MODESS
"Grabe kumare, aba'y naglayas raw yung anak ni Marites. Ito pa ha. Sa mga naririnig ko, buntis na raw nung bumalik. Kainaman."
Wala na rin akong nagawa kundi tanggalin yung earphones na suot-suot ko dahil wala ring binatbat yung high volume sa alingawngaw ng boses nitong katabi kong ale na may kausap sa telepono.
Lakas pa magpabango ang sakit naman sa ilong.
"Ang ingay niya 'no?" bulong pa sa'kin nung matandang babaeng nasa gawing kanan ko dito sa loob ng MRT. "Kaya nga po Lola, ang lakas ng bibig. Kapag tsismis nga naman ang pinag-uusapan. Tatayo na lang po ako para hindi na rin kayo masikipan." Ngumiti siya sa'kin at nagpasalamat.
Saktong pagtayo ko'y biglang nalaglag yung baon kong isang balot ng napkin sa sahig.
"Shet." Hindi ko alam kung paanong yuyuko dahil sa siksikan kaming lahat rito. Bakit ba kasi nakalimutan kong isarado itong bag ko.
"Here, miss...Joanna." Bigla na lang sumulpot sa paningin ko yung Modess na may pangalan ko pang nakasulat kaya agad ko itong dinakma. "T-Thank you p-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil agad akong na-distract sa gwapong taglay niya.
Tumeterno ang makakapal niyang kilay sa perpektong hibla ng kaniyang mga pilikmata. Bumaba pa ang paningin ko sa matangos niyang ilong hanggang sa mapupula niyang labi na tila ba may kapangyarihang taglay para mapako roon ang tingin ko.
"Enjoying the view, huh?" Natauhan lang ako nang bumuka ang kaniyang bibig. "M-May iniisip lang ako, by the way thank you."
Mukhang tanga lang akong nakatayo at hindi ko na maalis ang paningin sa kaniya. Nakadagdag sa angas niya ang suot na ball cap na itim at jacket.
Nanatili lang siyang nakatingin sa kung saan na para bang hindi niya ramdam ang presensya ko. Kanina naman pinansin ako nito ah. Mukhang may mood swing yata.
"Huy, para saan 'yan?" Tanong ko habang nakiki-usisa sa inilabas niyang maliliit na papel na naka punch sa isa't isa. Nakaagaw rin ng atensyon ko ang suot niyang nametag.
"Mhike" pala pangalan nitong asawa ko.
"Nice. Ticket ata 'yan sa amusement park e, bakit hindi mo pinapalit?" Nang tanungin ko siya ulit ay bigla na lang siyang umalis sa harapan ko.
Snobber ka bhie?
Hinintay ko kung babalik siya, halos tumalon naman ang puso ko nang makita siyang papalapit na sa gawi ko pero nilampasan niya na naman ako.
"Ang yabang mo! Akala mo naman guwapo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko't nasigawan siya. Sayang, na-crush at first sight pa naman ako.
Hahanap na sana ako ulit nang mauupuan nang makasalubong ko siya sa gitna.
"It seems like you're searching for me..." Una niyang sinabi at napansin kong wala na yung mga ticket na hawak niya. Nagtataka siyang tumingin sa'kin. "Nasaan yung ticket na pang-amusemeng park? Mapapalitan pa 'yun."
"You're diverting the topic. Bakit mo 'ko hinahanap?" Lumapit pa siya nang bahagya dahilan para mapalunok ako ng wala sa oras. Grabe, ang bango.
"Yung sagot mo ang kailangan ko, hindi ko sinabing singhutin mo 'ko." Ilang dangkal na lang kasi yung layo ng ilong ko sa leeg niya. "Mau-upuan yung hinahanap ko, hindi ikaw. Mukha mo." Pagpapakipot ko pa.
Pati paghinga niya'y nakakaadik masda—
"Ang cute mo, sarap mong yakapin..." Halos maputol ang paghinga ko nang matagpuan ang sariling nakabalot sa kaniyang bisig.
Shet, huwag niyong sabihing nanaginip lang ako?
Hindi ko alam pero saksi ang tren na ito sa napipintong lovelife ko.
Tiningala ko lang ang inosente niyang mukha. "Ang bilis mo naman tsumansing. Pero sige, kung ikaw lang rin naman bakit hindi?"
Nginitian niya 'ko, "Syempre, bihira maka-tsansing ng mukhang mayaman." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya hanggang sa may naramdaman akong malamig na bagay na lumapat sa bandang tagiliran ko.
"Ibigay mo sa'kin lahat ng pera't gamit mo. Bilis." Binalot ako ng takot at kaba sa sinabi hanggang sa humigpit pa ang mga yakap niya.
"Huwag mo 'kong iniinip, ikaw na lang yung lutang na magagantso ko. Bilisan mo, kundi ipuputok ko 'tong baril sa kalamnan mo."
"Yung Modess na lang kunin mo please."
"Shit..." Bahagya siyang lumayo saka pinatalikod ako. "Kaya pala nag-amoy malansa..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at nandidiri niya 'kong tinignan.
"Tinagusan ka na pala."
Now, I'm dead.
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Novela JuvenilThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...