"E-Enebe Justin..." Hindi ko alam kung paano tatakasan itong boyfriend kong kanina pang nangungulit, ewan ko ba kung bakit ganito siya ka-baliw sa'kin.
Some pairs of eyes keep on perching around us here inside the classroom pero wala kaming pakialam.
"Babe saan mo ba gustong mag-date tayo? Tamang-tama may dala akong pera ngayon..." lambing pa niya habang inaamoy-amoy ang buhok ko. "Ang bango naman ng buhok mo Mary, anong Palmolive gamit mo?" nakangiti niyang tanong.
"Uhmmm, Sunsilk babe para iwas tuchang-tuchang." Our seatmates roared with laughter, pinukulan ko naman sila ng tingin ngunit bigla silang tumahimik.
Weird.
"Sa Luneta Park tayo mag-date babe," bigla kong sabi at agad naman siyang tumango. "Hindi ba, doon makikita yung Oblation?" tanong niya.
Nag-isip-isip naman ako kung sa Luneta Park nga 'yon makikita pero baka doon nga.
"Parang? Ah basta—"
"TAMAYO!" Napapitlag ako nang dumagundong ang boses na iyon ni ma'am Rose, at dahan-dahang nagtinginan ang mga kaklase ko sa'kin.
"Baka pwede niyong i-share sa'min iyang pinag-uusapan niyo ni Mr. Liondo? Aba malapit na kayong bumagsak na dalawa sa subject ko kaya ayusin niyo ang mga desisyon niyo sa buhay!" Mahabang litanya ng strikto naming teacher sa Filipino kaya't tutungo-tungo ako sa sahig.
May pinindot siyang kung ano sa kaniyang laptop at may nag-appear na kung anong picture sa TV screen sa taas ng blackboard. Naka-black and white ang litrato, ngunit kalahati lang ng mukha ng isang lalaki ang makikita rito.
Uupo na sana ako nang tapunan niya 'ko ng kahindik-hindikna tingin. "Sinabi ko bang maaari ka ng maupo hija? Sagutin mo ang tanong ko."
"W-Wala pa naman po kayong itinatanong m-ma'am—"
"Ang bayaning ito ang nag-iwan ng mga katagang... 'Ang kabataan ay pag-asa ng bayan'... Sino ito?" Ilang beses akong napalunok sa tanong niya. Kaniya-kaniya namang taas ng kamay ang mga kaklase ko na parang alam na alam talaga nila ang sagot.
"Justin, tiktoker ba 'yan?..." baling ko sa boyfriend ko at pinandilatan siya ng mata. "Anong sagot?"
Nagkibit-balikat lang siya kaya napapadyak ako sa inis. "Babe... Alam mo 'yan. Sabihin mo na sa'kin!" giit kong bulong sa kaniya pero hindi raw niya talaga alam kung sino.
"Huwag mong sabihing hindi mo 'yan alam hija? Purong Pilipino ka naman hindi ba?" I nervously shook my hands dahil kahit anong pilit ko hindi ko matandaan. Palihim namang tumatawa ang mga kaklase kong feeling matatalino.
"Oh ikaw Mr. Liondo, may maitutulong ka ba sa nobya mo?" Lumapit pa siya sa aming dalawa. "Sino ang nasa larawang iyon?" baling niya kay Justin na napapalunok na tumayo.
"SINO!"
"Si Andres Bonifacio ma'am."
"ANOOO?! Paki-ulit nga?!" Nagsimula na silang magpukpukan sa kani-kanilang desk habang nauutas kaming pinagtatawanan.
"Si Andres Bonifacio po ma'am," ulit ko sa sinabi ni Justin at halos hindi makahinga si ma'am sa gulat.
"KAYONG DALAWA! LUMABAS KAYO SA KLASE KO NGAYON RIN!" Napapahiya kaming lumabas ng room habang titingin-tingin yung mga taga-ibang section sa'min.
"Uso kasi ang mag-aral bhie. Hindi ka ba nakaranas humawak ng piso?"
"Seryoso kayong dalawa? Balik kayo Grade 1 para masaya."
"Pwede naman kasing pagsabayin ang pag-aaral habang humaharot. Pero ang simple lang nung tanong 'di niyo pa nasagot?"Bulong pa nila sa'min pero hindi ko na lang sila pinansin. Sanay na rin naman akong ma-bash.
"Oh, ayan! Basahin niyo lahat ng 'yan. Walang uupo, walang hihingi ng tubig! Kailangan niyong matuto, pambihirang mga bata ito..." Tagaktak na ang aming pawis habang nasa initan kami ng boyfriend ko sa tapat pa mismo ng rebulto ni Dr. Jose Rizal dito sa Luneta Park.
Alas-dos pa lang ng hapon kaya't tirik na tirik ang araw. Halos lumuwa naman ang mga mata naming dalawa sa sandamakmak na reviewer na ibinigay sa'min ni ma'am tungkol sa talambuhay ng pambansang bayani.
"Nasa isip ko na yung Jose Rizal kanina..." sabi ko kay Justin pero hindi niya 'ko pinansin.
"Pabayaan mo na... Ang mahalaga nakapunta tayo dito sa Luneta, mini date na natin 'to oh," natatawa niya pang sabi habang fini-flip lahat ng mga pages.
Minsan talaga wala rin sa lugar yung pagiging romantic niya.
Kakamot-kamot tuloy akong tinuon ang tingin sa papel habang nakabilad kami sa arawan dahil nakatutok sa amin si ma'am na ilang metro lang ang layo, nakapayong at iwinasiwas ang kaniyang abaniko.
Seryoso? Dito talaga kami dapat bigyan ng punishment? Nagkakamali rin naman lahat ng tao ah, nagkataon lang rin siguro na nakalimutan ko yung isasagot kanina.
Halos trenta minutos na kaming nakatayo, wala rin naman akong maintindihan kaya't bagsak ang balikat kong ipinaypay sa sarili ang reviewer hanggang sa may cute na batang babaeng tumambad sa harap namin.
Babatiin ko pa sana siya ngunit nauna na siyang magsalita. "Ate, alam mo bang iyang kinatatayuan mo ngayon..." napatingin pa 'ko sa sementong inaapakan ko.
"Oo ate, 'yan nga..." paniniguro niya pa. "Diyan binaril ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Bagumbayan pa ang tawag sa lugar na ito na pinagbibitayan ng mga Pilipinong sumasalungat sa pamamalakad ng mga Kastilang mananakop." Literal na napaawang ang bibig ko sa mahaba niyang paliwanag.
Tila wala namang naririnig si Justin dahil abala siya sa pagbabasa.
"T-Talaga?" Namamangha kong tanong. Kumunot pa ang kaniyang mga noo ngunit hindi naglao'y tumango-tango rin.
"Oh, Mary, alam na alam ng bata oh," biglang singit ni ma'am kaya medyo nahiya na rin ako. "Oh sige, kapag nasagot mo 'tong tanong ko, pwede na kayong bumalik sa school." Todo ang ngiting iginawad ko kay ma'am dahil nangangati na rin ang maputi kong balat sa tindi ng init.
"Kailan ang kapanganakan ni Dr. Jose Rizal?"
Ganado akong lumapit sa kaniya. "December 30, 1896 ma'am! O 'diba tama po, Rizal Day 'yan eh!"
"Mali ate, kamatayan niya 'yon. Naturingang pag-asa tayo ng bayan...Mag-aral ka pa ate, alam ng mga kapwa ko bata lahat ng tungkol sa kaniya..." hambog na sabi ng batang babae kaya asar ko siyang nilingon.
Bahagya pa siyang lumapit at may inilabas na water gun.
"Aralin mo nang husto ang kasaysayan, mahalaga iyan. Dahil hindi mo alam baka mamaya, bukas o sa makalawa..." tinutok pa niya mismo ang baril sa'kin.
"Baka ikaw nang sunod na barilin dito sa Bagumbayan."
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
Photo credits to the real owner.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...