33: PLAYING WITH FIRE

4 2 0
                                    

"Do you know how to play spirit of the glass?" Halos magpatianod ako nang magsimulang magtipon-tipon kaming magkakalaro sa sinabing iyon ni Francesca.

Napukaw niya ang aking interes kaya't walang kurap ko siyang tinititigan. "Tuturuan mo ba kami? Pero mapanganib 'yan 'di ba?"

"Susubukan lang naman natin. Wala naman sigurong mawawala tsaka isa pa magandang experience kaya 'to," paliwanag niya pa't agad na sumang-ayon ang lahat.

***
"What? Why you're bringing that shit here? Seriously? You'll play inside our house?!" Namumula na ang mukha ni Marc na kapitbahay lang rin namin.

Ten years old pa lang siya ngunit makikini-kinita mo na agad ang kagwapuhan niyang taglay. Matanda siya ng isang taon sa'kin, kaya minsan sa kaniya ako lagi nagtatanong ng mga assignments ko.

"Kei? Sasama ka sa mga 'to?" turo pa niya sa mga kaibigan kong babae. "O-Oo sana Marc, curious rin kasi ako." Kakamot-kamot kong sabi.

Pinirmi niya ang tingin sa'kin. "Don't play, manood ka na lang sa kanila." Magpoprotesta pa sana ako nang bigla niya 'kong maunahan. "Papayag lang akong pumasok kayo rito kung papayag ka sa pabor ko."

Wala naman na akong nagawa sa kondisyon niya kaya't gaya ng sinabi, nakatunganga ko silang pinanonood.

Nagsimula nang mag-drawing ng kung ano si Francesca sa cardboard. Nagsindi naman ako ng kandila pero huli na't sapat na raw ang lima kaya't pinaglaruan ko na lang muna 'to.

"May kwento sa'kin dati yung pinsan ko. Naglaro raw sila nito nung high school. Sa third floor, bukas raw lahat ng bintana sa room nila..." Na sa kaniya lahat ng atensyon dahil sa lamig ng boses niya habang nagkukwento.

"Mga bandang alas-singko sila nagsimula tapos sa kalagitnaan raw ng laro isa-isa raw iyong nagsisara. Lumakas rin ang buhos ng ulan, ayun sa sobrang takot hindi na nila natapos at kinabukasan raw namatay yung nanay ng kasamahan nila. Binangungot raw," dagdag pa niya na naging sanhi ng pagtaas ng mga balahibo ko.

Madilim rin kasi dito sa bahay ni Marc, siya lang mag-isa at nasa bayan pa ang kaniyang mga magulang.

"I told you, dapat hindi ka na nakikisali sa mga ganiyang trip." Inabutan ako ni Marc ng tubig.

Halos tulala lang ako nang simulan na nila ang paglalaro, nagpatugtog pa ng creepy music ang isa sa mga kalaro ko na lalong nagbigay kilabot sa paligid ng bahay.

Panay bulong ang nananaig sa pandinig ko, mukhang alam na nga sadya ni Francesca ang paglalaro dahil tinuran raw siya ng kaniyang ate.

Nililito ko na lang ang aking sarili sa pagpapalapat kunwari ng hintuturo ko sa dulo ng apoy.

Kada andar ng orasa'y siya ring paghahabol ko ng hininga.

"Sa ngalan ng ama, at ng anak..."

"Hu-" Napapitlag ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Marc na puno ng pulbo ang mukha dahilan para aksidenteng matumba ko ang kandila.

"Kainis ka! Isusumbong kita kay Mama!" sigaw ko at 'di ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko sa mata.

"You, coward. Halika nga rito." Inalalayan niya 'ko papunta sa balkonahe ng kanilang bahay.

"Badtrip ka. Alam mo namang takot ako sa multo."

"E bakit sumama ka rito?"

"G-Gusto ko lang..." pangagatuwiran ko.

"Gusto? Gusto mo lang atang makita ako," pagmamalaki niya pa kaya't agad ko siyang sinikmuraan. "Hoy ang kapal mo."

"Welcome na welcome ka rito sa bahay. Magiging parte ka rin naman ng pamilya namin balang araw. Kaya huwag ka nang mahiya."

Ganito ba yung feeling ng kinikilig? Parang ang init yata bigla ng pakiramdam ko.

"Takboooooo!" Umalingawngaw ang boses ng ilan kong mga kaibigan na sunud-sunod na nagsilabas ng bahay.

Napawi ang kilig na nararamdaman ko kanina't napalitang muli ng takot.

"Ano bang nangyari?" tanong namin sa kanila.

"DIOS MIO MGA BATA BILISAN NINYO!" dumaan si Aling Marites sa tapat ng gate at gulat na gulat na tumingin sa gawi namin.

"MGA KAPITBAHAY MAY SUNOG!" nagkagulo ang mga tao sa labas at doon ko napagtantong binabalot na pala ng apoy ang salas na pinanggalingan namin kanina.

"Shit. Hindi kaya..." Hinapit niya ang braso ko habang kumakaripas na kami ng takbo palabas. "May tulo ka ng kandila sa braso mo Kei," puna niya habang nakatitig sa braso ko't mayroon nga.

"Shit. Y-Yung kandila y-yatang natumba ko kanina," nag-aalangan kong saad.

Halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha hanggang sa makalabas na kaming tuluyan.

"Palitan mo yung bahay namin." Tila nanigas ako sa gulat.

"Palitan mo yung bahay namin sabi," naiinis niyang baling sa'kin.

Seryoso ba siya? Paano ko 'yon mapapalitan?

"M-Marc, s-soryy. Papalitan ko na lang pag nagkapera na 'ko sa paluwagan namin," angal ko na lalo niyang ikinainis at naiwan akong naluluha nang bigla na lang niya 'kong tinalikuran.

***
The morning rays of sun give warmth to my skin as I opened my teary eyes because of yawning.

"Good morning love..." My husband greeted me, suppressing a sweet smile after kissing my forehead.

"I heard you muttering last night. You're apologizing to me. I'm worried because it seems like you're in a nightmare. I can't even wake you up." Bakas ang pag-aalala sa galaw ng kaniyang mga mata.

"I don't think it's a nightmare love."

"How do you say so?" he asked interestingly.

I kissed his cheek. "Do you remember the day when your house has been swallowed by fire?"

"Yeah, I'm just pissed off that time. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi kita ginulat no'n, hindi sana natupok ng apoy yung bahay namin."

My heart lept in shock when he said that. I hugged him tight. "A-Akala ko galit ka sa'kin no'n. Sorry na ulit."

"It's okay love. I don't know kung dapat ba 'kong magpasalamat na nangyari 'yon. Napalitan nating dalawa yung bahay Kei. You pursued your dream of being an architect, I became an engineer. Tapos asawa na kita ngayon." He pinched my cheeks.

Hindi ko sukat akalaing magiging dahilan pa 'yon para itadhana kaming dalawa. Napakaraming pagsubok ang dumaan bago ko nasabing "siya" na ang lalaking makakasama kong humarap sa altar.

Restoring a house seemed a blessing to us.

We both worked hard for this, we both took great efforts to accomplish our goals.

We both searched each other in the realm of genuine happiness and peace.

Nakakatuwang isipin na ang aksidenteng pagkasunog ko ng bahay nila ang maghahatid sa'kin sa walang katapusang ligaya.

Na sa kasabay ng paggawa ng bahay, may buhay na sa aki'y naghihintay...

Kasama siya.

PLAGIARISM IS A CRIME. 
@jay.destro
Photo credits to the real owner.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon