"Louise, pakibili naman ako ng Modess with wings diyan kina kuya Bernie..." Abala sa pagsasagot ng kaniyang modules ang nakababata kong kapatid na si Louise nang istorbohin ko siya.
She looked at me with a splash of revolt when I got nearer to her study table. "Ayoko ate. Natatakot ako sa kaniya," sabay lapag ulit ng paningin sa papel.
Napaayos naman ako ng upo, napapaisip kung paanong makakaramdam siya ng takot roon, e palagi naman yung nakangiti sa tuwing dadaan ako sa tindahan nila.
"Maniwala ka sa'min Amanda, medyo strikto talaga yung kuya ni Warren. Kaya minsan, 'pag bibili kami ro'n, napapa-sign of the cross pa kami," my classmate, Dinah said convincingly.
"E kasi naman, tuwing bibili kami ng Colgate na Close-Up at Nescafe-ng Great Taste, hina-highblood siya," dagdag pa niya sabay simsim ng soda at dinadama ang lamig dito sa loob ng snack bar.
Nagkataon namang pumasok yung magto-tropa nina Warren na agad napangiti nang mapansing narito kami.
We're both still wearing our uniform dahil kakatapos lang ng klase kanina at dito na namin nakasanayang tumambay.
My heart raced a bit when Warren smiled at me, gripping the padded adjustable straps of his backpack. Matagal ko na siyang gusto kaso naisip kong wala rin akong mapapala kaya naisip kong umuwis na muna sa kaniya. Kaya lang, madalas na kaming magkasama lalo na ngayong magka-grupo kami sa isang film project.
Nagpaalam naman si Dinah na mag-c-cr lang raw siya kaya't abot-langit ang kaba ko nang maiwan kami rito sa isang table. Nakaharap pa siya sa'kin kaya mukha kaming couple na nag-de-date.
"Bakit nga pala hindi na kita nakikitang bumibili sa tindahan namin?" Nasamid pa 'ko sa bungad niyang tanong. "Kabibili lang kasi ni Mama ng grocery nitong nakaraan Warren," banayad kong sabi hanggang sa naalala kong may utang pa pala kami sa kanilang hindi nababayaran.
Shet, baka isipin niyang matapos naming makinabang sa pautang bigla na lang kaming hindi magpaparamdam. Tumango-tango naman siya sa sinabi ko.
"By the way, tapos na yung ginagawa kong script..." pag-iiba niya ng usapan na nakapukaw ng atensyon ko. "A-Anong role ko?"
"Asawa kita..."
Hindi mawala-wala sa isip ko yung pinagsasabi niya kahapon tungkol sa mga dapat naming gawin bilang mag-asawa. Sinipag tuloy ako maglinis ng buong bahay, kung pwede nga lang na pati bubong ay imisin ko na rin dahil sa ginhawang dala ni Warren.
"Oh anak, ang sipag mo ngayon ah? Sinaniban ka ba?"
Delighted, I turned my joyous eyes to her and smiled with delight. "Yung kisame ba ma, marumi na rin? Ako na maglilinis."
"Aba, salamat anak at mukhang naaayos mo na ang mga desisyon mo sa buhay...." papuri niya pa sabay tapik ng balikat ko. "Ikuha mo na lang muna ako ng surf na downy nang matapos na tayo sa mga labahin."
Magaan ang pakiramdam kong lumabas ng bahay at dali-daling naglakad papunta sa tindahan nina kuya Bernie. Nasa loob kaya si Warren?
"Pabili po..." Prente lang akong nakatayo habang hinihintay itong naunang bumili sa'kin.
"Ano po 'yon?" magiliw na tanong ni kuya. "May Cobra po kayo?"
"Opo, ipa-plastic ko po ba?"
"Ay hindi, isako mo baka makawala—" Narinig ko na lang na may kumalabog sa bukana ng tindahan at muntik pang mahulog yung bote ng energy drink dahil sa pagdadabog ni kuya.
Nagulat naman ako sa inakto niyang 'yon at tatawa-tawa naman yung ale habang paalis.
Kinakabahan ma'y agad akong nag-ayos ng sarili. "Pabili po..."
"Uy, long time no see hija. Nakapag-grocery na pala kayo ng mama mo?" Shet. Hindi pa pala kami nakakapagbayad.
"Ah o-opo, few days ago lang. By the way, anong brand ng lotion po ang gamit niyo? Lalo kayong kuminis," payo kasi ni Mama sa'kin na magbigay muna ng compliment bago umutang.
Namula naman si kuya Bernie sa aking sinabi't napatingin pa sa magkabila niyang braso. "Natural lang 'to hija. Wala akong ginagamit, gano'n ata talaga kapag itinadhana kang gumanda."
"Oo nga po eh, ah kuya, pa-utang raw po muna si Mama ng downy na surf—"
"AYAN! DADAAN-DAANIN NIYO NA NAMAN AKO—"
"Hayaan mo na..." I stood froze when Warren popped out of the view, and he grabbed an item from kuya Bernie's hand which is supposedly be thrown towards me.
His face was still blank, bahagya siyang lumapit at halos manlumo naman ako sa mga sunod niyang sinabi. "Sige, pagbibigyan kita ngayon..." nakangiti niya nang sabi.
"Ano bang u-utangin mo?" tanong niya pa ulit.
"Yung apleyido mo na lang utangin ko, bayaran ko na lang..."
Napapikit ako nang makitang babatuhin niya 'ko ng kung ano't hanggang sa naramdaman kong may yumakap mula sa aking likuran.
"Hey, anong drama mo jan?" Napatalon ako sa gulat at napagtantong si Warren ito, na mukhang interesado sa mga pagmumuni-muni ko.
Naalala ko tuloy kung paano kami nagsimula ni Warren. Hindi ko kailanman naramdaman na umutang ako ng pagmamahal sa kaniya dahil kusa niya iyong ibinigay.
Sasagot pa sana ako nang may tumawag sa aming tindahan.
"Pabili po..." hinayaan naman ako ni Warren na asikasuhin na muna yung customer sa baba.
"Ano po 'yon?"
"Pabili nga pong paputok."
"Naku, marami kang pagpi-pilian rito." Agad kong pinatas ang mga paputok sa harap ng babae na talagang mabenta ngayong malapit na ang bagong taon.
"Ay, hindi po ganiyan..." Napaisip ako't tinatantiya't kung pinag-ti-trip-an lang ako nito. Kunot-noo ko siyang tinitigan. "Eh ano bang paputok yung hinahanap mo?"
"Yung kapag pinaputukan ako, kaya akong panindigan."
Swabe niyang pagkakasabi at sa inis ay isa-isa kong binalibag lahat ng paputok na tinda ko sa harapan niya.
"Wala kami dito ng hinahanap mo hija! Maghunos-dili ka! Nagdidilim ang paningin ko sa'yo... Lumayas ka!"
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...