58: DOES 'TRIO' TYPE OF FRIENDSHIP WORK?

10 2 0
                                    

Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya't minabuti kong lunurin na naman ang sarili sa social media at ewan ko ba, adik na adik akong tumambay sa Facebook kahit wala namang naglalakas-loob na mag-chat sa'kin.

Panay scroll lang ako nang may isang post na pumukaw ng aking atensyon. Maigi ko iyong binasa na naglalaman ng mga opinyon niya tungkol sa three way friendships kung nag-wo-work nga bang talaga. At kung ako ang tatanungin,

Oo.

Marahil iba't iba lang tayo ng perspective tungkol sa ganitong klase ng bagay dahil may kaniya-kaniya rin tayong standards para masabing "belong" tayo sa isang circle of friends. Makaka-experience ka ng ganitong pakiramdam pero habang tumatagal, may mga bagay na unti-unti mong maiintindihan.

Dumaan rin ako sa ganiyan, tatlo rin kami, at natural lang naman na sa tao na timbangin ang halaga niya sa iba. Sometimes, you're reaching at a certain point wherein mapapatanong ka na lang sa sarili mo na, "Kaibigan rin kaya ang turing nila sa'kin?" I know it's a hard question to answer but you just have to go with the flow because it will help you to figure out what a real and mature friendship is.

"Once you got a partner, you need to create a poem regarding our topic. Is that clear?" Sa tuwing nasa ganito kaming sitwasyon, alam ko na ang sunod na gagawin. 40 kami sa klase, meaning sakto lang talaga para sa bawat isa na magkaroon ng kaniya-kaniya. Ang ginagawa ko na lang, ako na mismo yung nagsasabing maghahanap ako ng iba para walang naiiwan. Para walang makakaramdam na kapag nagpilian na, mate-tengga siya sa ere. Nasanay na rin kami halos sa gano'ng set up and in the end of the day, pantay-pantay pa rin ang tingin namin sa isa't isa at masaya kami.

And that's how communication plays a big role in friendships. Hindi makakatulong kung puro pag-o-overthinkang gagawin mo na para bang sabit ka lang. Huwag mong isipin na nakakahiyang mag-open tungkol sa samahan niyo dahil isa 'yan sa magiging basehan mo kung talagang totoo sila sa'yo. Maganda rin na sa'yo na manggagaling mismo kasi naninimbang lang rin sila. Huwag mong hayaan ang sarili mong lamunin ng pangamba.

Maglakas-loob ka.

Diyan na-te-test at napahahalagahan ang samahang binuo niyo, hindi do'n sa gaano kayo madalas na magkasama o magkausap at kapag nakakita ng post tungkol sa ganitong bagay mine-mention ka kaagad. Hindi pare-pareho ang ugali ng mga kaibigan mo, at hindi lang sa'yo umiikot ang mundo nila. Huwag kang masyadong mag-expect.

Makuntento ka.

Mas mag-focus ka doon sa mga masasayang memories na ginawa niyo at gagawin pa nang magkakasama at sa mga bagay na natutunan mo dahil sa kanila. They're helping you to grow hindi mo lang siguro namamalayan.

Nasa sa inyo na rin kung paano kayo magbibigay ng pantay na pagtingin sa isa't isa ilan man kayo, dahil kung talagang gusto niyong mag-work ang samahan niyo, matuto kayong umintindi at maglaan ng oras kahit minsan. That's how you commit in building a strong and mature friendship na hindi nakakasakal.

Mag-enjoy ka.

Maging masaya ka sa kung sino yung mga taong kasa-kasama mo ngayon dahil unti-unting nagbabago ang buhay ng tao at hindi na natin kontrolado 'yon. Sulitin mo lahat ng mga pagkakataong masaya lang kayo, na naging parte sila ng journey mo.

And take note that in order to have the best friendship you wished for, learn to treat yourself as your best friend first.

-jay.destro
Photo credits to the real owner.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon