"Anak, may tanong lang si Mama sa'yo..." Huminto muna 'ko sa pagtutupi ng damit nang pumasok si Mama sa kwarto ko. "Ano 'yun Ma?" tanong ko at napangiti naman muna siya bago nagsalita. "Paano kung bumalik si Tatay mo, tatanggapin mo pa rin ba siya?" Nabigla ako sa tanong na 'yon hanggang sa maalala ko yung huli naming pagkikita ni Tatay.
"Anak, aalis lang si Tatay ah. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Pero mahihintay mo naman ako 'di ba?" Pinisil naman niya ang magkabila kong pisngi.
"Oo naman Tay, hihintayin kita ah. Bakit hindi ka muna magpaalam po kay Mama? Magagalit po siya," malungkot kong sabi hanggang sa yakapin niya ako ng napakahigpit. "Naku, hindi ako papayagan ng Mama mo umalis. Tsaka isa pa, ayokong umalis na umiiyak siya. Alam mo naman 'yun e."
May iniabot naman siya sa aking isang brown na teddy bear at yinakap ko naman ito. "Regalo ko 'yan para sa birthday mo bukas ah. Magpi-pitong taon ka na, at syempre maghahanda kayo kahit wala ako..." Dinampian niya ng halik ang aking noo. "Sige na anak, baka magising na si Mama mo. Magpapakabait kayo ng kapatid mo ah. I love you anak..." Naluluha ko siyang hinalikan sa pisngi. "I love you too Tatay, hihintayin ka namin."
Parang unti-unting nilalamukos ang puso ko nang maalala yun na pala ang huli naming pag-uusap. Nilingon ko si Mama, "Hindi ko po alam. Umalis siya nang walang dahilan Ma. Sabi niya sa'kin babalik siya pero isang dekada na ang nakalipas, hanggang ngayon nagparamdam ba siya?" Hindi ko mapigilang mapaluha. Masama talaga ang loob ko sa kaniya.
Bigla namang pumasok si Papa. Masaya ako kay Mama dahil nakatagpo siyang muli ng lalaking makakaagapay niya sa lahat ng pagsubok sa buhay. Ten years old ako nung magkakilala sila. Hindi na sila nagplanong magka-anak dahil sapat na raw ako sa aming pamilya. Nagpapasalamat ako kasi naramdaman ko talaga kay Papa ang tunay na pagmamahal ng isang ama kahit pa hindi kami magkadugo.
"Oh, Pamela bakit ka umiiyak?" tanong niya sa'kin hanggang sa mapatingin siya kay Mama. Tila nakuha nito ang dahilan ng lungkot ko. Hinawakan niya ang kamay ko, "Anak, alam kong galit ka sa Tatay mo. Naiintindihan ka namin pero sana sa oras na magkita na kayo ulit at gusto ka niyang makilala, bigyan mo sana siya ng pagkakataon."
Tahimik lang kaming kumain hanggang sa magpaalam na siya upang pumasok sa trabaho bilang isang pulis. Bilib ako sa tapang niya, pumasok na nga rin minsan sa isip ko na sana siya na lang talaga ang naging tatay ko.
At dumating na nga ang araw na hindi ko inaasahan...
"Sino ka ba?" tanong ko sa isang lalaking nakabangga sa'kin dito sa sidewalk. Nginitian niya 'ko at do'n ako nakaramdam ng kakaiba. Tanda ko ang mga ngiting 'yon, mga ngiting suot niya bago niya kami iniwan.
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya, nananaginip lang ba 'ko?
"A-Anak... Ang laki na ng pinagbago mo." Tinitigan ko siya, pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya.
Mahahaba na ang kaniyang mga balbas sa mukha, suot ang kaniyang malaking shirt na butas-butas at maruming pantalon, doon ko napagtanong may malaki rin siyang pinagbago.
"A-Anak? Pasensya na po, pero hindi ko kayo kilala..." Walang segundong 'di ako nakaramdam ng kirot. "Pam, nandito na si Tatay. Nakabalik na 'ko 'nak..." Amba niya 'kong yayakapin ngunit tumanggi ako.
Tinalikuran ko lang siya habang pinapalis ko ang aking mga luha. Hindi ko alam ngunit lamang pa rin ang galit ko, marami ako hinanakit na dala-dala mula pa pagkabata.
"Pwede po ba?! Umalis na kayo! Hindi ko kayo kilala!" sigaw ko kay Tatay nang makita kong nakaabang na naman siya sa gate namin, alas-nueve ng umaga. Nung hapon na magkita kami, inaraw-araw na niya ang pagpunta dito.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Genç KurguThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...