The sky dimmed suddenly to a calm, midnight blue, allowing the stars to shine opaline white—so wonderful enough to give more emphasis beyond the ominous sky.
I'm at my deepest thoughts when I heard footsteps nearby. "Ate, handa na yung tubig ni mama... Hindi ka pa ba kakain?"
Gabi-gabi, ganito ang eksena. I'm not used to this. I still can't accept why she got infected of corona virus. It's her 12th day of home-quarantine, I wonder how it could be hard for her to spend the days alone inside of that bedroom but i need to be strong at our situation. Mahina pa naman ang resistensya niya.
"Ma, here's your dinner!" pagtawag ko sa kaniya mula sa tapat ng kaniyang pintuan. Sinusubukan kong maging magaan ang pakikipag-usap sa kaniya kahit masakit para sa aking nakikita siyang nasa ganitong kalagayan.
Agad kong inilapag ang pagkain sa sahig at itinulak ito papasok sa cat-flap na ginawa ni papa sa ibaba ng pinto. "Salamat anak... I will play the flute for you again later, I thought you love it?"
I smiled, "Of course ma, para makatulog rin ako kaagad. Yung Queen of the Night ulit sana ma please. Ang malumanay pakinggan e," parang batang pakiusap ko sa kaniya.
She's fond of classical musics, no'ng una medyo hindi ko tipo ang mga ganoong tugtugin dahil napaka-makaluma, ngunit 'di nagtagal, unti-unti ko rin iyong nagustuhan. Lalo na yung mga piyesa ni Wolfgang Amadeus Mozart, isang Austrian at influential composer ng Classical Period.
She's a public elementary teacher, kahit pa madalas siyang busy sa mga schoolworks dito sa bahay, may oras pa rin kami para sa isa't isa. Naging madalas ang paglabas niya nitong mga huling linggo dahil sa pagdi-distribute ng mga modules sa baranggay na na-assign sa kaniya sa tulong rin ng mga lokal na opisyal para sa distanced learning.
Iyon ang sa tingin naming maaaring dahilan ng pagkakahawa niya lalo na't may nag-positibo rin sa lugar na 'yon.
Doktor naman si papa at isa siya sa mga board members ng isang pharmaceutical company. Madalas siyang wala sa bahay dahil na rin sa pagdami ng nga pasyenteng patuloy na dinadala sa ospital. Proud kami sa kaniya dahil isa siya sa matatapang na frontliners na araw-araw itinataya ang kanilang buhay alang-alang sa kaligtasan ng mga nakararami.
My eyes are now heavy, as my mother continues to play the wooden flute from her bedroom. "Good night Elara, anak..."
And my body slowly pulls me down to sleep on the cold marble floor.
***
Then here I am again, my heart starts to thump very fast, constricting my air passages and both times I took a merely deep breath and let my eyes burst open.
I squinted up, opened my mouth, gasping desperately for air. I tried to pinch my cheeks side to side but I feel nothing, then I looked downward.
I'm not that surprised to see myself lying on the floor again. Yes, it seems my midnight routine. My soul leaves my body during sleep. I started to have false awakening at first—weeks ago, then I turned up to this. I'm under astral projection or out-of-body experience, looks like a weird stuff but I'm enjoying it. More realistic than lucid dreams but dangerous as well because it may lead you more to sleep paralysis.
Gumagaan ang pakiramdam ko rito, kahit papaano'y naiibsan ang lungkot na nararamdaman ko.
Hinayaan kong dalhin ako ng aking mga paa sa isang park na malapit sa simbahan. Dito ako tumatambay gabi-gabi. Napakatahimik ng paligid, hindi ko akalaing aabot sa puntong magkakaganito.
Sa paglubog at sikat ng araw ay may mga buhay na nanganganib, sa pagdami ng kaso may mga buhay ring nalalagas. Bawat minuto'y palala ng palala ang sitwasyon ngunit ang pag-iingat at dasal ang pinakasimple at tiyak na pamamaraan para makaiwas. Mas lalong lumalim siguro ang pang-unawa ko sa hamong ito na kinahaharap ngayon ng lahat nang maging positive rin si mama.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...