Pagkaraan ng ilang linggo, medyo nahimasmasan naman na ako sa mga nangyari. Pero bwisit na bwisit ako sa lalaking walang ginawa kundi ang sundan ako simula nung nagkasalubong kami sa tapat ng Science Park. Letse, Raikko pala pangalan no'n, nabanggit sa'kin ng mga classmate ko na marami siyang tinurn down na mga babae dahil pihikan raw ito.
Kinukulit niya ako sa mga chats niya pero hindi ko na lang pinapansin. Ang gwapo nga, medyo malandi naman.
"Arbhe!" tawag na naman niya sa'kin nang makalabas ako ng room para mag-lunch sa labas. May kasama siyang lalaking kasing height niya na nakangiting naglahad ng kamay sa'kin, "Hi, I'm Gelo, naku-kuwento ka sa'kin ng kaibigan ko... Hilig mo rin pala magbasa ng mga libro?"
Agad akong tumango sa tanong niya sabay pakilala na rin ng aking sarili. Pamilyar silang dalawa sa'kin dahil noong minsang magpa-meeting ang mga officers ng Student Council ay nando'n rin sila bilang mga committee.
"Ano na bang mga nabasa mong libro?" tanong ko kay Gelo habang kumakain kami dito sa isang carinderia na malapit lang rin sa school.
"Uhmm, stories nina AkosiIbarra, Shinichilaaabs at Penguin20 yung pinaka-nagugustuhan ko," prente niyang sagot habang ipinagbubukas ako ng coke mismo. Ang gentleman naman pala.
Bigla namang sumabat si Raikko sa usapan, tsk, pabida. "Ako? Hindi mo man lang ba 'ko tatanungin?" mayabang niyang sabi.
"Hindi ako interesado sa'yo okay?" diretso kong sagot na nakapagpatigil sa kaniya, "So you're interested to my friend then?"
Ibinalik ko ang tingin kay Gelo, hindi naman siguro masamang magdagdag sa crush list 'di ba?
"B-Bkit ba ang dami mong tanong? Tigilan mo 'ko ha."
"Sus, bakit hindi ka makasagot? Crush mo 'no?" Hindi na ako umimik pa at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Dumaan ang ilang linggo at medyo naging komportable na ako tuwing kasama yung dalawa. Pero mas gumaganda ang mood kapag kami lang ni Gelo. Mukhang crush ko na rin siya, shet.
"Gelo..."
"Hmm?" Isinara niya ang binabasang libro saka sinalubong ang mga tingin ko. Nasa study area lng kmi malapit sa canteen.
Kailangan ko ng um-aksyon. Baka ito na talaga ang sign na magkakajowa na ako!
"Kailan mo balak magka-girlfriend?" tanong ko na parang ikinagulat pa niya.
"After graduation I think? I just want to focus first in my studies at the moment. Ikaw ba, kailan mo balak magka-boyfriend?"
"Kapag naka-graduate ka na," banat ko na ikinangiti naman niya. Alagang wattpad ata 'to 'no.
"Baka scam 'yan ah," sabay pisil niya sa pisngi ko. "I think I'm starting to like-"
"Tsk, ilugar niyo naman sana 'yang lambingan moments niyo ah," nakangising sabat ni Raikko saka tumingin ng nakakaloko sa'kin.
"Stay strong pala..." saad pa niya sabay kindat sa'kin bago naglakad paalis.
Ano kayang pina-plano nito? Abnoy.
Nang kinahapunan ay sinamahan pa 'ko ni Gelo sa paradahan ng jeep, kaya abot-langit na naman ang kilig ko lalo na tuwing aalalayan niya 'ko sa paglalakad.
"Baka ma-late ka ng uwi ah."
"Hihintayin na kitang makasakay, baka mapag-tripan ka pa ng kung sino diyan," dahilan niya na lalong nagpa-init ng mga pisngi ko.
Nasa gano'n akong lagay nang agad akong mapalingon nang marinig ang boses ni mama. "Anak?"
Medyo kabado ako kasi baka kung anong isipin niya.
Lumapat naman ang mga tingin niya kay Gelo. "Oh, Gelo... Ikaw pala 'yan." Ano? Magkakakilala sila?
"Fvck," bulong ni Gelo at may namumuo nang pawis sa noo niya.
"T-Tita Leah?" nalilitong niyang saad na nagpabura sa ngiti ko. Nagmano siya kay mama at hindi makapaniwala ko silang tiningnan.
"Ngayon lang ulit tayo nagkita ah. Minsan bumisita rin kayo sa bahay hijo. Nagpa-plano na rin kaming mag-family reunion tayo pagkauwi ng daddy mo." Nanatiling lang rin siyang tahimik .
Potek, magpinsan kami? Aba e, hanep talaga sa kamalasan. Shit, nakakahiya. Ang lakas ng loob kong bumanat magkamag-anak pala kaming dalawa?
"Nga pala, anak may lalaking nagpunta sa bahay kanina. Ang gwapo nga e, jowa mo ba?" Nakadagdag lang ng pagkailang namin sa isa't isa ni Gelo yung tanong ni mama.
"Wala po akong jowa ma, natanong niyo po ba yung pangalan?"
"Oo, Raikko sa pagkakatanda ko. Ang pogi naman!"
Bwisit talaga yung isang 'yon.
Nabubugnot akong naghugas ng pinggan dahil naikuwento pa sa'kin ni mama na pinsang buo pala niya yung daddy ni Gelo na nagtatrabaho ngayon sa Amerika.
Wala na ata akong mahahanap na lalaking walang palya.
Nag-ring naman bigla ang phone ko at unknown number pa ito na agad ko ring sinagot, "Hello?"
"Huy babe." Sa yabang pa lang ng boses, alam ko na. Letseng Raikko 'to.
"Nakita mo na ba yung binili kong mga wattpad books para sa'yo?" Napanganga ako sa sinabi niya sabay tanong ko kay mama kung nasaan yung mga libro. Hindi kasi mawala sa isipan ko yung kaganapan kanina kaya nakalimutan ko na.
"Para sa iyo 'yan babe."
"Pwede ba! Ang landi mo talaga," sagot ko sa phone habang namamanghang nakatitig sa bundle ng ILYS1892, He's Into Her at Jonaxx books sa kwarto ko. May isinama pang boquet ng roses ang loko at inamoy-amoy ko pa ang mga ito.
"Ano? Ayos ba?"
"Oo naman. Galante ka pala e. Pero thank you ah."
Tumikhim pa muna siya bago nagsalita, "Hindi ako tumatanggap ng thank you."
"Edi huwag."
"Gusto ko 'I love you babe'."
Napakaharot amp.
"Sige na, sige na. Loko ka talaga, alam mo yatang magpinsan kami e."
"Don't worry, hindi ka na sasablay sa'kin. Just give me a chance, and I'll do the rest. Saka na kita ulit bibilhan ng libro kapag naka-ipon na ulit ako ah."
Pagkatapos no'n, doon na siya nagsimulang manligaw. Magkasama na kaming dalawa sa mga book signing events, sabay rin kami minsang magbasa at iyon na rin ang nagiging bonding namin. Kailanma'y hindi niya ako pinagbawalan sa hilig ko, maaaring hindi siya tipo ng mga lalaking mahahanap ko sa libro na umiigting ang panga at kung ano-ano pa, pero sapat nang sinusuportahan at minamahal niya 'ko nang buo.
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...