Number of shoppers today increased gradually because of the ongoing MIBF book signing event here at SMX Convention center. I want to attend the said event as well but I have to be at my duty as Camella Home's realty agent.
Sanay na rin ako sa ganitong trabaho dahil naka-limang buwan na rin ako. Ang gagawin ko lang ay mag-abang ng mga dadaan na mamimili para mag-abot ng leaflets dito sa mall. Medyo boring, at minsan nakakainis dahil karamihan sa kanila mga snobber pero ayos na rin ito.
At dahil sa malaking event ay nadagdagan rin ang mga nagpakalat-kalat na couples kung saan-saan. May magka-holding hands, magka-akbay, nagsusubuan ng pagkain na ang sasakit sa mata.
Lord, pa-jowa ka naman please?
I'm shuffling these leaflets in my hands when I noticed someone that was familiar to me.
Shet, si Haru ba 'yon? Wait, bakit may kasamang bata? Inayos ko ang aking postura hanggang sa makarating siya sa tapat ko.
"Good morning sir, here..." sinubukan kong i-abot sa kaniya ang leaflet at kaagad niya itong napansin. "Alin pong gusto niyo? Mag-inquire sa Camella Homes o ako?" Crush ko rin itong si Haru, classmate ko siya. May pagka-bulakbol man pero hindi nagpapabaya sa pag-aaral.
He smiled broadly at me, "None of the above." Walang preno? Grabe naman, ang bilis mang-turn down.
Tinawanan niya naman ako na parang nang-aasar pa.
Kahit kailan hindi siya makausap nang matino. "Wow, hindi ko alam na batang ama ka na pala," pag-iiba ko ng usapan habang nakatingin sa batang babaeng karga niya. "Pamangkin ko 'to Melody. Sige, sibat na kami mahaba pa biyahe pauwi e," paalam pa niya at mukhang nagmamadali nga.
May dadaan pa kayang crush ko?
Nakangiti lang ako sa mga taong dumaraan nang makarinig naman ako ng pamilyar na boses. Nilingon ko naman ito't tumambad sa'kin si Dimm na may kaakbay na babae.
Kilala rin siya sa campus namin dahil sa ganda ng boses niya't galing sa pagtutog ng gitara kaya't hinahanghaan ko rin siya.
"Good morning sir, ano pong gusto niyo? Mag-inqure sa Camella Homes o ako?" The girl smiled humorlessly when I approached his boyfriend. Nagpipigil lang ako ng tawa dahil busangot na yung mukha niya.
"Crush pili ka na," I added. A smile portruded from Dimm's face. "Loko ka Melody, baka mabalatan ka ng buhay nitong girlfriend ko."
Ang hirap palang magka-crush lalo na 'pag taken na.
Nagpaalaman na rin kami sa isa't-isa dahil manonood pala sila ng sine. Ayaw namang maniwala ng girlfriend niyang nagbibiro lang ako kaya't ayun, nagpapaumuna sa paglalakad. Hahabol-habol tuloy siya.
Baka wala na talaga akong pag-asa.
"Be careful, baka mamantsahan 'yang damit mo." Hihikab-hikab ako nang mapansin naman si Viyo sa isang ice cream stall na may kasama ring babae.
Really? May girlfriend na rin pala siya?
I don't know but I find him different among others. He's a silent type of guy but once he got comfortable with you he could be the most talkative man you could ever met.
That's how my kuya describes him as his best friend. One-year ahead sa kaniya si kuya pero matalik na magkaibigan talaga sila. Siguro dahil pareho silang varsity player ng school namin at may pagka-tahimik rin ang kapatid ko.
"Good morning sir, here..." I tried my best not to stutter in every single world. "Alin pong gusto niyo? Mag-inquire sa Camella Homes o ako?" My heart was beating rather fast, when he got closer. I wore my sweetest smile but...
He just ignored me.
Ang lapit-lapit niya sa'kin at ang lakas-lakas na rin ng boses ko, hindi niya pa rin narinig?! Napaka-snobber naman nito.
Hindi ako pinanganak para dedmahin lang kaya't may naisip akong kalokohan para mapansin niya ako.
"Babe!" sigaw ko na nakapukaw ng atensyon sa ilan. Oo, hinabol ko talaga siya. Pwede ba 'yon? Kahit tapunan lang ako ng tingin wala?!
"Hoy babe! Viyo!" After I called him by his name, he turned around and suddenly, our eyes met. My heart continued to thump fast as if it was being pushed upward into my throat.
"Sino siya?" tanong sa kaniya ng babae niyang kasama. Lumapit ako lalo at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Don't tell me Viyo, na ito ang kabit mo?" Sabay turo ko do'n sa magandang babae. "Seriously? Despite of our relationship you had the guts to flirt with somebody else?" Gaya ng inaasahan ko, pareho silang nagulat sa aking sinabi.
"Kuya, I think this woman's crazy. Let's go." My eyes widened in a state of shock. Sweat was beading my face as I opened my mouth when I realized... "You two were... siblings?"
"Definitely," he said, not letting himself to burst out from laughter.
Now, I'm messed up.
Napapahiya akong tumingin sa paligid. "S-Sorry, akala ko kasi mag-jowa k-kayo. I'm was joking. J-just forget that." I stepped backward to escape from the scene when someone grabbed my wrist.
"Anong kalimutan?" Halos magkanda-buhol-buhol ang mga litid ko nang si Viyo pa rin 'yon at ngitian niya 'ko bigla. "If I were you, I'll keep up what I said. Pinakilig mo 'ko tapos sasabihin mong joke lang?" Naninibago ako.
"Kung sabihin ko kaya sa'yong gusto kita tapos aaminin kong biro lang, anong mararamdaman mo?"
Shete, hindi nga? Totoo na ba 'to?
"Camella Homes o ako?" wala sa sarili kong tanong. Pinagtitinginan na kami ng maraming tao pero parang wala lang sa kaniya.
"Both." Makahulugan niyang tinitigan ang aking mga mata.
"Nahingi ko na ang support ng kuya mo, parents mo na lang kulang..." Goose bumps had erupted up my arms when he said, "I can't wait to be with you, with the right person to raise a family at Camella."
Real quick. Ang sarap pala talagang magka-instant lovelife tapos yung nagbabasa nito hindi crinushback.
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Novela JuvenilThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...