39: SA EDITOR-IN-CHIEF LANG KAKALAMPAG

7 1 0
                                    

Bulag nakapatay, nagdilim raw ang paningin," our editor-in-chief, Hiro, disgustedly mumbled with a little bit of anxiety slashed aloft his face, reading an article.

He's a photo journalist too, sa katunayan nga nag-qualify pa siya sa National Schools Press Conference no'ng nakaraan.

Iiling-iling niyang nilamukos ang papel dahil sa headline na pinagdiskitahan ng mga kapwa ko journalist. Late na nga kung magpasa, nang-aasar pa.

Ibinalik ko na lamang ang atensyon sa laptop upang i-resume itong K-Drama na sinusubaybayan ko, para makaiwas sa negativity niyang dala.

My life is so peaceful then...

"Hoy Arianna, ano na? Yung article mo na lang hinihintay!" Napapitlag ako nang bigla niya 'kong sigawan.

He always pressuring himself magmula noong nagka-posisyon siya sa school publication. Stressed na naman ang asawa ko.

"Anong inaarte-arte mo?" Sa inis ay tinitigan ko siya nang masama. "Sino ba kasing nagsabing mag-Editor-in-Chief ka? Hiro ang haba pa ng oras! Ire-review pa rin naman lahat ng articles ah. Mukha kang sabog."

Napahilamos siya ng mukha. "What do you want me to do, then? Ang magpa-chill-chill lang? Malapit na rin ang contest proper ng Division Schools Press Conference Arianna. We must manage our time," pikang pika na niyang sabi.

"Kung pwede lang umalis sa posisyon na 'to ginawa ko na, dahil napakahirap. That's why I need your cooperation," dagdag pa niya't nakonsensya naman ako.

"Mamaya ako magpapasa boss. Palamig ka muna diyan." Nagmartsa na 'ko palabas ng computer lab para ma-proof read yung ginawa kong editorial article tungkol sa child labor.

The competition day's approaching kaya naman lahat kami'y tutok na tutok sa kaniya-kaniyang training para kahit isa man lang mula sa aming school ay makapasok sa Top 10.

Hindi madali maging journalist, araw-araw kaming ine-excuse sa klase para lang magsanay at kung sa tingin ng mga coaches ay kailangan namin ng extra time, mag-e-extend talaga kami.

"Call time natin three o'clock in the morning. Agahan ang tulog, magpa-goodluck na agad sa mga crush nang ganahan para bukas..." Napatingin ako kay Hiro na seryosong nakikinig sa school paper adviser namin.

"Excited na 'ko bhie," ani Kathleen, isa sa mga happy-go-lucky naming co-writer sa Feature Department. "Ang daming gwapo do'n sigurado, 'yun lang naman habol ko sa pagsali dito e."

'Maraming gwapo'

Pero sorry na lang, loyal ako sa isa. Sa editor-in-chief lang ako kakalampag.

***

"Awitin mo yakapin mo... Kayamanan niyang likas piliin mo ang Pilipinas~" Halos mabingi ako sa lakas ng beat ng kantang suking-suki na talaga kapag may mga school program.

Dito sa Lipa City, Batangas ginaganap ang contest proper na talaga namang napaghandaan para salubungin ang bawat contestants at coaches mula pa sa iba't ibang bayan ng CALABARZON.

Mula sa mga dekorasyong inilatag sa stage, hatawang intermission numbers at set-up ng buong paligid, makikita mo na sadyang nag-effort sila alang-alang sa convenience ng bawat bisitang kanilang tinatanggap.

Nakapag-register na rin kami kaya tamang hintay na lang sa go signal ng mga proctors kung saang room kami dadalhin.

"Maalin sa fact sheets at news report lang ang mapagkukuhanan niyo ng source sa topic na ibibigay sa inyo kaya intindihing mabuti ang bawat mahahalagang detalye bago magsimula," paalala pa sa'min ni Sir Karl, isa sa mga coaches namin.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon