48: WHEN WATER REFLECTS THE PURITY OF YOUR SOUL

3 2 0
                                    

"Puro ka sugal, sugal, sugal! Kailan ka ba titigil ha?" Abala ako sa pagbabasa nang sunud-sunod kong marinig ang sigaw ni Mama kay Papa na inabot na naman ng hatinggabi sa pag-uwi.

I didn't know, I just can feel it... that everytime I hear someone shouting at agony, my breathing tends to be heavy. Na para bang tumitigil ang sistema ko't bigla-bigla na lang akong nalulungkot. I think it's a childhood trauma dahil parati na silang nag-aaway noon pa man o 'di kaya'y sanhi lang 'to ng sobrang pag-iisip ko.

I grew up, taking life seriously. Maaga ako namulat sa katotohanang walang perpektong pamilya. Everytime my parents fighting, I always go inside the comfort room and clap my hands against my ears and then let myself burst to cry.

I hate myself too from being soft hearted. Na kahit mga simpleng bagay, pakikitungo at kilos ng tao, nabibigyan ko ng malalim na kahulugan.

"Okay, class... Alam ko namang may mga pangarap kayo sa buhay na gusto niyong makamit balang araw hindi ba?" saad ng aming guro sa ESP at agad na nagsitaasan ng kamay ang mga kaklase ko na bahagya niya pang ikinatawa.

May ilang katanungan pa siya tungkol sa ganoong bagay na hindi ko halos nasagot. Blangko ang isip ko, kailanma'y hindi ko nakikita ang sariling nagtatagumpay, papaano nga ba naman 'yon mangyayari kung ako mismo sa sarili ko, hindi alam kung saan tutungo.

Para bang naglalakad lang ako sa isang daan na hindi ko alam kung saan papunta. Ano nga bang gusto ko? Ano bang makakapagpasaya sa'kin? Ano bang dapat kong gawin para maibsan itong lungkot na kasa-kasama ko araw-araw?

***

It's nearly quarter before 6 p.m. when I arrived at home. Nakita ko si Mama na abala sa paglalaba ng mga damit ni Papa. Habang papalapit ako sa kaniya upang magmano'y napansin kong namumugto na ang kaniyang mga mata.

"Pagod na 'ko anak, gusto ko nang hiwalayan iyang tatay mo... Alam mo bang ni-withdraw niya lahat ng pera sa ATM account ko? Para saan na naman? Sa sugal?!" nabuburyo niyang sabi habang pilit na pinakakalma ang sarili.

Minsan talaga, may mga taong handang umintindi sa'yo pero lahat ng 'yon may hangganan.

"Michael, anak, gusto ko munang magpalamig. Nakausap ko yung mga tita mo sa probinsya dahil nga sa asal ng ama mo. Sa kanila na muna ako makikitira dahil may kabu-bukas lang na mall roon at kailangan ng mga trabahador. Nagkataong natanggap sila ng isang restaurant roon kaya nire-recruit na nila 'ko. " Mahabang paliwanag niya pa't umayon na rin ako sa kaniyang kagustuhan.

Ilang buwan na magmula noong umalis siya'y hindi na kami nakatanggap ng balita mula sa kaniya. Hindi na siya nagparamdam at inaasahan kong lalong malululong si Papa sa bisyo niya dahil sa nangyari ngunit nagkamali ako.

Ilang araw siyang tahimik at hindi mapakali sa pag-iisip kung babalikan pa ba siya ni Mama o hindi na.

I spent most of my days gloomily, like I'm was being exhausted all the time when I think about my parents.

Na-distract lang ako sa kakaisip ng mga kung anu-anong bagay nang magyayang mag-swimming ang mga kaklase ko sa beach na malapit lang rin sa school namin.

Banayad ang simoy ng hangin na sumasabay sa marahang hampas ng alon na nagbibigay gaan sa aking pakiramdam.

"Hey Michael, are you okay?" Tahimik lang akong nakaupo sa dalampasigan habang dinadama ang malamig na hampas ng hangin sa aking balat nang mapansing papalapit sa'kin ang pinsang si Archaine. "I heard about what happened—"

"Huwag na muna nating pag-usapan..." I said calmly and later on, I saw her checking her wrist watch. "It's 5:48 p.m, dusk's approaching..." she informed and then suddenly I saw her staring something distant.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon