"Gracia Mae tagged you in a post." Agad kong in-open ang notification ko at bumungad naman sa'kin ang isang post ni ate, "I won against Zukushi Tekitote, it's your turn to guess the avatar challenge Michi Moon," caption niya sa isang avatar picture.
Suking suki talaga siya ng mga challenge. Pero siyempre hindi rin ako papahuli, nagpagawa na rin ako sa kanya ng avatar ko para makapagpalit na ng profile picture mamaya. Sa kaniya ako nagpagawa dahil madalas mag-lag itong luma kong phone. Sana makabili na ako.
"Bunso!" tawag ni ate habang nagpapaypay ng limang blue bills na ikinagulat ko. "Makakabili ka na ng bagong phone!" Aagawin ko na sana yung pera kaso itinaas niya naman ito. "Kita mo na yung tagged post ko sa'yo diba? Kapag tumama ka, may limang libo ka sa'kin." Umupo na rin siya sa kama sabay pakita ng tatlong avatar pictures sa akin.
Lakas rin ng trip nito. Paano yun? Kulang pa rin yung 5k sa brand na gusto kong bilhin. Tsk, hindi bale na nga. Ayoko talaga ng mga ganitong paandar pero wala akong choice, kailangan ko ng makabili para sa online class.
"May tatlong avatar pic akong ipapakita sa'yo, don't worry kasi Facebook friends at classmates mo naman ang mga 'yan. Pwede ka mag-pass kung hindi mo talaga kayang hulaan. Gawin mo lahat para tumama ka..." Tinitigan naman ako ni ate sabay ngiting parang may binabalak na masama, "Kulang yung 5k diba? Pwede ko iyang dagdagan ng 3k pa, kapag sumunod ka sa iuutos ko."
Bwisit. Hindi pa ginawang 8k na agad, ang daming arte.
"Ang hirap naman niyan, huhulaan ko na lang pero magbigay ka ng clue ah," reklamo ko. "Saan ka ba nakakita ng challenge na madali, aber?" maarte niyang tanong sabay harap na sa'kin ng phone.
"Kung avatar mo kaya ipahula mo sa'kin? Madali na lang yun ate, mukha naman nang cartoon mukha mo e," halakhak ko na ikinasimangot niya.
"Letse, ikaw na nga tutulungan oh."
***
"Luh?! Sino ba 'yan?" napapakamot kong tanong, "Sige hulaan mo pa, weak mo naman.""Pass!" Sunod naman niyang ipinakita ang second avatar na babae rin. "Shit. Ahm, Nicole?!"
"Nope."
"Paullet... Ericka... Aurora... Nathalie... Haaaay pass ulit nyeta!"
Puro iling lang si ate sa mga isinasagot ko. na minsa'y natatawa pang nahihirapan ako.
Grabe, nakaka-frustrate.
Nasa last picture na kami, isang guy naman 'to. Pero in fairness, ang cute ng avatar niya ah. Huminga na lang ako ng malalim para makapag-concentrate.
"Ahm... Si Ruru ba 'yan?"
"Hinde. Friend mo nga sa fb diba? 'Di ka naman ina-accept no'n.
"Wait, kilala ko na 'yan!" napapalakpak pa 'ko sa tuwa, "Tatama na 'ko legit! Si Wrev ba?!" umiling lang siya ulit kaya lalo akong nawalan ng pag-asa. Napatakip ako ng mukha.
Bwisit baka abutin kami ng siyam-siyam. "I think si Theo?" pagbanggit ko sa crush ko saka naman siya napatango-tango sabay ngiti ng pagkalaki-laki. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas ay natsambahan ko rin.
"Yes, akin na yung 5k ko." Aabutin ko na sana pero inilayo niya agad ang mga ito. "Para sa 3k muna tayo, para isang abutan na lang."
Napapasabunot ko siyang tiningnan, "Ano bang gagawin kasi? Yung madali lang naman."
"I-post mo yung avatar ni Theo tas i-tag mo siya, tawagin mo siyang baby ha. Gayahin mo yung pattern ng caption ko kanina, i-challenge mo rin dapat dahil siya yung itinama mo." Napalunok ako ng ilang beses sa mga pinagsasabi niya.
Nakakahiya, hindi naman kami madalas mag-usap sa classroom dahil hindi naman kami close. Kakausapin niya lang ako kapag may mga group activities kasi siya yung leader namin. Inaasar nga ako ng mga classmates ko sa kaniya pero parang wala siyang naririnig.
In short manhid.
Nag-angat ako ng tingin kay ate, "S-Seryoso ka ba jan? Pwedeng iba na lang? Hindi naman ako pinapansin ng crush ko."
"Alang-alang sa phone, gawin mo Michi. Malapit na ang online class, mag-isip-isip ka."
Pinapanood niya 'ko habang tina-type ko na yung caption sa avatar pic ni Theo. Halos pagpawisan pa ako dahil sa sobrang kaba.
"I won against Gracia Mae, it's your turn to guess the Facebook avatar challenge, baby." Sabay tag ko kay Theo. Bahala na, wala na 'kong pake basta makuha ko na yung pera.
Shit. Manginig-nginig pa yung daliri kong ni-tap yung "Post" button.
***
"Theo Ford reacted to your post."Halos mapabalikwas ako sa kama nang makitang nag-heart react nga siya sa post ko. Si ate nama'y panay tawa na lang.
Marami ring nag-comment sa post ko na pasimpleng harot raw ako, kesyo matapang na nilalang o kung ano-ano pang nakakatawa, pero may isang namumukod-tangi sa lahat.
"Why challenge me to do this? If you can challenge me to court you then... baby?" komento ni Theo.
Shit. Pwedeng pakisampal na 'ko ngayon? Hindi ako mapakali, 'di ko rin inasahan na ganoon ang magiging tugon niya sa'kin. Ang lalaking noon pa ma'y pinapangarap ko na.
Nagulat na lang rin ako nang bigla siyang mag-chat sa'kin ng, "Is this one of your tactics? I just wanna say that I'm impressed. Don't worry kapag nagawa ko na yung challenge mo..." Halos mabitawan ko ang phone sa nabasang mensahe.
Wala namam akong ibang nai-reply kundi, "Ha?"
"Liligawan na kita." Magkaka-mini heart na yata ako. Napapakagat-labi pa akong nag-iisip ng maire-reply. "Hindi pa naman ako pumapayag ah."
"Just let me to express my feelings..."
Magre-reply pa sana ako nang bigla namaang nag-shutdown 'tong phone ko, kaya napapadyak na lang ako sa inis. Wrong timing bwisit.
"At dahil nagawa mo ang challenge..." Lumapit sa'kin si ate sabay abot sa akin ng tumataginting na 8k. Nang mahawakan ko ito'y inamoy ko na agad.
"Salamat talaga ate!" Sabay yakap ko sa kaniya. "Oh diba bunso, malay mo icu-crushback ka na talaga niya. Oh siya maya-maya pumunta ka ng Palawan Express-"
"A-Ano?" nagtataka kong tanong.
"Ipadala mo iyang 8k kay Tita Maricel. Pautang 'yan ni mommy sa kaniya."
"Hala paano yung phone ko! Scam ka talaga!" sigaw ko pero hindi niya ako pinapansin dahil busy siya sa pagsagot ng tawag sa phone.
"Oh Theo..." Mabilis akong nakalapit kay ate. "Sige, nandito siya sa tabi ko excited na makausap ka." Pinanlakihan ko siya ng mata sabay tapat ng phone sa tenga ko. "H-Hello..."
"Hey baby, don't worry ako nang bahala sa phone mo," dire-diretso niyang sabi kaya halos wala akong masabi. "N-Nakakahiya naman..."
"Don't be, bibilhan na kita para pwede tayong makapag-usap nang maayos. Syempre para wala ka ng problema sa online class okay?"
"S-Sigurado ka ba jan?"
"Yep, at 'pag natanggap mo na 'yung phone, gawa tayo ng baby," natatawa niyang sabi sa kabilang linya. Ang speed naman pala nito. Hanep.
"Avatar ng future baby natin I mean."
Salamat sa gimik na avatar ni Facebook, nagka-cellphone na 'ko, macu-crushback na rin ako ng crush ko.
Good job Mark Zuckerberg. All hail to you.
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...