46: THE BEST GLOW-UP YOU NEVER HAVE IMAGINED

3 2 0
                                    

"Dear glow up, patikim naman ako. Para ka namang others."

I used to consume the rest of my time scrolling at my Facebook account. Pinipilit kong bawasan ang paggamit nito pero hindi ko talaga mapigilan. Dumako ang tingin ko do'n sa post na nangangailangan raw kuno ng glow up.

Ilang tao na ang nakita kong talaga namang nag-effort para ma-achieve ang pagbabago sa kanilang hitsura. And I think they really deserved it dahil pinaghirapan naman nila 'yon.

I'm just wondering how do most of the people didn't get the main and more necessary point of the term "glow up" in their everyday lives.

Marahil, sa panlabas na anyo lamang sila bumabase. Physical change is an ideal or common manifestation of that but I think there's something more than that.

Nagtipa ako sa aking phone para makapili mula sa mga recent photos ko ng maayos na litrato para gawing profile picture.

"My own definition of glow up." Nakangiti kong ni-click ang post button at ilang minuto lang ay nakatanggap na agad ako ng mga komento.

"Patawa ka ghorl? Saan ba banda diyan yung glow up mo? Sa anit ba?" 
"Luh, papansin." 
"I-search mo muna yung ibig sabihin ng glow up bago ka maglakas-loob na mag-post."

And wow, here they are. Natawa na lang ako sa isiping karamihan pa sa kanila'y mga magiging kaklase ko bukas sa class opening this year, January 2021.

Napahinga ako nang malalim. I just want to save some of my energy to not argue with them. Kahit ano namang galaw mo, kahit sinong tao, may masasabi't masasabi sa'yo and don't let those things affect you too much.

***

"Ayos yung trip mo Nicolle kagabi ah. Yung caption nagdala e," bungad ng taon na hindi ko na lamang pinansin.

Nilagpasan ko na lang yung grupo ng mga kaklase kong babaeng masasabi kong social climbers. Maraming napapansin, lahat na lang big deal.

Suot-suot ko muli yung napaglumaang jacket ni Mama na kulay asul kahit na may iilang butas na ito.

Ilan sa mga kaklase ko, bago lahat ng gamit, porma, hitsura, hubog ng katawan at kung ano-ano pa. I smiled at them, but it seems like they don't want to feel my existence here, ngunit gayumpaman ay nanatili akong tahimik at kalmado.

Pinagtatawanan pa rin nila yung ginawa ko kagabi hanggang sa pumasok na yung adviser namin na si Ma'am Destreza.

"Alam ko namang magkakakilala na kayo pero you must introduce yourselves pa rin para makilala ko naman kayo. Okay ba 'yon?" Agree naman kaming lahat sa sinabi niya kaya't magsisimula nang magpakilala ang bawat isa.

"And to add thrill, you must share your learnings or realizations during community quarantine. Para rin magising yung utak niyo." Kaniya-kaniya namang isip ang lahat ng mga sasabihin sa harap.

Nanlamig kaagad yung mga kamay ko sa set-up na gagawin namin dahil hindi ako sanay na mag-share ng tungkol sa'kin sa kahit na sinong tao.

"Gomez, Louise..." Sa sahig lang ako nakatingin habang dahan-dahang naglalakad sa unahan. Nakakarinig pa 'ko ng ilang bungisngis sa likuran ngunit hindi dapat ako magpadala sa mga opinyon nila.

"G-Good morning everyone..." I lifted my head up and smiled broadly upon their bit disgusted faces.

"I am Louise P. Gomez, 19 years of age..." Isa-isa ko pang sinabi ang ilan sa mga pagkakakilanlan ko.

"If there's something I learned during this pandemic, it would be the process and importance of healing among everybody else..." Nginitian ko silang lahat habang nag-fa-flashback lahat ng naramdaman kong lungkot, stress, pag-o-overthink, depression at self-destruction noong panahon ng pandemya.

"Alam kong halos lahat sa'tin, nakaranas ng insecurities, anxieties, depression at kung ano-ano pang bagay na nakakaapekto sa mental health na isa rin sa naging priority ng ilan. I'm always at my deepest thoughts every night, nag-iisip kung may halaga ba 'ko? May purpose ba 'ko sa buhay? Na bakit hindi ko magawang baguhin yung sarili ko gaya ng nagagawa ng iba?..."

Aminin natin, lahat tayo pagod na. But our victory depends on us, kung susuko pa ba tayo o lalaban.

"I also found out that inner peace is not just about having a calm mind, it is also about embracing the feelings that come up during a hard moment without making those feelings worse," dagdag ko pa't lahat sila'y seryoso nang nakikinig sa'kin.

"Minsan gusto ko nang sumuko, kasi may time talaga na parang hindi ko na kaya. Yung tipong feeling ko down na down ako kaya naiisip kong ano pa bang silbi ko dito sa mundo?" I emotionally said.

Dahan-dahan kong ibinaba ang zipper ng jacket ko't hinubad iyon sa harapan nila.

Bakas ang gulat sa kanilang mga mukha habang pinagmamasdan ang dalawang kamay kong bahagyang nakataas na may iilan pa ring sugat sa palad at pala-pulsuhan.

Yes, I committed suicide before. Nahuli pa 'ko nina Lola't agad akong dinala sa pinakamalapit na ospital.

"These scars always remind me of that extreme pain I felt before and my realizations about life too. Habang lumilipas ang mga araw, naintindihan ko kung bakit may mga bagay na nangyayari na hindi naaayon sa kagustuhan natin...."

Doon ko napagtantong yung sakit na nararamdaman natin ay siya pang nagpapatatag lalo ng ating loob. Tayo lang ang may kakayahang baguhin kung anong perspective natin sa buhay, wala ng iba.

"And then learn to keep healing and evolving because this is not your final form. It may be difficult in the beginning, messy in the middle but it’s gorgoeus at the end..." dagdag ko pa't habang pinagmamasdan lahat ng sugat ko.

"And the glow up thing? Hindi lang sa panlabas na anyo 'yan. It has something more to do with our mindset too. Kung paano natin i-ha-handle bawat sitwasyon na ma-e-encounter natin araw-araw. Pain and sadness is temporary, so we must enjoy every single bit of memories we made with those important people surrounding us because life is too short."

"Kung sa tingin niyo glow up na yung pumuti ka, pumayat ka, nagkalaman ka, gumanda o gumwapo ka lalo, lahat-lahat... walang silbi lahat ng mga 'yan kung hindi mo nagagawang i-kondisyon yung takbo ng isip mo, paniniwala't pagiging matatag."

"Because at the end of the day, good realationships, peace of mind, self-respect, values, morals and self worth really matter when it comes about yourself," buo ang loob kong sabi.

"We need to be mature, we need to change our mindset because it will help us to be the best version of ourselves..."

"Because for me, maturity is the best glow up we could ever have to achieve everything we pray for."

PLAGIARISM IS A CRIME. 
@jay.destro
Photo credits to the real owner.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon