06: MASAMA BANG MAGMAHAL NG BOY WATTPADER?

15 3 0
                                    

"Kuya, pahiram ng libro mo ah, yung season 1 muna," ani ko habang sinisilip yung He's Into Her books ni kuya sa paper bag.

Inagaw niya sa akin ito bigla, sabay kabig ng fried rice at chicken tempura sa harapan ko, "Pauilit-ulit ka, kumain ka na muna diyan," aniya habang ipinaglalagay ako ng sauce sa plate.

Dito kami sa Chowking madalas kumakain 'pag nasa mall at kagagaling lang naming dalawa sa National Book Store. Nanalo kasi yung manok na pinagtayaan niya kahapon sa sabong, at first time niya lang rin tumaya kaya tuwang-tuwa siya't inaya niya 'kong gumala.

Iinumin ko na sana yung pineapple juice sa mesa nang maagaw ang atensyon ko ng isang matangkad na lalaking naka-itim na hoodie na ngayo'y papunta sa katabing table namin. Gwapo siya, at hindi ko alam kung bakit mabilis akong naa-attract sa mga lalaking makakapal ang kilay.

"Uy, Alistair!" pagtawag niya naman sa kuya ko kaya napalingon rin ito. Dumagundong naman ang puso ko nang dapuan niya ako ng tingin.

'Umayos ka Arbhe, huwag kang pa-easy to get.'

"Tol, kapatid ko nga pala, si Arbhe," pagpapakilala sa akin ni kuya at nginitian niya naman ako. "Arbhe, siya si Symon, kaibigan ko."

Naglahad naman ng kamay si Symon sa'kin at doon ako nakaramdam ng kakaibang kuryente nang makipag-shake hands siya. Ang gaan ng kamay niya, na parang gusto kong hawakan buong magdamag.

Simula nung araw na 'yon, naging crush ko na siya. Silent type of guy pala siya kuwento ni kuya. Minsan lang raw lumabas ng room at puro pagbabasa lang rin ang inaatupag.

"Mukhang ayaw ka ata pahiramin ng kuya mo ah. I bought some books too, you can borrow mine as well," nakangiti niyang wika sa'kin sabay abot ng libro habang kumakain kami nung araw din na iyon. Mas lalo akong kinilig dahil boy wattpader pala siya.

Nahihiya talaga akong manghiram kasi iyon ang unang beses na nakausap ko siya, pero ang baby ko pinipilit talaga ako kaya hinayaan ko na.

"Why in the world are you smiling? Nung mga nakaraang araw ka pa ganiyan. Hindi bagay sa'yo. Para kang abnoy," singit naman ni kuya habang abala kaming dalawa sa pagbabasa ng libro.

Napaka-pakielamero naman nito.

Isinarado ko yung akin sabay baling sa kaniya, "Eh bihira lang kasi maka-encounter ng boy wattpader kuya. Masama ba 'yon? Crush ko talaga si kuya Symon, tsaka unang kita ko pa lang sa kaniya, I think he's the one," nakangiti ko pang kuwento habang yakap ang sarili.

Natawa siya sa sinabi ko, "Hanggang crush ka lang bunso. Babakuran ko lahat ng lalaking aaligid sa'yo. You have to set your studies as your main priority. Understand?" Hays, legal age naman na ako para magka-lovelife pinagbabawalan pa rin nila? Disenteng estudyante naman ako ah.

Kapag break time namin sa school, paminsan-minsan akong pumupunta sa Engineering Department para masilip lang siya. Kinakantiyawan na nga ako ng mga classmate ko na talaga bang atat na atat na ako magka-jowa? Dinadahilan ko na lang na isasauli ko yung libro niya kahit ang totoo ipinasauli ko na kay kuya.

Nang matapos ang klase'y napagpasyahan kong dumaan ulit sa room nila kaso nakita ko na agad siyang naglalakad paalis roon, suot rin ang puting earphones at may dalang libro.

Kaya ako namang si timang sumunod lang ng sumunod, ano kayang trip nito?

Namalayan ko na lang rin na papunta kami sa Science Garden ng school. Tahimik at mahangin rito, may mga kubo rin sa gilid ng mismong entrance at doon ko nakitang pumasok siya sa isa sa mga 'yon.

Dahan-dahan akong sumunod, nilabas ko na rin ang phone ko para ma-picture-an siya nang makapagtago ako sa halamanan dito sa gawing gilid ng kubo.

"Daddy.." Halos huminto ang tibok ng puso ko nang marinig ang husky niyang boses.

May kausap ata siya sa cell—

"Are you excited baby?" Napahinto ako sa pag-iisip. Lalong nanikip ang dibdib ko nang may tumugon at sa loob-loob ko'y sana guni-guni ko lang kanino 'yon nanggaling. Tulala lang akong naghintay sa susunod na mangyayari.

Tumindig ang mga balahibo dahil maya-maya'y nakarinig ako ng weird na tunog dahil kumakalampag ang ilang bahagi ng kubo. Potek, ang weird, ang dumi pa naman ng utak ko. Kailangan ko nang umalis rito!

Nanginginig akong gumapang para makatakas at baka mahuli nila ako, ngunit naramdaman kong may mga langgam na palang gumagapang sa braso, binti, at mga kamay ko.

"Bwisit!" Dali-dali akong tumayo habang pinapagpagan ang sarili nang walang ano-ano'y napalingon ako sa loob ng kubo.

Kuya...

Halos mag-hyperventilate ako nang makita kung anong ginagawa nila sa loob.

Nagti-TikTok sila...

"K-Kuya!" sigaw ko dahilan para matigil sila sa pagsasayaw. Nang makita ako'y agad nanlaki ang kanilang mga mata at mabilis silang lumabas sa kubo, parehong pawisan at halatang kinakabahan.

"B-Bakit kayong dalawa lang diyan? A-And k-kuya, you called h-him b-baby?" patukoy ko kay Symon na ngayo'y mahigpit na nakapakit sa kamay niya.

Huminga nang malalim si kuya bago ako tinitigan, "I'm sorry if I didn't told you that we're in a relationship Arbhe." Halos lumuwa ang mata ko nang diretsahin ako ni kuya nang walang pag-aalinlangan.

Inakbayan pa siya ni Symon sabay halik sa pisngi nito na lalong ikinagulat ko.

Magpapaliwanag pa sana si kuya pero tinalikuran ko na silang dalawa, nabigla talaga ako sa nalaman ko.

Lumingon pa muli ako sa kubo ngunit agad ko rin iyong pinagsisihan dahil may iba na sa ginagawa nila.

Padabog akong nagmartsa palabas ng entrance nang may kung sinong lalaking nakabangga sa'kin. May suot siyang eyeglasses at may hawak na ILYS1892 bookmark.

Nagkasalubong ang mga mata namin
ngunit mas sumama ang timpla ko na imbes na humingi ng paumanhin ay ngumisi pa siya sabay sabing...

"Are you lost baby girl?"

(Part 1)
PLAGIARISM IS A CRIME. 
@jay.destro

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon