"Trip to "I Love You Since 1892"
(SPOILER ALERT!)"Wattpad helps us to escape reality," ika nga nila. Hindi lamang libangan kundi kapupulutan rin ng mga aral. Isang paraan upang mga problema'y pansamantalang makalimutan. Ngunit sa ilang taong pagbabasa ko ng mga akda rito, ay nitong mga nakaraang araw lang ako nakaramdam ng mga pagbabago.
Madalas kong nakakatulugan ang pagwa-wattpad na maging sa panaginip ay tila sinusundan na 'ko nito...
Sumapit na ang gabi ngunit maliwanag pa rin ang buong paligid. Tinignan ko ang aking suot na pulang baro't saya at napagtantong nasa tapat ako ng isang simbahan.
Simbahan ng San Alfonso.
Waaah! Makikita ko na si Marlo Mort—ah, Juanito pala. Sa nabasa ko kanina, ngayon ang gabi ng pagpapasalamat sa patron ng San Alfonso.
Mukhang gugustuhin ko na lang makulong sa panaginip na 'to. Bye ma! Dito na lang ako, marami akong mga asawa dito sa Wattpad world e.
Tsaka napakasarap sa pakiramdam na kahit sa panaginip, nakikita mo kung ano ang buhay na mayroon ang mga Pilipino, maging ang mga tradisyong pinalawig ng paniniwalang Kastila.
Grabe, ang saya! Dali-dali akong pumasok ng simbahan dahil sa excitement. Makapal ang tao sa loob at labas ng simbahan kaya nahirapan akong makahanap ng mauu-upuan. Shet, ang ganda! Ganitong-ganito yung nai-imagine ko.
Uugaliin ko na talagang matulog. Parang nakaka-meet and greet na rin kasi ako ng mga artista kapag nasa panaginip ako dahil sina Janella at Marlo talaga yung nasa imagination ko.
Magkakatabi sina Carmela, Maria, Josefina at Leandro kaya binati ko agad sila. "Hello!" Napatingin sila nang may pagtataka sa'kin at napangiti naman ako ng todo.
Zarmaine, ayos lang 'yan. Savor the moment!
"Magandang gabi sa iyo binibini," bati nilang lahat pero nakatulala lang sa'kin si Carmela. Hindi ko sinasabi kung sino ako, alam ko ang mga susunod na mangyayari ngunit ayaw ko namang manghimasok pa.
"Pwedeng po bang maki-tabi?" tanong ko't tumango naman sila kaya napapalakpak ako sa tuwa. Makakatabi ko pa si Leandro.
"Dito ka na sa'kin Ginoong Leandro may iba-" Naudlot yung banat ko sana sa kaniya nang magsimula na ang pag-aalay ng panalangin sa pangunguna ni Madam Olivia.
Isa-isa na rin naming sinindihan ang mga kandila. Teka, ano bang pwede kong i-wish? Wala naman akong maisip kaya nanatili na lang akong tahimik upang magdasal.
Kinakabahan talaga ako dahil may masamang magaganap mamaya. "Maaari na po nating patayin ang mga sindi ng kandila," anunsyo ni Madam Olivia kaya't makailang-beses akong napalunok nang makitang papalapit na sa aming gawi si Theresita.
This is the start.
Gaya ng inaasahan ko, lumapit siya kay Carmela dahilan upang mabitawan niya ang kandila, namatay ang sindi nito't nabali sa gitna. Lahat ng tao'y nagulat sa nangyari.
"B-Binibining Carmelita, sumama po kayo sa akin!" natatarantang sabi ni Theresita.
"Shet, nakaka-excite na nakakaba," bulong ko sa sarili habang sumusunod kina Carmela. "Ano ang iyong tinuran binibini?" tanong naman ni Leandro sa'kin. "W-Wala naman aking Ginoo, pwedeng pasabay sa kalesa niyo?" Ilang segundo pa siyang nag-isip-isip saka pumayag na rin. Natatawa pa niya 'kong inalalayan paakyat sa kalesa.
Napaliwanag na lahat ni Theresita ang nangyari at papunta na kami sa tulay. Grabe, parang si Joshua Garcia talaga 'tong kasama ko. Wala namang imik si Natasha na kanina'y inakalang girlfriend ako ni Leandro. Bahala ka jan warfreak.
"Carmelita!" Halos mapatalon ako sa gulat nang sumigaw si Don Alejandro. Ang bossy talaga niyang tingnan. Nakaluhod naman sina Juanito at Helena dahil nahuli nga sila sa ilalim ng tulay na magkasama.
Galing niyo talagang gumawa ng isyu mga Flores!
"Binibini, bakit ka nga pala sumama kay Leandro? May namamagitan ba sa inyo?" biglang sulpot ni Natasha sa tabi ko habang pinapanood namin ang nakakakabang eksena nilang ito.
"It's none of your business..." bulong ko. "A-Ano? Hindi kita maintindihan. Kung ako sa iyo, layuan mo ang aking kapatid dahil—" Kailan ba 'to titigil? "Wala kaming relasyon okay? Manood na nga lang tayo." Lumayo ako sa kaniya at naghanap ng ibang mapu-puwestuhan.
Ang daldal hindi na lang manood.
"Totoo bang ikaw ang nag-udyok na paglapitin sina Juanito at Helena?!" Galit na talaga si Don Alejandro at hindi naman magawang sumagot ni Carmela.
Grabe, bakit parang mas kinakabahan pa ako sa kanilang lahat? Nanggigigil na talaga ako kay Helena e.
Halos umakyat naman lahat ng dugo sa aking ulo nang marinig ang mga salitang binitawan niya, "O-Opo, s-si Carmelita po a-ang naging tulay namin ni Juanito."
Shet, ang sarap mong sabunutan! Napapadyak pa ako sa sobrang inis.
Nanatili akong tahimik habang pinapanood kung paanong nagkasagutan sina Don Mariano at Don Alejandro. Naaawa ako kay Carmela, wala na siyang ibang choice kundi ang magdahilan na lang na si Leandro talaga ang gusto niya.
Nakakapanghinayang.
Makaraan ang ilang minuto'y humupa na ang tensyon, dahil nagsi-sakay na sa kani-kanilang mga kalesa ang Pamilya Alfonso at Montecarlos.
Napatingin ako kay Kapitan Flores habang papalapit siya sa gawi namin nina Natasha at Leandro. Tulala naman sa loob ng kalesa si Helena. Kagigil ka bhie! Ang lakas rin ng trip mo e!
Ngayon ko lang rin na-realize na pinalilibutan na pala ako ng mga kontrabida. Kainis, dapat pala kina Juanito ako nakisakay. Char.
"Ano ang iyong ngalan binibini?" Nagulat ako nang tanungin iyon bigla ni Kapitan Flores. Nakaka-intimidate rin talaga ang hitsura niya,
Ni isa sa kanila'y hindi alam kung anong pangalan ko. Alangan namang sabihin kong Zarmaine, e hindi pa 'yun uso sa ganitiong panahon.
"Binibini?" ulit pa niya.
"Ahmm... Uh... M-Marites po. Yun! Ako po si Binibining Marites, isa sa taga-singil po ng mga buwis ang aking tiyuhin." Nakahinga naman ako nang maluwag dahil mukhang kumbinsido sila.
Nakailang lunok pa ako nang nanatiling nakatitig lamang sa'kin si Kapitan Flores. Umiwas na ako ng tingin dahil hindi na 'ko komportable.
"Ama, tayo'y humayo na," mataray na saad ni Natasha nang mauna siyang makasakay ng kalesa. Bitter mo naman.
Napaatras naman ako ng ilang hakbang dahil lumalapit papunta sa'kin ang kanilang ama.
Shet, bigla kong naalala na gusto niyang mapakasalan si Maria no'ng buntis pa ito.
"Nakakasilaw ang iyong kagandahan binibini..." wika niya na hindi halos kumukurap ang kaniyang mga mata.
"S-Salamat po," kabadong sagot ko.
Hinawakan niya ang balikat ko, at sa gulat ay iniwas ko ito. Leandro!
"Ama, magdidilim na, ihahatid ko na rin ang binibining ito sa kanilang tahanan," tiningnan ko si Leandro na mukhang nakakahalata na rin sa kaniyang ama. Ngunit tila wala itong naririnig.
"Huwag mo sanang masamain ngunit maaaring unahan na natin ang kasal ng anak kong si Leandro at Binibining Carmelita sa katapusan ng buwan na ito."
WTF?
"Zarmaine!" Napabalikwas ako sa kama nang makailang-ulit akong tinawag ni ama. 8:30 na pala ng umaga, shet.
"Tanghali na! Hindi ka na nakasama sa nanay mo sa palengke!" sigaw niya saka kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan ko. "Bawal ka na munang gumamit nito. Puro ka pagpupuyat!" Tatalikod na sana siya ngunit agad kong nahawakan ang kamay niya upang pigilan.
Paano ko ulit makikita ang mga asawa ko?
Naguguluhan siyang tumingin sa'kin lalo na nung lumuhod ako sa harapan niya't naiiyak ko siyang tiningnan, "H-Huwag po ama... Pakiusap!"
PLAGIARISM IS A CRIME.
#ILoveYouSince1892
@jay.destro
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...