36: RASON KUNG BAKIT HINDI KA PA INA-ACCEPT NI SEKARYO

5 2 0
                                    

"We don't know, he's an author ‘tsaka isa pa sa milyun-milyong supporters niya, tumpak na swerte kung mapapansin ka," opinyon ni Jeyra habang sumisipsip ng paborito niyang Zest-o.

Hanggang ngayon napapaisip ako kung bakit hindi pa rin ako sinu-swerte na ma-accept ni kuyang author.

Disappointed ko siyang binalingan, "Kaibigan ba talaga kita? ‘Di ba dapat sinusuportahan mo ‘ko? Ang negative mo naman kasi."

Humalakhak niya 'kong pinasakan ng monay sa bibig. "Oh bakit ako na naman? Hirap kasi sa'yo mangangarap na nga lang, suntok pa sa buwan. Huwag ka na munang umasa Jocelyn."

Die hard fan na talaga ako ni Sic Santos mula no'ng nagsisimula pa lang siyang maging writer sa Wattpad.

Makikipag-agawan pa 'ko kay Mama ng cellphone para lang makapagbasa ng mga stories niya. Yung tipong ikamamatay ko ‘pag hindi ako nakapagbasa sa isang araw. Pero siyempre depende rin naman sa update.

"WOAH IN-ACCEPT NA AKO NI SIC!"

Hindi ako 'yan kaya "sana all" na lang ulit sa classmate kong naka-attend ng MIBF na kasama na rin ngayon sa official gc ng mga writers. Makakapunta rin ako jan 'no, maghintay lang kayo.

Makakapunta ako...

Makakapunta talaga ako...

Pupunta pa ba 'ko?

"Oh akala ko pupunta ka na sa booksigning? Bakit pumasok ka pa?" bungad sa'kin ni Jeyra habang nginangatngat yung isang pakete ng floorwax.

Bagsak ang balikat ko siyang tiningnan, "Alam mo namang matagal ko nang pangarap na makapunta do'n ‘di ba?"

"Aba'y ano nga? Ang aga-aga nagda-drama ka. Papangit lalo araw mo niyan."

"Pangit na talaga," pino kong sabi't hinawakan niya 'ko sa magkabilang-balikat. "A-Ah huy, ano ba kasing nangyari?"

"Na-hold-up ako bhie." Natataranta niya 'kong inalalayang makaupo. Ang OA naman nito. "Oh, eh namukhaan mo naman ba kung sino yung snatcher?"

"Oo." Awtomatiko siyang napatakip ng bibig. "Kakilala mo? O sige sino ba sa tingin mo? Ano bang ninakaw sa'yo."

"Si Sic Santos, ninakaw niya yung puso ko." Literal siyang napanganga sa sinabi kong ‘yon na ikinatawa ko.

Ang totoong dahilan kung bakit hindi ako makapunta, kinailangan ng bunso kong kapatid ng mga gamot para sa ubo niyang dalawang linggo na. Yung inipon ko na para sa booksigning, eh ibinigay ko na lang kay Mama pandagdag.

***

"IN-ACCEPT NA ‘KO NI SIC!" nakakabinging wika ni Jeyra habang nakapila kami dito sa Mall of Asia para sa MIBF.

Parang wala na yata sa'kin kung i-accept man ako o hindi, ang mahalaga ay nagawan namin ng paraan para makahabol sa last day ng event. Medyo minalas ako last year kaya laking pasalamat kong may blessing na dumating kaya naka-afford akong dumalo.

"Oh mukhang stress na stress ka bhe? Ilan bang amazona yung sinalubong mo sa pila?" bungad sa'kin ng boyfriend ko nang maka-uwi ako ng bahay galing sa booksigning.

"Nakakapagod talaga bhe. Ang daming gwapo, ang sarap pala sa feeling na makita sa personal yung mga favorite authors mo. Ang pogi lalo sa malapitan nina KIB, Race Darwin, Josh Gonzales, Arvin Tan, AkosiIbarra tapos si Marco Jose. Nakakabusog," wala sa sarili kong sabi.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Wow, busog ka na? Hindi na kita aalukin ha. Ako na uubos ng hapunan. Nakakapagod makipag-beso-han sa mga fans," pagmamalaki niya pa habang dinudukot yung phone sa bulsa.

"Nananadya ka ba ha? Problema mo?" padabog akong umupo sa sofa. "Nananadya? Hindi ba sabi mo busog ka? Edi ‘wag ka na kumain. Wait lang, among us muna ‘ko."

Grabe kung hindi ML, Among Us ang binabanatan.

***

Dumaan pa ang ilang mga araw at pinilit niya 'ko sa isang street date. Ewan ko ba, pero kapag pagdating sa kaniya, hindi ko kayang tumanggi. Kahit na nagtatampo ako, alam niya kung paano ako aaluin. Hahanap at hahanap siya ng oras at paraan para mapasaya lang ako kasama siya.

"Manong pabili nga po, sampu lang..." nakangiti niyang sabi sa tindero para bumili ng isaw. "Hoy ikaw, bumili ka na. Alam ko namang takam na takam ka na jan," baling niya pa sa'kin.

"Busog pa 'ko e."

"Busog na naman? Ang sabihin mo maarte ka lang," saka niya 'ko inakbayan.

"Eh sa busog pa nga 'ko. Anong magagawa mo?"

"Ayaw pa e, ano bang gusto mo bhe? Minsan lang ako manlilibre," pagpupumilit niya pa.

"Gusto mong malaman?" Napahalakhak na lang ako sa tuwa dahil mukhang napipikon na talaga siya.

"Accept mo na kasi ako." Ginawaran niya 'ko ng ngiting nakapagpapagaan ng loob.

Hindi siya umiimik hanggang sa matapos naming ubusin yung isaw na binili niya. Wala rin namang salitang lumabas sa bibig ko kaya hinayaan ko na lang.

Maya-maya pa'y naupo kami sa gilid ng pathwalk, pinanonood ang mga batang tuwang-tuwang naglalaro ng tumbang-preso sa daan.

"Nagtatampo ka pa rin ba kasi hindi pa rin kita ina-accept?" seryoso niyang sabi habang nakadantay ang ulo ko sa balikat niya.

"Hindi naman... Nagtataka pa rin kasi ako na kahit tayo na, ayaw mo man lang akong i-accept sa fb mo. Bulok na bulok na yung friend request ko oh."

"Na-accept na kita..." Napaangat ako ng ulo saka hindi makapaniwala siyang titigan. Agad kong dinukot ang phone ko sa bulsa kung totoo nga ngunit kinuha niya naman 'yon bigla.

"Tangeks, hindi 'yan ang ibig kong sabihin."

"Ha? Ano ba kasi 'yon?"

"Hindi ka ba talaga aware? O nagmamaang-maangan ka lang?" pang-aasar pa niya.

"Doon ako sa una mong binanggit. Seryoso walang halong biro."

"Na-accept na nga kita matagal na..."

"E saan nga?"

"Sa buhay ko..." puno ng emosyon ang kaniyang mga mata habang binibitawan ang mga salitang 'yon.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang tagal kong pinangarap lahat ng nangyayari sa'kin ngayon na higit pa sa inaasahan ko.

Sino ba namang mag-aakalang ang isang reader lang niya noon, jowa na siya ngayon.

Na kahit ako'y nagawa niyang patayin sa pambihirang kilig at saya tuwing kasama ko siya.

"Oh bakit natulala ka? Chill ako lang 'to, si Sekaryo, ang bubuo sa istorya ng buhay mo. Finger heart para with feelings!"

Kaya kayo, mga co-wattpaders, huwag na huwag kayong mawalan ng pag-asa, dahil malay niyo sa paghihintay na 'yan, i-accept kayo ng favorite author niyo sa buhay niya.

Nagmamahal, 
Jocelyn

PLAGIARISM IS A CRIME. 
@jay.destro
Photo credits to the real owner.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon