"If you want to know what a man's like, take a good look at how he treats his inferiors, not his equals," a J.K Rowling's qoute that I smoothly jotted down in my personalized journal as it sounds essential for me to integrate my view in some aspects of life.
I slid it in my bag after, until I remembered something when my hands perched a box containing a relic of Harry Potter's wand that I'm supposed to give to my best friend, Harry.
Sounds weird but he's an avid fan of Rowling's works too specially of that Harry Potter Series. It's his birthday today so I did my best to find this item either in online or physical stores and luckily I had one from Lazada.
Kalmado lamang akong lumabas ng classroom para hanapin si Harry sa corridor. Karamihan kasi ng mga kapwa namin estudyante'y nasa quadrangle para manood ng Folk Dance Competition ng mga Grade 8 students. Nagdahilan na lamang akong masakit ang ulo dahil tinatamad akong maki-nood ngayon.
When I'm heading my way towards the staircase down the second floor, I heard bursts of yells coming from men's comfort room. I paused, getting curious from which the commotion is all about.
"Avada Kedavra! Yoo-hoo! Come here weirdo!" Halos umakyat lahat ng dugo ko nang dumapo sa'king pandinig ang nakakalokong boses na iyon ni Drake.
Pinagti-tripan na naman nila ang kaibigan ko.
"Lumaban ka! Ayoko ng lalampa-lampa!" dagdag pa ng isa sa mga kasamahan niya kaya't lapat na lapat ang labi kong sumugod papunta roon upang makapagpigil ng galit.
"Let go of him you sinister asshole!" I'm about to punch him when someone seized my hands, and it's Carl who's gawking at me playfully.
Doon ko lang rin nakita kung paanong pilit na ibinabaon ni Drake ang dulo ng paintbrush handle sa ilalim ng panga ni Harry. "D-Don't touch her..." Nahihirapan niyang sabi habang ang kaniyang mga kamay ay nakatali mula sa likuran gamit ang barbed wire.
"You've got your girlfriend now huh. Sa ka-abnormal-an mong 'yan, nakabingwit ka pa?!" Nang-iinsultong sabi pa ni Drake kaya naman siniko ko na agad si Carl na nasa likuran ko na't pinagtatadyakan sa kaniyang kahinaan.
It may look rude but I can't think of any way to escape. Nang masiguro kong namimilipit na talaga siya sa sakit ay saka ako bumaling kay Drake at buong lakas na sinapak ang kaniyang pagmumukha. "Bakla! Lakas mo manghamon! Dala-dalawa kayo tas iisa lang itong pagdidiskitahan niyo. Nasaan yung tapang mo do'n?!" Inundayan ko ulit siya ng suntok sa mukha't tatawa-tawa niya 'kong pinukulan ng tingin.
"Why meddle with us? Away-lalaki 'to tapos susugod ka? Tomboy ka ba?" aambahan ko na sanang sapakin pa sana siya ulit nang hablutin bigla ni Harry ang kanang kamay ko.
"Enough, we have to get out of here now. Baka mahuli pa tayo," he said calmly so I gave Drake a resentful look before we part ways.
***
"Nagustuhan mo ba yung regalo ko?" interesante kong tanong kay Harry habang sabay kaming kumakain ng lunch sa gilid ng field.
Inayos pa muna niya ang salamin bago tumingin sa'kin. "Of course, sa'yo kasi galing. Malapit ko ng makumpleto yung collection ko. Salamat ulit," he beamed at me, as if he's not affected by those bruises inscribed at his face.
"Binugbog ka na naman ng tiyuhin mo?" agaran kong tanong na nakapagpapawi ng ngiti niya. Nanatili siyang tahimik. Kung may magagawa lang ako para makaalis na siya sa mala-impyernong buhay niya kasama ang tiyuhin ay ginawa ko na, ngunit alam ko rin ang mga hangganan ko bilang isang kaibigan.
"Yes, don't worry. Sanay na rin ako, gagaling naman 'tong mga sugat ko, malayo naman kasi sa bituka 'yan." Nagawa niya pang magbiro hanggang sa hindi na siya nagtatanggal ng tingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
TienerfictieThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...