29: DAMUHAN

5 2 0
                                    

The cold, mostly-dusk wind gently touches my bare skin as I watch the sun approaches down the horizon. This is a perfect time for me to meditate because I find it relaxing that helps me to ease whatever thoughts I overthink everytime.

Nasa ganoong posisyon ako nang biglang sigawan ako ni Mama. "Naku April! Tama na muna ang pagse-senti ineng. Atupagin mo muna yung pinatatanim kong kamote sa'yo!"

Bumagsak ang mga balikat ko sa isiping kanina pa pala ako naka-tengga rito sa likod ng bahay namin.

Ano ba naman kasing malay ko sa pagtatanim? Ayaw na ayaw ko pa namang narurumihan ang mga kamay ko.

"God. Baka mapatay ko lang 'to Mama!" katwiran ko ngunit tinutukan niya 'ko ng hanger bilang senyales na wala na 'kong karapatan pang umangal.

Marahan kong binubungkal ang lupa nang mapansin ang isang pamilyar na lalaking nagtatabas sa kalapit naming damuhan.

"S-Serum?" bulong ko sa sarili habang papalapit sa kaniyang direksyon.

I gulped while staring freely at his heart-hooking existence. His white complexion screams perfection, napatingin na lang ako sa kayumanggi kong balat na walang binatbat sa kaniya.

He's aware that I have feelings for him but it seems like he don't want to meddle from that. Na parang wala lang sa kaniya.

Dedma.

Tumigil siya sa pagtatabas ng damo at nagpagpag ng mga kamay nang maramdaman siguro ang aking presensya.

Sweats of hotness were dripping hard beyond his face.

Bakit gano'n? Kahit pawisan siya ang gwapo niya sa paningin, samantalang ako kahit 'di pa pinagpapawisan mukhang dugyutin na.

"Oh, ba't naparito ka April?" He's brushing his soft, fluffy hair when he asked me.

"Ahh, w-wala. Papahangin lang. Kanina ka pa yata tabas ng tabas diyan? Hindi ka ba napapagod?" I did all of my best not to stutter in every words.

"Not really. Sanay na rin ako sa ganitong gawain." Nagsimula na siyang magpunas ng sarili at walang ano-ano'y nagtaas ng kaniyang t-shirt na ikinalaki ng mga mata ko.

I turned my back to him. Grabe, walang pa-alert?

"Is it okay for you to take a picture of me? Pang-dp ko lang." I faced him again after he changed his cloth. Naka-sando na siya at presko pa rin sa paningin.

I nodded so he lend me his phone.

Halos mangatal naman ang mga kamay ko habang kinukuhanan siya ng litrato. I'm was a photojournalist of our school paper kaya madali na lang para sa aking mag-decide ng perfect angle.

But I think any angles suits enough for him from his gorgeous features.

Naka-ilang shots na rin ako at dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa'kin. My heart shot upward when he just slid the phone inside of his pocket.

Ni hindi niya na rin ni-check yung mga pictures kung okay lang ba.

"S-Serum... Hindi mo man lang ba titignan yung mga photos? B-Baka kasi h-hindi mo gusto yung mga anggulo..." I stand still as his face drawn with a paint of seriousness.

His eyes darted on me. I got surprised by the sudden change of his actions.

He licked his lips and a smile conjured from his face. "Bakit pa 'ko magdududa? You're good at capturing various subjects. But there's better than those ways of you being a future photographer."

He stepped a foot right ahead from me.

"Sa camera nga kaya mong mag-focus, sa'kin pa kaya?" A playful smile from his face sent shivers down my spine.

A-Am I dreaming? Gusto na rin kaya ako ng lalaking gusto ko?

"W-What do you mean Serum?" natutuliro kong tanong.

"You, capturing random stuffs amazes me..." He leaned forward. "But you, capturing my heart drives me goddamn crazy."

The sincerity from his inscrutable eyes made my heart pulsate rather fast.

"T-Tapatin mo na 'ko. May feelings ka na rin ba para sa'kin?" Hindi makapaniwala kong tanong hanggang sa makaramdam ako ng lagitik sa aking noo.

"Hey! Are you okay?! I said I wanna check my photos." Naguguluhan ko siyang tinitigan. "Ha? A-Akala ko ba gusto mo rin ako? Are you that quick to change your mind all of a sudden?"

His face looks puzzled. "What? Wala akong sinabing gano'n," panaka-naka niya 'kong pinagtatawanan hanggang sa guluhin niya ang mga buhok ko.

"You're daydreaming I think?"

"Hindi! Huwag ka ngang tumanggi. Bakit mo binawi?" protesta ko.

"Pasensya na. Hindi talaga kita gusto." Tila isang malakas na sampal ang sumapul sa pagmumukha ko nang sabihin niya iyon na nagpaulit-ulit sa utak ko.

Baka nga nananaginip lang ako ng gising.

Tinapik-tapik niya pa ang balikat ko. "Sorry ah. Hindi lang talaga ako pumapatol sa Grade 7."

PLAGIARISM IS A CRIME. 
@jay.destro
Photo credits to the real owner.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon