27: UNTITLED

5 2 0
                                    

Halos isang oras at kalahati na rin akong naghihintay kay Trent dito sa paradahan ng jeep dahil may plano kaming date ngayong araw. Sinalo ko na lahat ng alikabok at usok sa gilid ng daan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko at mukhang wala na yata siyang balak pang pumunta?

Badtrip. Medyo masakit pa naman 'tong puson ko. May gusto rin kasi akong sabihin sa kaniya kaya prepared talaga ako this day.

Kakamot-kamot akong pumara ng jeep para umuwi na lang dahil kung sisipot man siya, wala na rin akong gana.

"Bhie, paki-abot ng bayad bhie oh..." kalbit sa'kin nung magandang babaeng katabi ko. Pinakatitigan ko pa sila ng mga kasama niya dahil lahat sila mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

"O-Okay lang kayong apat?" tanong ko sa kaniya habang sumusulyap-sulyap naman sila sa'kin.

"We're broken you know," she said while swirling the strands of her chestnut, bouncy hair. Sa totoo lang para silang mga mag-jowa.

Pero naniniwala akong mas matibay pa rin kami ni Trent kahit inis ako sa kaniya. Sanay na rin naman siya sa'kin.

Magtatanong pa sana ulit ako nang tumigil ang jeep sabay pasok ng isang pamilyar na lalaking naka-face mask.

Tinabunan ko ang mukha ko ng aking buhok upang hindi niya 'ko makita. Nakakahiya, baka may importante lang kaya na-late.

Marupok ako bakit ba?

Binuksan kong muli ang phone kong ni-shutdown ko na lang kanina dahil sa inis.

"Sorry babe, hindi ako makakapunta. Sumakit bigla yung ulo ko kagabi, ngayon lang ako nagising," bungad agad ng text niya sa'kin. Gusto kong magmura nang pagkalutong-lutong dahil parang iniisahan niya na 'ko.

Ano bang dahilan niya't kailangan niyang magsinungaling sa'kin ng ganito?

Nagsisimula ng kumulo ang dugo ko lalo na't mukhang may ka-text na agad siyang iba.

"Bakit ba kasi nagpaloko ako sa kaniya?" narinig kong bulong nung babaeng katabi ko sa mga kaibigan niya na matamlay pa rin hanggang ngayon.

"Buti ka pa, e ako nga ghinost niya. That pathetic man, he promised me that we're going to have a date, then later on biglang hindi na siya nagparamdam."

Nakaramdam ako ng kakaiba at ibinalik ko ang tingin kay Trent. Paano kung katulad lang talaga siya ng ibang mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang magloko? Na kapag nagsawa na sila, bigla ka na lang iiwan sa ere? Tapos bigla mo na lang malalaman may kapalit ka na agad?

Busy pa rin siya sa kaniyang telopono kaya't napagpasyahan ko ng tawagan siya.

I'm typing his phone number when consecutive message ringtones rang from the group of girls beside me.

"Hala may nag-text na sa'kin!" sigaw nung isa sa kanila hanggang sa pare-pareho silang nagkatinginan.

"T-Talaga? May nag-text rin sa'kin."

"I have one too. It was him."

Hindi ko alam kung bakit tila nag-iba yung timpla ko at sinubukang muling i-dial ang number niya.

"H-Hello?" sambit niya sa kabilang linya, halatang kinakabahan.

"Nasaan ka ba talaga Trent? Huwag mo nga 'kong gawing tanga," may pagtitimpi kong sabi.

Napatingin siya do'n sa grupo ng mga babae na mukhang ikinagulat pa niya hanggang sa umabot iyon sa gawi ko.

"Shit."

"Anong shit ka diyan? Mga babae mo ba 'tong katabi ko?!" napagdesisyunan ko nang pumara dahil bwisit na bwisit ako. Nakakasira ng mood.

Ramdam ko namang sumunod siya sa'kin sa pagbaba ng jeep pero nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paang 'to.

"Babe! Let me explain!" sigaw niya hanggang sa mahuli niya ang mga bisig ko.

Sa Luneta Park sana yung naunsyaming date naming dalawa ngunit namalayan ko na lang na nasa tapat na kami nito dahil nagpumiglas lang ako sa bawat kapit ng kamay niya sa'kin.

Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao.

"Isa kang manloloko," diretso kong sabi nang hinarap ko siya bigla. Nag-krus ang mga kilay niya hanggang sa unti-unti rin siyang makalapit.

"I'm not Yvonne."

"Don't lie to me. Pare-pareho kayong mga lalaki! Mga manloloko!" Walang ano-ano'y naglabas siya ng telepono sabay pakita ng mga messages.

"Praning ka talaga babe. Alam mo namang nag-lo-load ako 'di ba?" saad niya kaya't inagaw ko iyon at binasa lahat ng confirmation texts.

Ilang beses pa akong napalunok. "B-Bakit parang gulat na gulat ka nung makita mo sila?"

"Ayaw nila akong tantanan. Mga schoolmates ko sila dati remember? You know, lagi akong pinagkakaguluhan." Tumawa-tawa pa siya habang heto ako't parang napapahiya pa.

"Akala ko ba may sakit ka? Bakit nasa jeep ka bigla?" bato ko ng tanong.

"I have a plan babe but I'm worried about you kaya umalis ako sa bahay para maabutan ka. Balak ko talagang hindi ka siputin." He held my hand.

"What plan Trent?" Hindi ko mapigilang kabahan.

He smiled as if it's the sweetest thing he can do to ease the confusion running within my head. He licked his lips and said, "I know na kapag nalaman mong may sakit ako, hindi ka makakatitiis kaya pupuntahan mo 'ko sa bahay."

Shit, so ibig sabihin delayed lang yung pagkakabasa ko ng message niya kanina.

"Naka-set-up na kasi lahat sa bahay tapos ganito yung nangyari..." Lumamlam nang kusa ang mga mata niya. "I'm planning to propose to you Yvonne." Tila huminto ang tibok ng puso ko nang bitawan niya ang mga salitang 'yon.

"W-What?"

"I want to marry you Yvonne. Matibay tayo 'di ba? Gusto kong panagutan yung baby natin. I understand kung bakit nag-iba kaagad yung mood mo kanina. Well, I know that it's a part of your pregnancy."

"T-Trent..." Halos manlamig ako sa mga sinabi niya. Hindi ko na siya matitigan nang maayos sa mga mata.

"I'm sorry..." Hindi ako makatingin sa mga mata niya nang sabihin ko iyon. Napapakagat-labi ako, hindi ako makatingin ng ayos sa kaniya.

He held my cheeks, his eyes seemed puzzled. "W-What's wrong?"

"Our baby..." Sunud-sunod na pumatak ang mga luha ko. I'm not ready for this. I didn't expect this to happen.

"W-What about it Yvonne?"

"I aborted it."

PLAGIARISM IS A CRIME. 
@jay.destro

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon