Hindi ko kayang makipagtagisan ng galing gaya ng iba
Na pinagpala ng angking talinong tinitingala ng madla
Pero kung may bagay man na gusto kong itatak diyan sa isip mo
Darating ang panahon, makikita mo
MAGTATAPOS AKO.Hindi ako ganoong kahusay sa larangan ng agham
Lugaw rin ang aking isip sa aspeto ng sipnayan
Ngunit alam ko sa sarili kong wala naman akong dapat patunayan
Dahil tayo'y may kaniya-kaniyang galing na 'di pa natin natutuklasan.At hindi kailanman magiging basehan ang talino
Sa kung anong bukas na naghihintay sa buhay ng tao
Minsan pa nga'y kung sino pa yaong itinuturing mong edukado
Ay sila pa itong malinaw na halimbawa ng mga ipokrito.Huwag mong hahayaan ang sarili mo, na ang tanging hawak lang ay papel at libro
Magmasid ka kapatid, dahil mas malawak pa diyan ang kahaharapin mo
Sa mapaglarong mundo dapat mong taglayin ang diskarte, 'di puro talino
Dahil kung utak lamang rin ang maipagmamalaki mo
Sa kasagsagan pa lamang ng laban, agad ka nang mabibigo.Aanhin ko pa ang mataas na marka kung hindi naman ako masaya
Para saan pa ang mga papuri kung ako mismo'y nauubos na?
Naniniwala akong matalino ka man o hindi, may sarili kang halaga
Tatagan mo pa lalo, naniniwala akong sa huli'y magtatagumpay ka.Hindi ko kayang makipagtagisan ng galing gaya ng iba
Na pinagpala ng aking talinong tinitingala ng madla
Pero kung may bagay man na gusto kong itatak diyan sa isip mo
Darating ang panahon, makikita mo
MAGTATAPOS AKO.-jay.destro
photo not owned
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Fiksi RemajaThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...