I took a sip of my 3-in-1 coffee while staring blankly at the modules I've received yesterday. My mood just dropped after reading the "Weekly Home Learning Plan."
Seriously? A savage two hundred pages of General Math slapped me hard, and we're going to submit our answers on the next 5 days. Yes, 5 days only with other bunches of loadworks from remaining subjects.
I sighed, out of the thoughts that made me quite anxious. Ang bobo ko sa math, hindi ko kayang sagutan 'to ng ako lang. And then, an idea popped around my mind.
I smiled from excitement.
"Hi Emelyn, napatawag ka?" I hugged my pillow so tight when Seven answered my messenger video call. He's my ultimate crush since Grade 7 and until now, I keep on dreaming of him.
Araw-araw ko siyang nakikita dahil magkapit-bahay lang rin kami at mayroon din silang maliit na sari-sari store na madalas kong tambayan. Bukid kasi 'tong lugar namin kaya okay lang na lumabas.
"Uhmm... Seven nakatanggap ka na rin ba ng mga modules? Nagka-instant migraine yata ako, ang kapal ng gen math." I bit my lip. Baka kasi ma-figure-out agad niyang may hihingiin akong pabor.
But I think I sound obvious?
"Same. I don't know if we're still students. Ginagawa na yata nila tayong robots but all we can do now is to do their given tasks even it's inconvenient."
***
"So, what can you say about functions and relations?" Seven asked me when we were done reading the lecture.Kanina pa 'kong hindi mapakali, there's something wrong with me. His presence seemed intimidating yet comfortable. He arrived here in our house sa napagkasunduan naming oras.
Nagvi-video call lang kami nung una but he suggested na pwede namang siya na lang raw ang pumunta dito sa bahay kaya naman halos hindi ako makatulog sa isiping makakasama ko siya nang matagal.
Tinutukso-tukso pa 'ko ni Ate no'ng dumating siya.
Bumalik lang ako sa reyalidad nang pumirmi ang tingin niya sa'kin, naghihintay ng aking sagot.
"Not all relations are functions... Not all relationships are functional..." sagot ko na ikina-halakhak niya. Naguguluhan ko siyang tinitigan.
How it can be so angelic when he smile?
"Bitter. Paano mo naman nasabi? Do you have past relationships?" he asked suddenly with full curiousity. "W-Wala. Uh, nao-observe ko lang sa mga friends kong sawi," natatawa kong sagot.
He clicked his tongue when ate Jeanne strode upon the kitchen to give us some snacks.
"Oh, kumain na muna kayo. Mukhang pagod na rin itong si Emelyn sa kaka-focus sa'yo," baling niya kay Seven na ikinapula ko.
Dumaan naman si kuya na bagong ligo lang na kumuha pa ng ilang slice ng tinapay na para sa'ming dalawa nitong ka-duo ko sa modules.
Kahit kailan ang takaw.
"Uhmm, Emelyn ang bait naman talaga ng ate mo 'no?" tanong niya habang nakamasid pa rin kay ate na busy sa panonood ng TV.
"Ganiyan lang 'yan kapag may bisita at nandito ka. Kung alam mo lang, dragon 'yan kapag kami-kami lang rito sa bahay," nakangiti kong kwento.
Hindi niya na halos maalis ang paningin kay ate kaya nanatili na lamang akong tahimik.
Dumaan pa ang mga araw at mukhang nagiging interesado siya sa ate ko at madalas na rin silang nagkaka-kuwentuhan.
"Diyan ka muna ah. Balikan na lang kita."
Ending, si kuya Yuseff na lang yung tumutulong sa'kin magsagot.
Pasulyap-sulyap na lang siya sa gawi ko, imbes na tulungan ako sa pagso-solve. Parang na-turn-off tuloy ako.
"Ang funny mo rin 'no," pabebeng sabi ni ate kay Seven. "Well, it's a part of me already."
Maski siguro si kuya, nakararamdam rin ng kakaiba but he keeps ignoring it.
"K-Kuya, n-nasaan na sina ate? Hindi ba kanina nasa sofa lang sila?" I asked with much confusion.
"Nasa kwarto." Parang magkakabuhol-buhol ang mga litid ko sa isiping... Uh, nevermind.
I sneaked to my ate's bedroom door, trying to eavesdrop from what's happening inside. Ibang klaseng ka-duo pala 'tong nakuha ko.
"Bakit medyo basa? Ang dulas pa," nanlaki ang mga mata ko nang marinig si Seven.
"Puro ka naman reklamo e."
Seriously? Tirik na tirik ang araw naisipan talaga nila 'yan? Sa bagay, you can lose control kapag tinamaan ka na.
"Kalalaki mong tao ang likot mo."
"Sorry, it's my first time," sagot ni Seven. Nanginginig ang mga kamay ko, gustuhin ko mang umalis ngunit may nag-u-udyok sa'kin na pakinggan pa sila.
"Dahan-dahan ha... 'Yan... Huwag mo nang dilaan," natatawang sambit ni ate.
"Fvck, it's refreshing kahit medyo masikip."
"Sige pa, kaya pa 'yan oh. Pinagpapawisan ka kaagad e."
Naalala ko bigla, hindi pa 'ko tapos magsagot at bukas na iyon ipapasa. Naglakad na lang ako paalis dahil wala rin namang maidudulot sa aking maganda ang pakikinig sa kanila nang biglang bumukas ang pinto.
"Shit. Kanina ka pa jan?" tanong ni Seven kaya't humarap na rin ako para sumagot kaso napalunok na lang ako ng ilang ulit sa lagay niya.
Nakangiti pa si ate habang hinihintay ang reaction ko.
"Do you like it Emelyn?" umikot-ikot pa si Seven habang dinadala ng hangin ang suot niyang blue dress na pagmamay-ari ni ate. Seryoso? Nagkasya pa 'yon sa kaniya?
"Ang bait talaga ng ate mo, siya pa nagturo sa'king mag-make-up." Dumako ang tingin ko sa makapal niyang contour at labing pumuputok sa kapulahan.
"Do you think it's enough to win your Kuya's heart?" tanong niya pa na kung umiinom lang ako siguro ngayo'y naibuga ko na agad sa kaniyang harapan.
Hanep. Akala ko may pag-asa kaming dalawa.
Dumating si Kuya na blankong nakatingin kay Seven. Mukhang totoo ngang ang tunay na lalaki, sa lalaki na rin nagkakagusto.
Natutulirong napatitig si kuya sa ayos niya.
"Pre..."
"Pre..."
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
Photo credits to the real owner.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...