There was a loud thud coming from a gang of giggling girls who were currently waiting for their orders that caught the attention of everyone—here inside the Jollibee restaurant. I guess that they're talking about that handsome cashier.
"Oh my God sis, let's take a picture of him later."
"Bida ang saya 'pag kasama ka baby."
"Grabe, pwede ba siyang i-take out? Mas masarap pa yata siya sa foods."Maigi ko silang pinagmasdan. Sa postura't pananalita, masasabi mong may kakayahan talaga sa buhay. May isa namang hindi nakatiis na bumalik sa pila para um-order ulit.
Malalanding galawan.
"Good afternoon, can I take your order?" the handsome cashier said through a melting voice and delighted smile. I can't take my eyes off him, but I shouldn't be got distracted to do my job.
"Kuya, magpapahabol lang ako ng Burger Steak Meal tapos yung fries, i-upgrade to large and a piece of Coke Float also."
"Would you like to try our Peach Mango Pie to go with your meal?"
Walang kasabit-sabit kong naipasok ang aking kamay sa handbag ng babaeng nasa unahan ko dito sa line, na siya ring nakita kong tumayo kanina.
Hindi niya na rin naramdaman ang ginagawa ko dahil abala siya sa pakikipag-harutan sa kahero. Ilang segundo ko ring ginalugad ang bag niya hanggang sa may makapa na 'kong wallet na mukhang puputok na yata sa dami ng laman.
Lihim akong napangiti nang patay malisya ko itong maisilid sa'king bulsa. Sanay na sanay na 'ko sa ganitong gawain kaya't walang sinumang nakakabuko sa panggagantso ko.
Napapahiya naman siyang nagpaalam muna na ihahabol yung bayad dahil nga nawalan na siya ng pitaka.
"Good afternoon, can I take your order?" he said coolly when I got my turn.
My heart was thumping very hard and fast. Being sheltered from the gaze of this man's such a blessing to me.
"Family Super Meals yung set A." Napagdesisyunan kong mag-take out na lang para may maipasalubong ako kina nanay na ang tanging alam ay nagtatrabaho ako sa isang mall bilang saleslady para kumita ng pera.
Kung saan-saang mall ako nakakasulpot bilang mandurukot na naisipan ko lang no'ng makapulot ako ng wallet dati na may lamang sampung dolyar. Naisip kong instant money 'yon kaya nagka-ideya akong mandukot na lang para mabilis ang kita.
"Ate, baka naman gusto mo nang umalis? Turn na namin kay pogi," mataray na reklamo ng babae sa likuran ko't kaya dali-dali na akong nagbayad gamit yung nakulimbat ko.
Ito na sa tingin ko yung pinaka-mabentang branch ng Jollibee na napuntahan ko kaya't laking pasalamat ko talaga sa gwapong kahero.
But that was a few months ago.
"Oh, pila nang maayos para sa hapunan." Naputol ang aking pagmumuni-muni nang magmando ang pulis na naka-assign sa'ming selda.
"Baby, is there anything that bothers you? Kanina ka pang tulala." My eyes lingered this time upon Vayne, the handsome cashier and my boyfriend at the same time.
May relasyon na kami nung nanggagantso na 'ko. I-e-entertain niya nang matagal yung mga customers sa unahan ko para maging successful yung pandurukot ko.
May sarili rin siyang gimik na bago siya umuwi pagkatapos ng kaniyang duty ay pasimple siyang kukupit ng pera sa cash drawer ng fast-food chain.
"Hindi ko akalain na dito naman tayo sa selda magce-celebrate ng fifth monthsary natin," I said out of the blue. Sanay kasi kami na tuwing monthsary namin, nanonood kami ng sine, kumakain sa isang exclusive restaurant, at pumupunta sa amusement parks gamit yung perang naipon namin sa gimik.
His eyes were streaming upon my face. He caressed my hair and said, "Hindi ka na ba masaya?" Mapait siyang napangiti.
I held his hand tightly. "Alam mo namang bida ang saya kapag kasama kita 'di ba? Bakit naman hindi."
I'm still lucky to have him even we're spending bits of our love story behind the bars of this jail. Among of all the girls who were dreaming to be with him, I'm the only one who captured his heart.
He gave me a kiss on my cheek. "Happy monthsary Shane, my partner in crime."
At ito ang aming relationship goals.
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
Photo credits to the real owner.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Fiksi RemajaThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...