21: MUKBANGAN SA MANILA BAY

10 2 0
                                    

Namamangha kong pinagmamasdan ang bagong mukha ng Manila Bay, unang-una na rin sa nakakaaliwalas sa paningin at pagkapino ng mga dolomite sands nito, malayo sa dati nitong kalagayan kung saan pakalat-kalat ang mga basura.

Sayang nga lang, nagdala pa 'ko ng camera para makapag-vlog, e three minutes lang naman pala dapat kaming mag-stay rito.

Naupo na lang ako habang tinititigan ang payapang agos ng tubig, bakas sa mukha ng marami ang kasiyahang nakabisita rin sila dito. Naisip kong kumuha ng kaunting buhangin bilang remembrance nang bigla akong matumba.

"Hey, are you alright?" Kinabig ko pa yung kamay nung lalaking nakasagi sa'kin. "Huwag mo nga 'kong hawakan. Bwisit talaga." Kumalat pa sa mukha ko yung buhangin at hindi ko na rin namalayang nasa harapan ko na siya. "Oh, Eli ikaw pala 'yan?" Gusto ko siyang sabunutan sa katangahan niya.

"Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo. Nangangati tuloy pati mata ko," reklamo ko pa kay Kyson na best friend ko. Nagulat na lang rin ako nang bigla niyang ilapit ang bibig sa mukha ko. "Don't move," utos niya habang iniihipan yung kanan kong mata.

"Bakit ba kasi kumukuha ka ng buhangin diyan, mumukbangin mo ba?" natatawa pa niyang sabi kaya tinulak ko siya sa inis.

"Ang dumi na ng damit ko, kainis ka!" sigaw ko sa kaniya. Nagtaka ako nang may iabot siya sa'king paper bag ng Dunkin' Donut sabay hawak sa laylayan ng kaniyang damit. May saltik talaga. "Hoy! Anong ginagawa mo?"

"Maghuhubad para mapalitan iyang damit mo," pino niyang pagkakasabi. "Nakaka-alibadbad ka, alam mo ba 'yon?" Sigaw ko na lang kaya hindi niya na naituloy pa ang gagawin.

"Loko. Bakit ba kasi nandito ka?" Kumuha na rin ako ng munchkins dahil sa gutom. Inakbayan niya naman ako, "Magmu-mukbang."

"Engot, bawal kumain rito. Tsaka anong klaseng mukbang ba 'yan? Huwag mong sabihing sa donut na dala mo?" Biro ko saka mapilyo niya 'kong nginisihan.

"Ikaw. Cute mo kasi, sarap mong mukbangin." Sinikmuraan ko siya sa sinabi hanggang sa ilang beses siyang napaatras. Akala ko ay dahil iyon sa paglapit ko ngunit nagtaka ako na para bang nasa malayo ang tingin niya.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?"

"Shit." Halos malaglag ang panga ko nang bigla niya 'kong yakapin at inilapit ang mukha niya sa'kin. Pervert amp.

"Eli, nandiyan yung babaeng ipinagkakasundo sa'kin nina Mommy. I want you to help me." Kaya naman pala.

Inilayo ko siya sa pagkakalingkis sa'kin saka ko pinagsalikop ang mga kamay namin. "Ang tagal na kitang tinutulungan pero bakit parang ayaw pa rin nilang maniwala sa'yo?"

May babae kasing nire-reto sa kaniya for business purposes. May hina-handle kasi sina Kyson na isang shoe company, syempre nga naman kapag ikinasal ka sa mas asensado pang pamilya, mas malaki rin yung chance na lumago yung business niyo.

Ayaw naman niyang magpatali kasi hindi naman talaga niya mahal yung babae.

"Excuse me?" Halos magpanting ang tenga ko nang marinig muli ang nakakairitang boses ni Yvonne. Hinarap ko siya, "Ano na namang ekesena mo, aber?"

"Bakit magkasama kayo ni Kyson? Alam mo naman kung anong namamagitan sa mga pamilya namin 'di ba?" Kita ko sa mukha niya ang pagkabanas.

"Bakit ka naman nandito? Alam mo minsan epal ka rin e. Hindi mo ba alam yung salitang 'privacy'? Lahat na lang gusto mong alamin sa aming dalawa." Nakakapang-initnaman kasi ng dugo. Kahit saang anggulo tignan wala siyang karapatan kay Kyson.

"Nice acting baby," bulong niya sa'kin habang binabalot niya 'ko ng yakap mula sa likuran.

Napalunok ako nang ilang beses sa ginagawa niya. Nandidiri naman kaming tinignan ni Yvonne na para bang asiwang-asiwa sa nakikita. Bitter.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon