Whooping swirls of mist just wrapped the insides of my throat, as I candidly drank a large can of butter beer I bought at the nearest cafeteria from the school grounds.
I have remaining five minutes to return before the first period of after lunch arrives. Napakamot na lang rin ako ng ulo sa isiping may ipapasa nga pala ngayong reaction paper sa Oral Communication na nakalimutan ko nang gawin kahapon dahil naging abala ako sa paggagawa ng photo collage ni Kingsley na noon pa ma'y hinahangaan ko na.
I'm getting nearer to our corridor when I saw him coming out from the door then it was a gaunt, aquiline face which was turned towards me, with piercing dark eyes, which lurked in deep hollows under overhung and tufted brows.
Oh, he's dead annoyed again. But he rather look cute still.
"You're ten minutes late," he said coldly, clenching his jaw which had the prominence and squareness that mark him the man of determination. "When you got up late here again, a detention was ready for you."
'Kung diyan mo na lang kaya ako ikulong sa puso mo? Kahit reclusion perpetua pa ang hatol papayag ako.'
Siyempre hindi ko 'yon sinabi, ayaw ko namang ma-turn down nang harap-harapan. Bakit ba kasi pinanganak rin na manhid itong lalaking 'to?
"Sayang tuloy yung ininom kong cold drink, tinapatan kasi ng init ng ulo no'ng isa diyan," parinig ko pa sabay alis sa harapan niya't agad akong pinandilatan ng mata ng kaibigan kong si Kristine.
"Hala ka Luna, mainit talaga ulo niyang presidente natin dahil nawawala yung gamit niya." Saka ko lamang napagtantong nasa bulsa ko pa pala yung susi ng locker niyang ipina-duplicate ko kanina.
Pasimple muna akong tumayo para manalamin kunwari dahil malapit lang roon ang upuan niya. Sakto namang bukas pa yung bag niya na halatang kinalkal pa sa paghahanap.
***
"Oh, may manliligaw ka na naman pala pre?" Pigil ko ang paghinga habang nagtatago sa likuran ng mga cleaning storage dito sa locker room ng mga boys. Katatapos lang nila mag-practice ng basketball ng mga ka-tropa niya't kahit halos isang oras at kalahati iyong natapos ay nagtiyaga pa rin akong maghintay.
Hawak-hawak na ni Kingsley yung photo collage na ginawa ko para sa kaniya na may kalakip pang maikling letter mula sa akin. Nahihiya akong umamin, may plano pa rin naman akong gawin 'yon pero hindi na muna sa ngayon.
Tahimik niya lang na tinitigan ang mga litrato ngunit napaawang ang bibig ko nang itupi niya iyon ng ilang beses sabay tapon nang diretso sa basurahan.
Was that his way in rejecting people that admire him?
Pigil ang mga luha kong sinundan sila ng tingin habang lumalabas paalis sabay hanap no'ng collage na pinaghirapan ko.
Bakit ba kasi gano'n siya? Hindi niya ba kayang i-appreciate yung mga efforts na ibinibigay sa kaniya ng ibang tao?
Days passed, but fool me continued to do the same things again. Araw-araw bago mag-uwian, pasimple kong binubuksan yung locker niya para ilagay yung mga letters na gabi-gabi kong pinagpupuyatan. Dumating pa nga sa punto na nakakatulog na ako habang nagkakaklase ang teacher namin sa harapan dahil kulang talaga ako sa tulog.
I always search the internet to create presentable letters to him. Aabutin pa ako madalas ng 2 a.m. dahil sa mabagal na internet connection.
I'm heading my way back home when I remembered I have to go somewhere. Mabuti na lamang ay agad akong nakakita ng masasakyang tricycle papunta sa isang bahay na matatagpuan sa bukirin malapit lang rin dito sa bayan.
"Manong, diyan na lamang po sa tabi..." patukoy ko sa isang asul na waiting shed dahil hindi makakapasok itong sinasakyan ko sa daan patungo roon sa bahay.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Novela JuvenilThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...