"Oy bata, sa'n ka na naman magsususuot ha?! Nagtulug-tulugan ka na naman?!" Nakalabas na ang kanang paa ko sa gate namin nang bulyawan na naman ako ni Mama.
"Ma! Natulog po ako. Promise! Tsaka hihintayin ko lang po si Khyro. Maglalaro kami ulit ma sa com-shop hehe. Date date po gano'n." Nasabi ko na lang sabay karipas ng takbo paalis.
"Hoy Jane! Lintik na bata ka! Huwag na huwag ka ng uuwi dito ha!" Kumaway-kaway pa 'ko sa kaniya habang nanakbo nang may humawak sa mga braso ko.
"Oh, Khyro!" Nakipag-apir pa 'ko sa kaniya nang siya na nga itong bumungad sa'kin. Nakanguso siya habang salubong ang mga kilay na tinitingnan ang mga mata ko.
"Ikaw, lagot ka na naman pag-uwi. Bumalik tayo, ipagpapaalam kita sa Mama mo."
"Eh, ayoko. Pipitpitin niya na naman ako ng hanger. Hindi ko pa kasi nasasaulo yung 'All Things Bright & Beautiful' na assignment natin e." Nakakatamad kaya mag-memorize. Mas enjoy ko pa ang maglaro.
"Bahala ka na nga! Mauuna na 'ko!"
***
"Hala, ikaw doon sa baba, Itutulak ko na 'tong bloke, sumampa ka na do'n sa parang elevator," utos ko pa sa kaniya dahil kanina pa kami pabalik-balik at 'di kami makaalis sa level 9 nitong "Fireboy and Wategirl" sa paborito naming gaming website na FRIV.
Napapakamot pa siya sa ulo. "Hindi, ikaw ang sumampa. Ako ang magtutulak! Sayang ang oras oh."
Gano'n na nga ang ginawa namin at hirap pa 'ko sa pag-control dahil mukhang malutong na 'tong keyboard. Buti na lang at sanay na sanay na rin 'tong kakampi ko kaya nabubuhat niya 'ko sa paglalaro.
"PC 8..." saad bigla no'ng operator. Ang bilis naman. "Kuya, extend po kami dalawang oras!"
"Hoy, adik ka talaga. Magdidilim na Jane oh, papagalitan ka na naman niyan."
"Ako naman ang anak e, bakit parang mas takot ka pa sa'kin? Nakakainis kang kakampi!" Bigla niya 'kong nilingon at nakasimangot na pati siya.
"Edi huwag na tayong maglaro. Ayaw mo pala akong kakampi. Mag-break na tayo." Isang araw pa lang nga kaming mag-jowa "Hoy, anong break break? Sumbong kita kay ate, sinusukuan mo na agad ako."
Ganito ba yung pag-b-break ng dalawang mag-jowa? Sabi kasi ni ate, dapat raw sa magkarelasyon, nagkakaintindihan.
Bahala na, ano bang malay ko?
"Edi sige, break na tayo. Hahanap na lang ako ng ibang kalarong pwedeng jowain." Nagmartsa na ako paalis ng computer shop, tinawag pa niya 'ko mula sa loob pero agad na 'kong nanakbo hanggang sa naalala ko na lang na hindi ko pa nababayaran yung utang ko sa kaniya na pinanglaro namin kanina.
Hindi na 'ko babalik at 'di ko na talaga siya babalikan.
Manigas siya diyan.
"Oh, bakit hindi ka na nakikipaglaro kay Khyro?" Busy ako sa paggagawa ng eroplanong papel nang tumabi sa'kin si ate Flor. "Break na kami ate, bigla na lang siyang nagalit no'ng sinabi ko sa kaniyang nakakainis siyang kalaro."
"Ah, kaya pala nakikita ko nang may ibang batang babae siyang ka-duo. Yung galing probinsya na anak pala ng may-ari ng com-shop na pinupuntahan niyo."
Ibang babae? Anak ng may-ari? Nahanapan niya agad ako ng kapalit? Humanda ka sa'kin.
"Bye muna, may kailangan akong asikasuhin. Sabihin mo na lang kay Mama ate, na natulog ako kaninang tanghali."
Dire-diretso lang ako hanggang sa makapasok ulit ng computer shop at naroon na nga si Khyro na may kasamang iba.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...