Ten minutes late na kaming nakapag-breaktime dahil katatapos lang ng observation kanina. Kaniya-kaniya namang trip ang mga kaklase ko, may nagce-cellphone, nambuburaot, naglalampungan, nagtitinda ng mga meryenda, at kung ano-ano pa. Pero iba ako.
Agad kong inilabas yung wattpad book kong Possessive Series no. 6, yung kay Dark Montero. Na-curious kasi ako noon kung anong ibig sabihin ng "Nutella" bukod sa palaman ito. Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa, wala akong pake sa kahit saan.
"Huy Izy!"
"Nalunod na naman sa kaka-wattpad."
"Oy teh! Hindi ka talaga papatinag?!"
Napabalikwas ako ng upo nang biglang may kumalbit sa balikat ko. "Ang epal talaga, malapit ko ng malaman kung para saan yung Nutella e!" sigaw ko dahilan para matahimik ang lahat.
Doon ko lang natignang mabuti ang paligid. Lahat sila'y nakatayo bukod sa akin.
"Miss Dignos..." umalingawngaw ang malalim na boses ni sir Timothy, teacher namin sa Math, dahilan para mapalunok ako nang matindi.
Bagong teacher siya rito at talaga namang marami agad ang nagkakandarapa sa kaniyang estudyante dahil sa taglay niyang kagwapuhan kahit matured na ang hitsura niya.
Hindi ko siya matingnan dahil sa sobrang hiya, "Bakit po sir?" tanong ko at biglang napatawa ang lahat.
Tumiim-bagang siya, "I'm calling your name three times and it seems you're busy. Nakapag-greet na rin ako kanina pa. Nasaang lupalop ka ba ng mundo? "
Napatingin ako sa kaniya, 'Sa mundo ng taong mahal ko," sa isip-isip ko.
"G-Good m-morning s-sir..." I can't even utter a single word appropriately.
Bigla siyang naglakad palapit sa akin sabay sabing..."So, para saan yung Nutella?" Namilog ang mga mata ko sa tanong niyang iyon at sumilay naman ang ngiti sa gilid ng kaniyang labi. Nag-cat callling pa yung mga manyak kong kaklase.
Walang ano-ano'y hinablot niya yung libro ko sabay lapag sa teacher's table.
"Twenty-one over one hundred... Miss Dignos," anunsyo ni sir kaya manginig-nginig kong inabot ang exam paper ko sa kaniya. Shet, ngayon lang ako bumagsak sa exam.
Inagaw naman ni Kaleb yung papel kong busog sa cross marks." Puro ka kasi Nutella, iyan tuloy bagsak ka." Wala ako sa mood para makipag-asaran sa kaniya kaya pinabayaan ko na lang.
Ang hirap naman kasi ng integers, ang hirap pala talaga kahit grade 7 ka pa lang.
"Baby..." Napatigil ang lahat sa ginagawa nang biglang tinawag ako ni sir.
"Baby, let's talk..." Nung una'y nabigla ako ngunit sa huli'y tumango-tango na rin sa paanyaya niya, kaya naman halos matumba ang iba sa nasaksihan.
Nakalabas na si sir ng room at susundan ko na sana siya pero hinarap naman ako ni Kaleb, "What's the meaning of that Izy?" Nagtaka ako kung bakit biglang sumama ang timpla niya. "Tinawag niya akong baby bakit?"
"Mag-jowa pala kayo?
"H-Hindi ah, ano kasi-" hindi niya na ako pinatapos sa paliwanag ko't nagpaalam siyang magpapahangin lang sa labas.
"Da, baka naman pwedeng mag-retake ako ng quiz, sige na, sorry na po," pagmamakaawa ko kay sir Timothy nang maabutan ko siya dito sa socccer field.
"Isusumbong kita sa Mommy mo. Nagpapabaya ka sa pag-aaral," sambit pa niya habang nagpupunas ng eyeglasses.
"Da" ang tawag ko sa kaniya at "baby" naman ang tawag niya sa'kin kapag kaming dalawa na lang ang magkasama.
Bigla akong napahinto dahil naalala ko yung ginawa niya kanina "Bakit "baby" tinawag mo po sa'kin kanina? Baka kung ano isipin nila Da."
"Gano'n rin naman 'yon malalaman rin naman nila na-"
"Malalaman ang alin sir? That you two are in a relationship?" Laking gulat ko nang mapagtantong kay Kaleb nanggaling 'yon.
"Huwag mong sabihing sinundan mo ako rito?" pagbato ko ng tanong sa kaniya pero nagkamali ako. Hindi lang pala siya ang lulusob ngayon dahil marami na ring nagbubulungang estudyanteng papalapit sa'min.
"Gosh! Ang haba no'ng hair ni girl ah."
"Grade 7 pa lang, matinik na."
"JBoy rin pala si sir, pumapatol sa bata."
Nabuburyong kong nilapatan ng tingin si Kaleb.
"What the hell is this Mr. Gonzales?" nagbabadya ang galit sa tono ng boses ni sir.
Hindi niya pinansin ito't bumaling sa'kin, "Why don't you say the truth Izy? Bakit kailangang ilihim niyo pa sa'min?" tanong na naman ni Kaleb. "Bakit parang apektado ka tutoy, girlfriend ka ba niya?" Agad na nagkuyom ang mga kamao nito sa banat ni sir sa kaniya.
"May relasyon kami okay na?" sabat ko kay Kaleb dahilan para mapanganga siya maging lahat ng estudyanteng nanonood sa amin.
"Sir Dignos, pinapatawag po kayo sa office," biglang lapit ng SSG President naming si Kenneth na ngayo'y kausap na ni sir.
"Dignos?" usal ni Kaleb at maya-maya pa'y napapatawa siyang tumingin sa'kin. "Mag-asawa kayo?" Lalong lumakas ang bulung-bulungan sa paligid. Nakakapika na.
Naalala ko tuloy yung parang ganito ring eksena sa wattpad.
Napailing ako sa sinabi niya, "Wala kang itinama kahit isa, syempre may relasyon kami dahil tatay ko siya at anak niya ako, okay na?"
Naitikom nilang lahat ang bibig sa aking sinabi. Napaka-judgemental na talaga ng lipunan, pati mga lalaki, ma-issue at tsismoso.
Napahilamos pa siya ng mukha bago muling humarap sa'kin, "E B-Bakit baby t-tawag niya sa'yo?"
"Sanay akong tawaging ganoon ang baby ko. Siya lang 'tong maarte. May problema ba do'n?" sabat ni daddy.
"P-Pasensya na po. I thought I was right in the first place."
"Madiretso lang kita bata, may gusto ka ba sa anak ko't nagkakaganyan ka?" nagulat ako sa tanong niya kay Kaleb.
Kumalampag ng ubod lakas ang puso ko nang bigla itong ngumiti't umakbay sa'kin.
"Siya na lang naman po iniintay ko e." Agad na nag-init ang pisngi ko nang marinig ko iyon. Aba ang lakas ng sayad ah. Pero hindi nga? May gusto rin siya sa'kin?
Humiyaw ang lahat nang sabihin niya iyon sa harap ng daddy ko.
"Bilib ako sa tapang mo bata," saad ni daddy sabay tapik sa balikat ni Kaleb, "Pero tulungan mo muna siyang alamin kung para saan ba yung Nutella."
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...