Random chit-chats of everyone filled the busy hospital as I walk through the deserted hallway to proceed at the waiting area.
I pulled my phone out of my pocket to continue reading Wattpad while waiting. Grabe, crush na crush ko na talaga ang fafa Maxwell.
"Get the hell out of my face! Hindi mo ba nakikita? Mga patients kami!" I stopped reading when I heard commotions somewhere.
Tatlong babae na mukhang mga fashionista. Sa suot nilang 'yan? Mga naka-shades pa? Paanong naging disenteng pasyente ang mga 'yan?
Ipinagpipilitan nila ang sariling makapasok nang may dumating na doktor na kalmadong nilampasan lang sila na animo'y siya ang may-ari ng ospital.
The moment he comes nearer, my eyes were fixed at him, scanning his existence that made my heart thump furiously in an instant.
Nag-acting pa yung tatlo na kunwari inaatake ng hika nang dumaan sa tapat nila ang gwapong doktor.
"Inhaler please..." sabi pa nung isa ngunit sapilitan na silang pinalabas ng guard. Ang aarte, kung magiging pasyente man sila, hindi sila bagay dito.
Sa mental dapat, utak nila may ubo.
"Ang gwapo ni Dok, parang nalimutan ko nang may asawa ako."
"Ang sarap magpalahi ulit, shet."
"Paano kung halik lang pala niya ang lunas sa mga sakit natin? Papahalik ba kayo?"
I turned my head to my seatmates and It seems like they were driven crazily by their sudden illusions about that man.
Iyan talaga ang tunay na tirador ng mga chinito, syempre bakit hindi ko pa isasama yung sarili ko?
Bakit naman ba kasi may mga gaya niyang hulog ng langit? Kung siya ba naman ang doktor, aba e parang gusto ko na tuloy magkasakit araw-araw.
"26" I heard my number at last. I walked fast because of pure excitement at the fact that I could take a little closer to him.
"The DOCTOR is IN"
"De Guzman, please take a seat." Gusto kong tumili sa kilig, napaka-gentleman niya. Pinagmasdan ko ang mamasa-masa niyang buhok na nakadagdag sa kaniyang sex appeal.
Tinanggal niya ang kaniyang eyeglasses at mataman niya 'kong tiningnan. Shet, bakit maging simpleng paghingan niya nagugustuhan ko na rin?
Ugh, I can't take it anymore.
"Doc, pa-isa!" Maging ako mismo ay nagulat sa'king sinabi. Nanlalaki-mata akong tumungo habang nilalaro-laro ang kuko ko.
"You really had a sense of humor, huh?" He said while he's writing something on his slip. Huminga ako nang malalim. Hiyang-hiya yung skin tone ko sa kaputian niya.
"Ah, Doc Patrick... Bakit nire-resetahan mo na agad ako? Hindi mo man lang ba tatanungin yung mga nararamdaman ko?" Para sa'yo...
He twitched his nose before handing me a note. God, that killer smile written upon his face. Teka, para saan ba 'to?
Binasa ko itong maigi, "I'll send you home later... You need rest, we're going on a date tonight... I love you so much... Happy 1st Anniversary Hon!" Every word touches my heart genuinely.
I looked at him, and in no time, he planted a kiss on my forehead. Yes, we're already married at nagpapasalamat akong mas tumatag ang pundasyon naming dalawa.
"Ikaw talaga, bakit pumunta ka pa rito? Miss mo agad ako 'no?" nakangiti niyang sabi habang pinipisil ang magkabila kong pisngi.
"Hindi mo kasi ako binati kanina, akala ko nakalimutan mo kaya nagpunta na 'ko rito para mag-surprise visit sa'yo. Baka lang rin kasi may problema tayo," mahaba kong paliwanag.
"You're still asleep when I packed up to go immediately here. Hindi ko nasabi sa'yo na may meeting kami kanina. I'm sorry Hon..."
"Sus, ayos lang 'no. I'm just worried about you." Kita ko ang pamumula ng mapupusyaw niyang pisngi. Kinikilig amp.
"By the way, ang dami mo pa lang chicks rito ah. Baka maipagpalit mo agad ako, patay ka sa'kin." Tumawa lang siya sa sinabi ko kaya't pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hoy."
"Kung talagang ipagpapalit kita edi sana noon pa. Ikaw nga may Maxwell." Sumimangot siya nang mabanggit yung isa ko pang asawa.
I find it cute when he's jealous even it's just a fictional character. Niyakap ko na lang siya, "Happy 1st Anniversary rin Hon."
Saktong break time na rin pala niya kaya iginiya niya 'ko papuntang canteen.
Nakaangkla naman ako sa kaniyang braso habang naglalakad kami at kita ko kung pa'nong mapanganga sa gulat ang ilang babaeng pasyente at ibang nakatabi ko kanina.
"Continue what you're doing Keithlyn, be proud that I'm yours as much as I consider myself lucky for having you in my life," saad naman ni Patrick at bigla akong nagulat sa sunod niyang sinabi, "Be prepared Hon, makakaisa ka sa'kin mamaya."
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
أدب المراهقينThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...