"Hey, Angeline..." tawag ko kay Angeline na masasabi kong matalik na kaibigan. She's eating alone again this recess kaya naisipan kong sumabay na muna sa kaniya.
Bago pa man siya makalingon ay agad akong tinawag nina Aliyah para sa kanila na 'ko sumabay ngunit umiling lang ako.
Mukhang may kailangan na naman sa akin ang mga 'to. I think, I'm not going to suit at their circle of "friends" dahil kilala lang nila ako kapag may hihingiing pabor.
Sometimes, you must figure out the difference between a FRIEND and a COMPANY.
"Denise, pasensiya na... Nagka-emergency kasi. Nagkataong kailangang magbayad ng renta ni Mama sa bahay dahil kung hindi, palalayasin na kami. Baka next month pa kita mabayaran." Napansin ko ang pamumugto ng mga mata niya habang nagpapaliwanag.
Nginitian ko siya. "You don't need to do that... Huwag mo na 'kong bayaran, ilaan mo na lang sa iba—"
"Babayaran kita... May mahahanap rin akong part-time," pagpigil niya pa sa'kin ngunit inilingan ko siya. "Hindi na kita papansinin kahit kailan kapag ginawa mo 'yon." Awtomatikong tumutok ang mga mata niya sa'kin.
Alam ko ang isa sa mga kahinaan niya. She's scared to lose friends. Na-kuwento niya na sa'kin noon na namatayan siya ng kaibigan na nalunod raw sa araw ng kanilang outing.
Maybe, it's difficult to move-on with the things you used to be with a friend you thought that will stay by your side for a long time.
"Sorry Angeline, hindi na kita na-reply-an kahapon, naka-off kasi yung phone ko't tutok ako sa paggagawa ng story kagabi," paliwanag ko habang siya nama'y abala sa pagsasagot ng mga assignments niya.
She texted me kung anong homework namin kahapon dahil absent siya na hindi ko na nga nagawang reply-an.
"Ayos lang. Mabilis ko namang matatapos 'to..." sabi niya pa habang tutok pa rin sa pagsasagot hanggang sa nag-angat siya ng tingin sa'kin. "Teka, nag-ta-try rin akong magsulat ng stories ngayon. Ipapatingin ko lang sana sa'yo yung gawa ko..." Sabay hanap niya ng kung ano sa bag at napagtanto kong extra notebook yung ginamit niya.
"H-Hindi kasi ako sanay mag-type sa cellphone k-kaya diyan na lang."
"May extra akong phone sa bahay. Bihira ko na lang gamitin, pwede mo yung magamit at kapag nasanay ka na, mapapabilis ang pagsusulat mo."
***
Naging abala ako sa pag-aaral nitong mga nakaraang araw dahil malapit na ang exams. I need to maintain my grades para mag-qualify ako sa entrance examination ng dream school na papasukan ko sa University Belt next year.
I opened my Facebook account out of boredom. Puro scroll lang ang pinaggagawa ko hanggang sa dumapo ang aking mga mata sa isang pamilyar na account.
It's Angeline's dummy.
She's been a writer for almost 8 months at masasabi kong napakabilis ng improvement niya sa pagsusulat. Itinuro ko sa kaniya lahat ng magandang techniques sa paggagawa ng intriguing plots and twists at mukhang nakuha niya nga iyon.
"Denise! Tignan mo oh..." Nasa kasagsagan kami ng semestral exams nang ipakita sa'kin ni Angeline yung Facebook post niya na umani ng positibong papuri sa istoryang kaniyang ginawa.
Napahigpit ang hawak ko sa kaniyang telepono dahil parehong-pareho yung takbo ng story na nasa drafts ko weeks ago pa tungkol sa child labor.
"Huy, anong nangyayari sa'yo? Masama ba pakiramdam mo?" Pilit kong pinakakalma ang sarili habang tinititigan siya, mata sa mata.
Ipinahiram ko sa kaniya yung phone ko nung nakaraang araw. Ayaw ko namang mambintang at baka nagkataon lang.
"I-I'm fine... Well, congrats." Pilit akong ngumiti.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...