64: ANG GIRLFRIEND KONG BAYARAN

32 2 0
                                    

"Yuward!" I'm few meters away from the school gate when a woman called me from behind as if she's blurted out in a hurry. I turned my gaze to her and realized that she's holding my wallet.

"Sa'yo 'to 'di ba? Pasalamat ka ako nakapulot nito, kung sa iba 'yan-"

"Thanks," malamig kong sabi at maagap iyong kinuha mula sa mga kamay niya. Wala naman siyang ginagawang masama sa'kin pero agad na nag-iinit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko siya.

Napapahiya siyang umalis sa harapan ko't agad naman siyang inalo ng kaniyang mga kaibigang matalim na naman ang tingin sa'kin.

"Pre, bakit ba kasi hindi mo matanggap?" Abala ako sa pagsisindi ng sigarilyo nang magsalita si Viyo.

"Ang alin na naman?" iritable kong sabi.

"Na girlfriend mo si Rhea... Ayaw kong manghimasok pero naaawa na 'ko sa kaniya pre. Kung wala ka nang nararamdaman para sa kaniya, diretsuhin mo na. Umaasa yung tao Yuward." Agad akong napahalakhak sa tinuran niya.

"Kakaiba yung mga joke mo ngayon ah... Pwede ka ng komedyan-"

"I'm serious about what I have said. Girlfriend mo siya, pero kung ituring mo, parang iba siya sa'yo. Talaga bang hindi mo siya maalala?"

Inis akong bumaling sa kaniya. "Mas gugustuhin kong hindi na siya maalala pa. Dahil wala akong minahal at mamahaling babaeng bayarang tulad niya!"

I don't fucking know how we ended up each other before. Paano ko siyang nagustuhan? Paano ko siyang minahal? Paano ko nasikmurang magkaro'n ng relasyon sa isang maruming babae?

Lagi kong tinatanong ang sarili ko kung gaano ba kalalim yung pinagsamahan naming dalawa para hindi niya 'ko lubayan?

Ang naaalala ko lang ay yung gabing nakita ko siyang sumasayaw sa entablado na halos walang suot, nakangiti pa't nang-e-engganyo ng mga parokyanong tila mga buwayang gutom na gutom.

Iyon lang at wala ng iba.

"H-Happy Anniversary love..." Nandito ako sa bench ng gymnasium nang sumulpot na naman siya sa harap ko na todo ngiti habang inaabot sa'kin yung box ng sapatos na regalo yata niya.

"HA?!" I surprisingly shouted at the front of her face. "ANNIVERSARY? NAGPAPATAWA KA BA?!"

"O-Oo, naiintindihan ko naman kung hindi mo natatandaan. Pero sana tanggapin mo 'to, pinag-ipunan ko pa 'yan..." Tinitigan ko pa yung hawak niya't umiling lang ako.

"Gumagawa ka lang yata ng kwento na may relasyon tayong dalawa? Hindi ba gano'n yung sa mga teleserye? Pasensya na ah, pero nagdududa ako sa mga sinasabi mo," litanya ko na agad ikina-laki ng kaniyang mga mata.

"Ang sakit mo naman magsalita..." she painfully said as tears began to appear at her face. "Pero okay lang. I understand if you can no longer remember how we started before. Kahit masakit, titiisin ko. Kahit ilang beses mo 'kong ipagtabuyan palayo sa'yo, iintindihin ko. Kahit pagod na pagod na 'ko, hindi ako susuko. Dahil umaasa akong darating yung pagkakataong maaalala mo kung pa'no mo 'kong minahal nang buo."

Napahilot na lang ako sa sintido habang pinakikinggan lahat ng sinasabi niya. "Rhea, I think it's better if you stop talking about this shit? I mean, no more explanations."

"A-Ano?"

"Tigilan mo na. Kasi, kahit anong paliwanag mo, hindi pa rin kita maramdaman. Maawa ka naman sa sarili mo..." I said convincingly. "Hahayaan na kitang lumapit sa'kin kapag pumayag ka sa gusto ko." Agad na gumuhit ang kalituhan sa hitsura niya.

"I-I can't understand."

"Ano? Payag ka?" Alam kong kagaguhan 'tong ginagawa ko sa kaniya pero may sarili rin akong dahilan para gawin 'to.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon