60: THE HIDDEN STORY BEHIND A HAIR SHAMPOO MODEL

4 2 0
                                    

I'm Zin.

I'm a hair shampoo model for years mula sa isang kilalang kumpanyang matagal ko ring pinagpaguran, hindi lang dahil sa ito ang pangarap ko kundi para na rin sa batang pinaghuhugutan ko ng lakas noon pa man.

He's Kenzo, a twelve-year old orphan na ang tanging gusto lang ay magkaroon ng pagkalinga ng isang ina.

Itinuturing ko na siyang kapatid at bilib ako sa tapang niyang labanan ang sakit na leukemia.

Pareho kaming lumaki sa orphanage. Naalala ko pa no'n na sa tuwing may bibisitang mag-asawa na gustong ampunin siya, humahanap siya agad ng paraan para makatakas ngunit buti na lang ay mahigpit ang seguridad sa ampunan.

"Ayaw mo ba ng mama at papa na mag-aalaga sa'yo Kenzo? Mukhang mababait naman sila e."

"Ayaw ko po ate Zin. Kayo na lang po mama ko. Mas gusto ko po kayo, ayaw ko sa kanila."

Natatandaan ko pa kung paano niyang isinisiksik palagi ang sarili sa'kin na paraan niya ng paglalambing.

Naisip ko na lang, bakit kaya may mga magkapatid na madalas nagkakaroon ng mga bangayan o alitan? Masuwerte na nga sila't may pamilya silang kinikilala. Hindi gaya namin na araw-araw nag-iisip kung may pamilya rin bang naghihintay sa'min? At ano kayang pakiramdam ng may mga magulang?

Pero kahit gano'n, nakatagpo naman ako ng pagmamahal ng isang pamilya hindi man kami magkadugo.

At naramdaman ko 'yon kay Kenzo.

"Fiercer Zin! Complement the mood! international brands ang ka-hanay natin at malaking halaga ang nakataya sa ad na 'to, kaya husayan mo! Huwag tatanga-tanga!"

Strikto na una pa lang ang manager ko, ilang beses niya na 'kong nasigawan sa harap ng mga staff dahil minsan hindi agad ako nakakasunod sa mga concept na gusto niya.

Perfectionist siyang tao kaya maingat ako sa postura't galaw ko dahil wala siyang sini-sino pagdating sa trabaho at dumadating sa point na nakakapagbitiw siya ng masasakit na salita.

Pero nasanay na rin ako.

"Okay lang talaga sa'yong pinapahiya ka ni sir Moran, Zin? Pero hanga ako sa'yo ah, ikaw lang yung model na tumagal ng mahigit isang taon rito," puri ni Madame Roselle na abala sa pag-aayos ng aking buhok.

Siya palagi ang nag-co-comfort sa'kin sa mga stress at breakdowns na nakukuha ko dahil sa trabaho.

"Kakayanin ko Madame. Para sa pagpapagamot ni Kenzo at ng mga batang lumalaban sa cancer gaya niya."

Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala kong siya yung rason para magpatuloy ako sa trabaho't tiisin lahat ng mga masasakit na salitang natatanggap ko sa ibang taong nakapaligid sa'kin.

"Tiwala ako sa'yo ate. Kaya sila ganiyan dahil inggit sila. Hindi kasi sila nabiyayaan ng kagandahan hindi gaya mo," pagbibiro niya pa habang ipinagbabalat ko siya ng mansansas.

Ilang buwan na rin siyang nakaratay sa ospital at kung dati sa bahay-ampunan kami naglalagi, ngayon araw-araw na kaming laman ng ospital.

Nagagawa niya pang tumawa kahit hirap na hirap na ang katawan niya. Napansin ko na rin ang pagbagsak ng kaniyang timbang at pagiging hirap sa pagkain.

"Patuloy na bumababa ang red blood cells at platelets ng pasyente. At tatapatin na kita Zin. Based sa mga physical tests at blood examinations na isinagawa namin sa kaniya, marami ng internal organs ang apektado."

Ayokong mawalan ng pag-asa, ayaw kong sumuko. Kailangang gumaling ang kapatid ko.

"We can't change the way how leukemia affects the blood kaya idinadaan na lang natin sa mga therapies to minimize it. Are you up for an another test?"

Pilit na gumugulo sa isipan ko yung mga sinabi ng doktor. Bahagyang kumunot ang noo ni Kenzo pero ngumiti siya ulit nang mapansing naibalik ko na ang tingin sa kaniya.

"Kahit anong mangyari, ipagpatuloy mo lang yung sinimulan mo ate ah."

"Oo naman 'no. Hindi bale, kapag nakasahod na ulit ako mapapa-chemotheraphy na ulit kita." Napansin kong nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ate, matanong lang kita. Hindi ka ba napapagod sa pag-iintindi sa'kin? Hindi ka na nakaka-ipon. Paano naman yung sarili mo? Ni hindi kita natutulungan at kahit hindi mo sabihin sa'kin, ramdam kong napapagod ka rin." Tikom lang ang bibig ko sa mga sinambit niya.

"Lumalaban ako, dahil ayokong mauwi sa wala lahat ng paghihirap mo para sa'kin. Gustong-gusto kong gumaling para makabawi ako sa'yo. Pero ate, yung katawan ko... Hindi umaayon sa gusto kong mangyari." Gumaralgal ang boses niya habang may tumutulo nang luha sa kaniyang mga mata.

Ito na nga ang pinaka-kinakatakutan ko. Na kahit yung pinakamalakas na taong kilala mo, naiiisip nang sumuko.

Lumapit ako nang bahagya. "Kenzo, magkapamilya tayo 'di ba? Edi natural lang na alagaan kita, na pahalagahan kita, kasi ikaw yung dahilan kung paano ako nakarating sa kinatatayuan ko ngayon. Ikaw ang inspirasyon ko at sasamahan kita sa lahat ng laban mo."

Nanginginig na ang mga labi ko nang abutin niya ang aking kamay at hinawakan ito nang mahigpit. "Kaya proud ako sa'yo e. Hindi lang kita ate, nanay na rin kita. At hinihiling kong sa susunod kong buhay ikaw ulit ang maging ate't mama ko kasi para sa'kin wala nang makakapantay sa pag-aalaga't pagmamahal na ibinibigay mo."

Bakit ganito siya magsalita? At bawat linyang nagmumula sa kaniya ay nanunuot sa puso ko.

Dahan-dahan niyang iniabot ang aking buhok sabay angat nito na marahan niyang hinahaplos.

"Ito yung wig na regalo ko sa'yo no'ng birthday mo 'di ba?" Tumango-tango ako sa kaniya habang mariin kong tinatakpan ang aking bibig upang mapigilan ang paghikbi.

"Ikaw ang kailangang magpagaling ate dahil maraming mga bata diyan gaya ko na umaasa sa'yo. Kailangan ka rin nila..."

Maingat ko siyang niyakap habang hinahaplos niya ang likuran ko.

"Salamat sa lahat ng sakripisyong ginawa mo para sa'kin, mahal na mahal kita Ate. Hindi man tayo magkapatid buhat ng dugo't laman, sobra-sobra yung pasasalamat ko kasi nakikilala kita."

"Kenzo, iiwan mo na ba 'ko? Huwag naman oh, gagaling ka pa. Hindi kita pababayaan."

"Ipangako mo sa'kin na gagaling ka ate. Alam kong kaya mo 'yon. Pareho man tayo ng sakit pero magkaiba pa rin tayo ng kahihinatnan. Ayoko nang mahirapan pa tayong dalawa. Mahal na mahal kita..."

Hinalikan ko ang kaniyang noo dahil hindi na kaya ng emosyon ko.

"Ate, sa magkabilang-pisngi rin please..." masaya niyang sabi sa'kin at dahan-dahang pumikit, nag-aabang.

At sinunod ko nga ang gusto niya't hinalikan ko siya sa matatambok niyang pisngi.

"Mahal na mahal rin kita bunso..." wika ko't yayakapin pa sana siya ulit nang mapansing kong hindi na muling bumukas ang kaniyang mga mata dahilan para unti-unting mabuwag ang aking sistema...

I'm Zin.

I'm a hair shampoo model and cancer warrior for years.

Maybe, I lost a family twice...

But I still have Kenzo.

The guardian angel of my life.

PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
Photo credits to the real owner.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon