#AcademicFreezeNow
[Warning: Suicidal & Sensitive Contents Ahead]"Anak, kumusta ang online class? Kanina ka pa babad sa cellphone, kumain ka na muna..." paanyaya sa akin ni mama pagkalabas ko ng kuwarto, nauna na yata silang kumain ng kapatid ko.
Nginitian ko na lamang siya, hindi ko alam kung paanong nakakayanan ko pang ngumiti sa kabila ng pagod na araw-araw kong iniinda. Ibinibigay ko lahat ng makakaya ko, maabot lang ang mga pangarap ko sa buhay...
Pero mali bang isipin kong tama na muna? Na hindi ko na kaya? Gusto kong magtagumpay, gusto kong matuto, gusto kong makapagtapos pero para saan pa lahat ng 'yon kung araw-araw akong naghihinagpis sa kalagayan ko? Sa kalagayan ng bawat pamilya't gurong patuloy na naghihirap mairaos lamang ang edukasyong iminumungkahi sa panahong ito?
"Emee, alam mo na ba yung tungkol kay Scarlett?" chat sa akin ng kaibigan kong si Nicole.
Alas-onse na ng gabi, imbes na nagpapahinga'y nagtutulungan pa kami kung paano iintindihin yung inaral namin kanina, idagdag mo pa ang sunod-sunod na requirements na kailangan nhaming ipasa next week kahit wala kaming natututunan. Kumbaga, mas focus pa kami sa requirements kaysa sa learning.
"Bakit? Ano bang nangyari?" reply ko. "Tumawag kasi siya sa'kin kanina, naaawa ako sa kaniya Emee, iyak siya nang iyak habang magkausap kami. Diba mangungutang sana siya sa'kin ng pambili ng bagong laptop noon? Ayun, wala na raw siyang choice, nagbebenta siya ngayon ng nudes sa mga chat websites na alam niya pero nahuli siya ng nanay niya."
Kumabog nang husto ang dibdib ko sa nalaman. Hirap sa buhay sina Scarlett, magtitinda ng gulay ang kaniyang ina at silang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay. Nawalan siya ng dignidad alang-alang sa pagpapatuloy niyang mag-aral.
At tinitigan ko ang paligid ko, kumpleto ako sa gamit, phone, tablet, laptop, Wi-Fi... pero kulang na kulang na ang oras ko para sa sarili ko! Akala ko nung una magiging madali para sa'kin mag-online class, pero nagkamali ako.
Dahil hindi ako madaling matuto.
"Ma'am pwede po bang mag-extend ng deadline?"
"Sorry po ma'am hindi pa po kasi compatible itong device ko para sa MS PowerPoint at MS Word. Paano po 'yun?"
"Pasensya na po ma'am, kahit saan po ako magpunta, wala akong masagap na signal."
Ilan lamang ang mga 'yan sa mga iniinda ng mga classmates ko, may ilan pa sa kanila, pinagsasabay ang pagtatrabaho at pag-o-online class. Naisip ko na lang kung paano nilang nakakayanan na malagay sa ganoong sitwasyon?
Kinabukasan ng hapon ay nagtimpla na lang rin muna ako ng kape para hindi agad ako antukin mamaya nang lumapit sa akin ang kapatid ko.
"Ate, kumusta ka? Ayos ka lang ba? Tapos na po ako, pwede po kitang tulungan para maaga tulog mo mamaya," nakangiti niyang sabi. Grade 7 pa lamang si Cassandra pero matured na siyang mag-isip.
Ginulo ko ang buhok niya, "Okay lang si ate, ako pa ba?" Tinignan niya naman ako nang mabuti sabay yakap sa'kin.
"I know you're not ate. But always remember that we can get through this okay? We're strong diba?" bulong niya habang yakap niya ako.
"Noted my baby. Miss na miss mo ba 'ko?"
"Sobra ate, buong araw ka rin kasing nasa kwarto e, hindi na tayo nakakapag-usap," malungkot niyang sabi nang humiwalay siya sa yakap. Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya, "Hayaan mo sa susunod na araw pwedeng sa kwarto ko na rin ikaw mag-aral, para lagi mo 'kong nakikita."
Napapalakpak naman siya sa tuwa kaya ako naman ang yumakap sa kaniya. "I love you Cassandra baby," paglalambing ko. "I love you too ate."
Hinatid ko na rin siya sa kwarto niya matapos niyang uminom ng gatas.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Fiksi RemajaThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...