"Taal volcano eruption in CALABARZON affects 846,00 people..."
"Australia bush fire burnt an estimated 18.6 million hectares, and some species we're believed to driven extinction..."
"2020 Beirut explosion caused at least 190 deaths, 6,500 injuries, US$10-15 billion in property damage, and leaving an estimated 300,000 people homeless..."
"A magnitude 6.6 earthquake struck the Philippines, killing one person and damaging quarantine centers..."
"Coronavirus Cases in the Philippines turns up to 241, 987, deaths—3,916, recovered—185,178."
I'm busy writing down my notes when I remembered that I have to cook for dinner. Oh, I hope Mom's still there to remind me everytime of the things I have to do but now, she's gone.
She's one of those almost 4,000 people who died because of CoVid infection and I'm proud of her because she sacrificed her ownself for the sake of everyone's safety of being a nurse, a brave frontliner.
2020 has been a tough year to all of us...
Napakaraming mga pangyayaring sumubok sa katatagan ng bawat isa. Pagpasok pa lang ng taon, unti-unting pinaparamdam sa atin ang halaga ng bawat oras, araw at panahon, maging ang buhay na hindi natin masasabi kung kailan natin mapanghahawakan.
"Yung ilan sa'min wala na talagang maisasalba pa, natabunan ng abo yung mga bahay, sira-sira na rin kaya hindi na namin mapapakinabangan..." Naalala ko pa yung kuwento sa akin noon nung transferee kong kaklaseng naki-sit-in sa'min dahil apektado sila ng bulkan.
Maaga silang nagigising, at pagkauwi'y pipila pa para lang makapaglaba sa isang area sa loob ng evacuation center. Mabuti na lang at tuloy-tuloy ang pagdating ng mga donasyon gaya ng pagkain at damit na sadyang nagpapakita ng pagkakaisa't suporta ng lahat.
"Michaella, okay na yung mga pictures para sa planner mo. Isinama ko na sa mga ni-print ko..." Naputol ang pagmumuni-muni ko nang lumabas si ate ng kwarto niya dala ang ilang litrato. "Teka, para sa'n ba yan?" tanong niya.
"Nag-iipon lang ako ng maisusulat na memories ate sa taong 'to. This year means a lot to me," nakangiti kong sagot.
"Nga naman, masyadong nagiging mahigpit ang 2020 sa'tin ngayon. I hope everything might go well."
Isa-isa kong tinignan ang mga pictures, ang isa'y kagubatang tinutupok ng apoy, habang ang iba pa'y mga wala nang buhay na hayop at pagsabog sa bansang Lebanon.
Naging kalunos-lunos ang kalagayan ng mga bansang ito. Halos lamunin ng apoy ang buong Australia dahilan upang lubhang maapektuhan ang dating masaganang kapaligiran nito. Iba't ibang uri ng mga hayop ang nangamatay, tila wala nang ibang natakbuhan pa't hinintay na lamang ang kani-kanilang oras. Binalot nang makakapal na usok at nagbabagang apoy ang lugar na ito, na sumisimbolo sa pagkaubos ng mga likas na yamang pinakaiingatan.
"I remembered my bestfriend at Lebanon, tanda mo ba si Lujille?" tanong naman sa'kin ni ate habang nagtitimpla ng kape. Tinanguan ko siya bilang tugon.
"Naiiyak nga ako kapag naalala ko yung hitsura niya pagkatapos ng pagsabog. Nakapag-video call pa kami at halos 'di ko siya makilala e. As in balot ng dugo at malalim yung mga sugat niya sa mukha lalo na sa bandang leeg. I hope she's recovering well now." Ini-scroll pa ni ate yung mga pictures na magkasama silang dalawa. Bakas ang lungkot sa kaniyang mukha.
Aksidente lamang raw ang nangyaring pagsabog. Kahit papano'y nagpapasalamat pa rin ang ilan dahil hindi mga terorista ang nasa likod nito.
May ilan ding mga paglindol pang nagaganap sa iba't ibang panig ng ating bansa at doon ko napag-isip-isip na patuloy na iikot ang mundo, dadaloy ang mga dapat pang mangyari habang lahat tayo'y nakikipaglaban sa pandemya.
Sinasabi ng ilan na ito ang taong pinaka-boring kuno dahil halos buong taon raw silang nakakulong sa bahay. Isipin nating mabuti ang kapakanan ng bawat isa.
Walang nakaka-boring sa araw-araw na pakikipagsapalaran ng mga frontliners, walang nakaka-boring sa mga taong halos sumuko na sa pag-iisip ng paraan kung paano sila makakapaghanapbuhay, maraming nagugutom, maraming nangangailangan ng tulong sa pamahalaan na aminin man natin o hindi ay mayroo't mayroon pa ring mga pagkukulang.
We're all struggling in order to survive amidst of every quests we're facing. Every day is a challenge, every day is a chance, and every day is a blessing because it's not a joke to still exist today.
It seems like so much is going wrong, but we have to accept these. Let's take a deep breath, some of us are also suffering from mental health problems but we need to become stronger.
Let's just keep on fighting along the road because someday we'll win.
2020 is such a heavy year but it brought a lot of lessons, seeing people come together seems a positive wave. Just keep pushing and praying... we will survive.
PLAGIARISM IS A CRIME.
Illustration by: Sun Project
@jay.destro
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
JugendliteraturThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...