34: SIGE LANG GLOBE, BAGALAN MO PA

6 2 0
                                    

"Hi everyone, I'm Yumi Keach Apolinario and I'm going to share my knowledge about the-"

Nasa kasagsagan ako ng pagsisimula ng aking report nang biglang...

"Connection lost. Please try again later..."

Napasabunot na lang ako dahil nagsisimula na namang painitin ng Globe ang ulo ko. Globe naman, kailan ka ba magbabago? Araw-araw na lang ba tayong ganito?

Wala akong nagawa kundi ang magpalipas ng ilang minuto para pakalmahin ang sarili sa "napakabilis" na internet connection namin. Maya-maya pa'y pumasok si kuya sa kwarto ko na may bitbit pang laptop.

Naba-badtrip siyang tumingin sa'kin, "Fvck that connection. I can't send my replies again to Kyla. I'm scared that she's going to break up with me," nag-aalala niyang sabi.

Ang O.A. naman nito, humina lang signal break agad? Sa bagay, nakakasira nga rin siguro ng relasyon kapag nakiki-epal ang poor signal. Quarantine pa naman ngayon, halos lahat sa online world na pumapasok.

Nang makapagbukas naman ulit ako ng Google Meet, ano pa bang aasahan ko siyempre, ire-reschedule na naman yung report ko. Badtrip talaga!

Matagal na kaming humihingi ng paliwanag sa kanila pero hanggang ngayon wala silang reply. Snobber ka bhie? Dahil sa inis, binisita ko na lang ang official page nila at ito ang bumungad sa'kin...

"Bwiseettt globe, 100 load ko tas di ako maka-download ng app?"

"MEGANON? Pede maka-YT pero di maka-Google, Twitter at IG?"

"Mas mabilis pa lumakad yung matandang kapitbahay namin sa net niyo."

Awtomatiko akong napahalakhak sa huling comment na aking nabasa. May punto rin naman kasi sila. Nagbabayad naman kami ng maayos pero yung service nila bulok ang sistema.

***
Lumipas pa ang mga ilang araw at nakapag-reply na rin sila sa wakas sa message ko.

"Pasensya na sa connection issue, Yumi. Hayaan mong tulungan ka namin. Sa ngayon, pwede bang subukan muna..."

Ay wow, paulit-ulit ko nang ginagawa yung mga instructions nila para bumilis internet namin pero wala rin akong napapala. Kaya naman si daddy na mismo ang tumawag sa kanila para maipaayos na yung Home Plan namin.

"Yumi, ikaw nang bahalang makipag-usap sa agent na pupunta rito mamaya, hintayin mo ang tawag, busy kasi ang kuya mo," paalam ni dad habang naghuhugas ako ng mga pinggan. Pupunta raw siya ng mall para bumili ng mga groceries.

Kasalukuyan akong tumatambay sa sofa nang tumunog naman yung phone ko.

"Hello? Yumi Apolinario on the line" prente kong pagkakasabi sa linya.

"This is Globe's Agent Gavin Tan, nasa tapat na ako ng bahay mo." What? Ang galang naman pala ng ahente nila. Walang kamanners-manners amp.

"Alam ko," ganti ko sa kaniya sabay patay ng tawag. Badtrip, bakit gano'n siya makipag-usap sa customer?

Nang makarating ako ng gate ay matiim ko siyang tiningnan at walang imik ko siyang pinapasok dahil sa inis.

"Anong problema?" bigla niyang tanong nang makarating kami sa garden papasok ng bahay.

"Mabagal yung internet 'po' namin. Sana maayos niyo na 'yan."

"Niyo? Nag-iisa lang naman akong pumunta rito ma'am. Ang sungit talaga," natatawa niyang sabi. Pero to be honest, ang gwapo niyang tumawa. Ang ganda ng tono ah.

Kumunot ang noo ko, "Sinong masungit? Kilala mo ba 'ko para sabihin mo 'yan? Ikaw nga 'tong hindi marunong rumespeto sa customer."

"Hindi kita kilala. Bakit ko pa kikilanin yung babaeng nanigaw sa'kin kahapon?" Nagitla ako sa sinabi niya.

Tinitigan ko yung hitsura niya, kaya pala parang pamilyar siya. May suot siyang itim na ballcap ngayon kaya hindi ko agad natandaan.

May binili kasi akong sundae sa isang fastfood chain, balak ko sanang kainin habang nagda-drive pauwi ng kotse nang may biglang sumaging lalaki sa dinaraanana ko, ayun natapon, nasayang tuloy yung pera ko.

"Easy with the stare. It scares me," taas-kilay niyang sabi. "Ba't ka matatakot? Tinititigan ba kita? Inalala ko lang yung ginawa mo sa pagkain ko kahapon!" Nagpaumuna na rin ako sa paglalakad papasok.

"Natatakot ako na baka sa sobrang galit mo sa'kin, makain mo ako." At doon ako kinilabutan nang husto.

Aba ang taas din naman talaga ng confidence level nito. Nakakaumay.

"Kung ako sa'yo, kaysa dumaldal ka jan, gawin mo na lang yung trabaho mo. Nandoon yung modem sa living room, paki-check na lang ulit ng connection status."

Napabilis naman ulit itong connection namin dahil sa troubleshooting ni Gavin. Minsan bumabagal pa rin pero hindi na katulad dati na halos buong araw, nganga lang si signal.

"Yumi, baka mahina ulit yung signal niyo pwede akong pumunta jan para ayusin," chat niya sa'kin ngayong gabi lang.

Yes. I'm having a conversation with him for months, siya yung nag-add sa'kin kaya in-accept ko na rin. Hindi naman ako ganon ka-sungit 'no. Araw-araw siya may message, palagi niya akong kinukulit kapag tapos na ako sa online class. Ayoko naman na mag-assume pero nagbibigay motibo talaga siya.

"Kapag humina naman ulit sa iba na kami magpapaayos 'no. Asa ka," reply ko.

Pangiti-ngiti na ako ditong naghihintay ng tugon niya. Shet, mukhang tanga lang.

"Edi sa iba ka magpaayos. Masisigurado ko namang pagtapak ko jan ulit sa bahay niyo, gugustuhin mo na rin ako." I didn't know but my heart lept automatically as I read his message.

"Oh bakit seen lang?" Ano bang sasabihin ko? Pabigla-bigla kasi siyang bumabanat kaya ako namang si timang hindi mapakali.

"Hey, nandiyan ka pa ba? Your future husband is waiting."

"Future husband agad?" reply kong mukhang hindi talaga napag-isipan.

"Bakit? Gusto mo ba future boyfriend muna? It's okay baby, huwag ka nang mahiya. Just call me daddy if you want, understood?"

Nang dumating sa point na nanliligaw na siya sa akin, inaasar na rin ako ng mga kaibigan ko na bakit hindi ko siya bigyan ng chance?

Ayaw ko siyang sagutin.

Ayaw ko siyang sagutin through chats kaya hinintay ko yung pagkakataong makakapag-usap kami nang madalas in person.

"Mommy!" sigaw sa akin ni Mary Grace na nagpabalik sa ulirat ko. Bunso ko siyang anak at highschool student na rin siya.

"Bakit anak? May problema ba?" tanong ko habang nagluluto ng sinangag pang-almusal.

"Ang bagal po ng signal sa Globe! Nakakaumay hindi ako makapaggawa ng homework, bukas na po ang deadline."

Bigla namang lumabas ng kwarto si Gavin at agad na umakbay sa'kin. Pinandilatan ko siya.

"Magreklamo ka sa Globe anak, do'n ko nabingwit itong Mommy mo. 'Di ba Hon?" baling pa niya sa'kin sabay halik sa pisngi ko.

Palihim naman akong napangiti sa sinabi niya pero 'di ako nagpapahalata. "Nabingwit talaga? Do'n ka nga! Hindi ako maka-focus sa pagluluto."

"Just be straight to the point. Don't tell me na kinikilig ka 'pag inaalala mo? Aminin mo na kasi," pangungulit pa niya sabay halik ulit sa pisngi ko.

Magpasahanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit nahulog ako sa lalaking ito.

Salamat na lang talaga sa pagrereklamo ko kay Globe, dahil hindi man gano'n kabilis yung connection niya, agad naman niya akong nabigyan ng mapapangasawa. HAHAHA

Salamat Globe!

PLAGIARISM IS A CRIME. 
@jay.destro

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon