"Hoy pre, kilala mo na ba yung secret admirer mo?" ani Gael.
Kinalbit naman ako nitong si Shano, "Gwapo mo talaga Kurt! My fafa! Yieee..." ulul ka! haha.
Tumigil muna ako sa paglalakad at hinarap silang dalawa, mga loko kong tropa. Dito pa talaga sa tapat ng principal's office ha.
"Tantanan niyo nga 'ko guys. I don't have any interest on her. Maybe she's just tripping on me instead," angal ko sa mga kaibigan na halos wala man lang naging reaksyon sa sinabi ko.
Magsasalita pa ulit sana si Gael nang may babaeng lumapit sa amin at patapong ibinigay ang isang papel sa harap ko. Hindi ko mapigilan ang pagsasalubong ng mga kilay ko dahil sa ginawa niya.
Umismid ako bago magsalita, "Pumunta ka ba dito para magpapansin?"
Humarap siya at matalim akong tinignan, "Sa may nagpapabigay e, pakeelam ko ba sa'yo?" singhal niya saka nagmartsa sa salungat na direksyon ng dinaraanan namin. Mukha namang bibe amp.
"Grabe pre, nakakadagdag pogi points pala kapag naka-barong tayo?" Yes. 'Kasuotang Filipino' is our outfit for today as what the Filipino Club President wished to be participated by us, students dahil selebrasyon ng Buwan ng Wika ngayon.
Pinulot ko ang isang nakatuping vintage paper saka ito binuksan. May seal pa ito sa pamamagitan ng string paper na may rosas pang nakaipit sa gilid.
"Hintayin mo ang pagtatapat ko sa'yo aking ginoo..." Ito ang laman ng sulat.
Nag-angat ako ng tingin matapos itong basahin at nakinikinita ko ang tatlong babaeng paparating na sa gawi namin na nakasuot ng baro't saya na sadyang bumagay sa kanila.
Napagtanto kong isa roon si Toni, kasama sina Liezel at Chevrolet. Okay, what's with this?
Pero bawat segundo ay para bang tinutunaw ako ng mga sulyap at ngiting hindi maalis-alis sa mukha ni Toni. Crush ko na talaga siya noon pa, pero parang may gusto na siyang iba. Ano ba namang laban ko roon? Hindi ako kapili-pili pagdating sa kaniya e. Tsh.
"Ginoo..." tawag niya nang tumigil siya bigla sa harap ko na halos hindi ko na namalayan.
"N-Napakaganda mo sa a-aking paningin Binibining Toni," nauutal kong bati. Ano bang pakay niyo talaga?
Tumikhim pa muna siya habang sumusulyap-sulyap sa mga kasama. Actually, dumarami na ang tao sa paligid namin. Nagbubulungan, may hawak na mga phones para kuhanan kami ng pictures.
This. Is. Perfect.
"Huwag mo sanang mamasamain ngunit nais ko lamang na tawagin mo ako bilang Carmela at tatawagin kita bilang Juanito." I don't know why I absolutely flashed a wide smile upon hearing those words from my girl. Me as her Juanito?
Tumango ako at kasabay niyon ang pagdating ng isang lalaki. Medyo nagbago ang timpla ng pakiramdam ko nang mapagtantong siya si Frankie, na sa tingin kong crush ni Toni ayon sa mga kwento sa akin nina Gael at Shano.
Lalo lang kumunot ang noo ko nang iabot nito sa kaniya ang isang gitara.
"SABAYAN NIYO KO HA... AYOKONG MAPA-#FEELINGBETRAYED."
Puno ng pagtataka ang aking isipan nang ilapat na niya ang mga daliri sa gitara. "Para kay Ginoong Juanito, Binibining Carmela!" Teka? Hindi pwede 'to.
Hinawakan niya ang balikat ko saka huminga ng pagkakalalim, "Liligawan na kita ginoo... Hayaan mong ipagpatuloy ko ang ating kuwento sa hindi malilimutang pagkakataon, at ito ang kahilingan ko." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ayieee..."
"Iyo nang sagutin agad Ginoong Juanito!" "Napakaswerte mo sa aming binibini!"Hindi ko na alam kung saan ko pa maitatago ang 'kilig' na nararamdaman ko. Nakakatwang isipin na isang babae ang gagawa nito na balak yatang pakiligin pa ng husto ang 'di hamak na lalaking tulad ko.
"Ikaw ang una't huling
Pag-ibig ng buhay koKaytagal mang naghintay
nandito kana aking habang-buhay
Sinlinaw ng langit na bughaw
hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
na tayong dalawa ay maging isaIkaw ang una't huling
mamahalin ko ng ganto
nais kong malaman mo
dati pangarap lang itoSinlinaw ng langit na bughaw
hanggang sa dulo ako at ikaw
iginuhit na ng tadhana
na tayong dalawa
ay maging isaIkaw ang una't huling
mamahalin ko ng ganto
nais kong malaman mo
dati pangarap lang ito..." at tinapos niya ang kanta nang may ngiti sa labi.Hindi ko akalaing sa pagkakataong ito ay unti-unti kong tinutupad ang hiling ng binibini ko. Alam kong sa mga oras na ito'y iisa ang tibok ng ating mga puso. Sana...
"Nagustuhan mo ba ang handog naming awitin Ginoong Juanito?" Hindi sapat ang salitang "Oo" para ibuod ang bawat kuryenteng hatid niya sa sistema ko.
"Sa tingin ko'y nasungkit ni Binibing Carmela ang puso ng isang Ginoong Juanito Alfonso," ani Liezel.
"Oo na 'yan!" anang Chevrolet.
Ako naman ang lumapit sa kaniya. Hinayaan kong umagos ang aking mga luha habang tinititigan ang babaeng kukumpleto sa mga hiling ko.
"Carmela... Noon pa lamang ay gusto na kita. Ngunit sa pagkakataong ito, sa tingin ko... mahal na kita."
"Hayaan mo ginoo, sa susunod ikaw naman ang gagawa nito. Para hindi unfair sa'ken! Effort ng pag-amin ko sa'yo." Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya, dahil sa tuwa. Kung sana lang walang hahadlang...
Mas lalo kong tinuon ang paningin sa kaniya. "Ngunit handa ka ba sa magiging kapalaran nating dalawa? Alam kong pinaglayo na tayo ng tadhana ngunit sa tingin ko ay... ito'y mauulit muli."
Nagsalubong ang kilay niya, "B-Bakit kung kelan mashushungkit na kita e." Sabay kurot niya sa kanang kilay ko.
Hinimas-himas ko ang buhok niya. Tumingala muna ako habang pinipigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha.
"Salamat binibini, alam mo bang tinupad mo rin ang kahilingan ko?"
"A-Anong wish?" naiiyak niyang tanong.
"Ang magustuhan din ng taong gusto ko, at ikaw 'yon. Ngunit kailangan na rin nating tigilan ito. Patawad..." yumuko siya.
"Lagi na lang bang masasaktan si Carmela? Maiiwan? Tatatandang mag-isa?"
"Mas lalo ka lang masasaktan kapag nagpatuloy pa ito. Hindi tayo pwede."
Kumawala na rin ang ilang patak ng luha niya at doon ko hinawakan ang dalawang kamay niya saka hinalikan ito.
"I have Leukemia. I just have few days left to live. At sa kwento nating ito, hindi mo na mapipigilan ang pagkamatay ko."©: Jay-Jay Writes
—Binibining Shae
#ILoveYouSince1892
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Novela JuvenilThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...