

Grabe, bastusan?! Tinignan kong muli yung dinaanan niya paalis at padabog akong bumalik sa puwesto ko.

"I'm done with the payment. Is there still anything you need?" biglang sulpot niya sa tabi ko. Shet, ngayon niya lang ako nalapitan ng ganito, pero in fairness ang bango niya ah.

Pero hindi ako umimik dahil napakawalang kwenta niyang kausap kanina! Tsaka bakit hindi siya sa'kin nagbayad? Ahh baka sa president naming si Jeanne na siya nakapagbigay dahil gusto na naman niyang magpapansin dito.

E hindi ka naman gusto ng tao! Huwag kang bobo!

Dahil sa inis ay napag-isip-isip kong makaganti. Humanda ka sa'kin!

Nang pumatak ang 10 o'clock ay nagdahilan ako sa trainor namin na hindi ako makakapag-practice muna ng cheer dance ngayong araw dahil masakit ang ulo ko, para ako na lang ang maiwan sa room.

Kumuha ako ng mga nagamit nang white papers sa tray. Nilukot ko ang mga ito hanggang sa maghugis bilog sabay lagay lahat sa bag niya. Bukas na bukas, iu-uncrush na kitang bullshit ka!

"Good morning Jade..."

"Jade, Good morning..."

"Psst! Good morning nga, oy!" bati niya na naman sa akin at ito na ang ika-sampung beses.

Grabe consistent talaga siya ah. Simula nung lagyan ko ng mga basura yung bag niya, nagkaganito siya bigla. Araw-araw niya akong binabati na hindi niya naman dati ginagawa.

Hindi ko alam pero sa ngayon, wala akong pake dahil kailangan ko nang bumaba sa quadrangle para sa flag ceremony.

Medyo mahirap makasingit dahil makapal ang mga estudyante pero laking gulat ko na lang nang biglang may kumabig sa braso ko, nasa likod siya na animo'y mahigpit na nakayakap sa'kin habang natatakpan naman ng kaliwang palad niya ang bibig ko.

"Ssshhhh, I'll not hurt you as long as you follow what I say, understand baby?" nanlalaki mata kong tinitigan ang lalaking kasama ko ngayon hanggang sa makarating kami sa science park.

Ang kaninang kabang bumabalot sa diwa ko'y agad napalitan ng kilig. Nang pakawalan niya ako'y tumalikod muna ako sandali para makahinga nang maayos, nag-ayos rin ako ng damit.

"Why turning your back to me? Are you hiding something? Huwag kang O.A. hindi kita pagsasamantalahan," natatawa niyang sabi kaya't mabilis ko siyang hinarap.

Napapikit ako't napabuntong-hininga,­ "Awts, gege..."

Nakita ko kung paanong nag-krus ang makakapal niyang kilay. "S-Seriously? D-Do you want me to-" at bigla siyang nasamid sa sinabi.

Palihim akong napangiti dahil ngayon ko lang nakita kung paanong nag-iiba ang emosyon niya. "Fine. Nabasa ko yung mga "love letters" mo sa'kin. Ang corny mo pala," parang nandidiri niyang saad.

Bigla akong pinagpawisan sa sinabi niya, paanong mababasa niya e matagal ko nang tinapon 'yon?

"Got you. Mangti-trip ka na nga lang, ilalaglag mo pa pati sarili mo. Nakita ko kasing may pangalan mo yung mga basurang nilagay mo sa bag ko, na-curious ako e."

"Awts gege," tuod kong sabi dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ako pa mismo ang biktima ng sarili kong patibong.

Maya-maya pa'y humakbang siya palapit sa akin, kada hakbang niya'y siya ring atras ko pero wala na 'kong mapupuntahan. Puno na lang ang nasa likod ko at doon, na-corner niya na ako.

"Don't piss me off. I'm serious," matabang niyang sambit at doon ko nakita kung paanong dumilim ang hitsura niya.

"Awts gege..."

"Gusto mo 'ko 'di ba?" Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya, makailang-beses pa akong napalunok dahil naamoy ko na ang mabango niyang hininga dahil sa lapit ng mga mukha namin.

"Awts gege..."

"I like you..."

"A-Awts-" My heart skipped more savagely when I heard him say that. The feeling is surreal. I can't believe that he has feelings for me as well. I thought that he's just tripping on me.

"Ano? Hindi ka makapagsalita? Sabihin mo lang ulit 'yon, mahahalikan talaga kita..." sa sinabi niyang 'yon ay agad ko siyang naitulak.

Humahangos akong tumingin sa kaniya, "H-Hoy ikaw! Masyado-"

"Nandito sila ma'am!" naagaw ang aking atensyon nang may sumigaw mula sa 'di kalayuan.

"What stupidity is this Mr. Asuncion and Ms. Castillo? Everyone's participating in the morning activity and you two are here wandering some stuffs?" sigaw ng adviser namin nang makalapit siya sa aming dalawa.

"BOTH OF YOU! IN THE GUIDANCE OFFICE! NOW!"

"Awts gege," sabay naming sambit at halos bumulusok na si ma'am sa galit lalo't nagtatawanan pa ang ilang estudyante sa paligid.

"H-Hon..." tawag ko kay Dwayne na abala sa pagluluto sa kusina. Sobrang sakit ng puson ko, ka-buwan-an ko na ngayon, sobrang bigat sa pakiramdam at tagaktak na rin ang aking pawis.

Talagang pinaghahandaan niya na ang pagiging ama.

"Bakit Hon? tanong niya pabalik pero naghihiwa pa rin siya ng sibuyas.

Lalo akong kinabahan nang may tumutulo nang dugo sa aking mga hita, pababa sa binti ko. "H-Hon may d-dugo... M-Manganganak na yata a-ako!"

"Awts gege," sagot ng walang hiya.

PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon