40: PA-COOL 'YANG SSG PRESIDENT NIYO

5 2 0
                                    

"Kier! Nagsusuntukan yung mga grade 7 students sa tapat ng principal's office!" The calm and smooth ambience here inside the SSG office suddenly erupted like a nitrous vehicle at its highest kinetic state when a group of our co-officers jammed the door open.

"Hayaan nyo sila," Kier, our SSG President said as if he's not astonished about the riot outside. Mariin akong napapikit dahil sa pagiging irresponsible niya.

"Hahayaan mo na naman? Kier naman! Pinagkakatiwalaan ka naming lahat rito tapos yung mga kaganapang ganito parang wala lang sa'yo? Presidente ka ba talaga?!" It seems like I'm exhausted with my sudden jolt of emotions.

Hindi ko makita ang rason kung bakit siya ang nanalo nitong nakaraang eleksyon bukod sa gwapo siya't kilala ng lahat. Mukhang nakuha niya lang yata ang suporta ng iba dahil sa hitsura.

Sa mga nao-obserbahan ko, bilang Vice President ay isang malaking problema kung mismo ang tinitingalang lider namin ay tila prenteng nakikiramdam lang sa mga problema ng bawat estudyante.

"Alam mo ba talaga 'yang posisyong pinasok mo?!" Sa ilang buwan naming 'magkaka-sangga' ay ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kuwestiyunin siya.

"X-Xyrine, ano bang ginagawa mo?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ng lahat ngunit hindi pa rin ako nagpatinag. "Sagutin mo 'ko! Puro ka pa-cool. Lahat kami desidido sa responsibilidad na 'to pero ikaw?" Napahalakhak ako ng wala sa oras. "May nagawa ka na ba?"

That left him disturbed, he's intimidating eyes darted me like a sharp arrow. He clicked his tongue and then after a moment he stood up and walked towards me wearing a sarcastic smile.

"Don't worry, I'll write a resignation letter maybe tomorrow? Pwede ring ikaw nang mamili kung kailan mo 'ko gustong paalisin sa puwesto," walang pag-aalinlangan niyang sabi kaya't naguguluhan ko siyang tinitigan.

"What?! Nababaliw ka na ba talaga?!"

"Malinaw naman yung sinabi ko 'di ba? Unless hindi niyo kayang umalis ako bigla?" Isa-isa niyang pinasadahan ng tingin ang bawat officers hanggang sa madako siyang muli sa'kin.

"It looks like I'm a total disappointment here, na saling-pusa lang ako. But I'm telling you, don't consider everything based on your observations. Sa ating dalawa, ako ang mas nakakaalam ng ginagawa ko," walang gatol niyang sabi't walang imik na umalis ng office.

***

"Xyrine, ikaw na raw mag-host ng event sabi ni Kier." I'm jotting down some notes in our Mathematics subject when our SSG secretary, Irene, approached me.

"What? Akala ko ba siya na?" medyo naiinis ko pang sabi. "Hayaan mo na, ma-hi-high blood ka na naman eh." Padabog kong sinarado ang aking notebook at nagmamadaling pumunta ng office.

Ano ba kasing gusto niyang mangyari? I can't understand him, I know it's not that easy to be a president but I just can't take it anymore. Nasasanay na siyang umasa ng umasa.

I'm on my way to our office when a familiar figure of a man caught my attention. His back at me.

Mabilis akong naglalakad papunta sa kaniya nang may mabahong usok akong naaamoy. Tanghaling tapat naninigarilyo?

"Bawal 'yan." Tinapon niya ang kalahati nang stick ng sigarilyo saka marahang humarap sa'kin na parang inaasahan niya nang mang-ra-rant na naman ako.

"It's you again... Alam ko naman na kung bakit ka naparito, ikaw na lang mag-host dahil wala ako sa mood."

Nawalan na 'ko ng ganang makipag-diskusyunan pa sa kaniya kaya't ginawa ko ang lahat para maging presentable sa opening ng MTAP Challenge: Division Level.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon