I nervously run as fast as I can—gripping both of my hands, sweats rushing upon my entire body, as if some parts of chaotic hell keeps on chasing me and I don't have any choice but to run... The barks were agonizing, banging the violent clang inside my chest like a gong rattling monstrous tenors.
"Khianna, anak..." Hindi mapakali sa kaka-yugyog sa'kin si Mommy buhat ng pag-aalala. My eyes started pooling with tears. Masakit pa rin ang mga sugat ko sa magkabilang binti't braso na aking natamo mula sa mga asong humabol sa akin kanina.
Mabuti na lang ay agad akong nadala sa doktor upang mabigyan ako ng paunang-lunas.
Magmula no'n, unti-unting namayagpag sa akin ang ibayong takot sa mga aso. Everytime I see one, I can't help but to recall my unfortunate encounter with them and I thought that it would be the last benignant day of my life.
If dogs are man's best friend, then why would I believe on that? I was 7 years old when I started to suffer from "cynophobia" or the fear of dogs and I don't know if I can do something to recover from it. I just know it to myself that I absolutely hate them.
Nakagawian na rin ni Mommy na magbigay paalala sa mga kamag-anak naming bisita tuwing may okasyon na huwag magsasama ng mga aso dahil maramdaman ko pa lamang ang presensiya nila, nahihirapan na 'kong huminga at kung minsa'y nahihilo pa.
Mag-a-alas otso na ng gabi nang utusan ako ni Mommy na magpa-load kina Aling Benita dahil tatawag daw si Daddy through video call. Medyo matagal na rin nung makaalis siya kaya sabik na sabik lagi si Mommy na makipag-usap sa kaniya.
Napapalunok akong lumabas ng aming bahay sa isiping hindi makakatulong ang dilim para maibsan ang nerbiyos na bumabalot sa sistema ko.
Mahaba-habang lakaran ito't dadaan pa 'ko sa makitid na eskinita na halos walang kailaw-ilaw sa gabi.
I'm in the middle of roaming across the streets when there's a loud thud coming from behind a wooden cart which is few meters away from me.
Tumigil ako sa paglalakad at pinakiramdaman ang buong paligid nang huminto ang sunud-sunod na kalabag at kaluskos na ikinabilis ng paghinga ko.
Nag-iisa lamang ako rito sa eskinita na nakadagdag sa aking pangamba dahil walang sinumang malapit na mahihingan ko ng tulong.
My heart's swollen out of aghast when consecutive moans and groans filled the whole area that drives me back from my nightmare.
I roamed my eyes side-by-side, fists clutched, lips sealed that immediately scraped when various stupefying pairs of red laser eyes pierced my sight which made my hands and legs tremble from great fear.
Hinanda ko na ang sarili sa sunod na mga mangyayari. Na sa mga oras na 'to, wala akong ibang gagawin kundi ang tumakbo. I'll run... faster than what I did before because there's no one behind my back that I can seek for help.
No one else...
All I have is myself...
Pigil ang hininga kong pumikit habang dahan-dahang umaatras papalayo. Buong lakas akong tumalon sabay pihit sa pagtakbo, nanginginig ang mga labi ko sa tatahaking direksyon. Madilim ang paligid, nagawa ko pang lumingon kaya mas lalo silang ginanahan.
Hanggang sa may natapakan akong kung ano dahilan para matisod ako't agad na matumba sa malamig na damuhan.
"T-Tigilan niyo na 'ko!" hiyaw ko habang sunud-sunod silang pumaligid sa'kin na nanlilisik ang mga mata't naglalaway sa pananabik. Mabilis ang paghinga nila't nakikini-kinita ko ang kanilang mga ngipin.
Namanhid ako sa kinasasadlakan nang maramdaman ko ang pagdagan, pagsipsip, pagkagat at pagtulo ng dugo mula sa aking katawan.
Hindi na ako nakapalag pa't malalakas ang pwersa nila. I don't have anything to do but to howl in pain. I didn't expect that I'm going to be in the same horrifying nightmare of my life.
Sa dami ng taong nakasalamuha ko, walang ni isang nakinig sa'kin, ipinagsawalang-bahala nila ako. Na akala nila'y simpleng sugat lamang ang natamo ko para kalimutan at hayaan na lang.
Hindi ba nila maintindihan na higit pa sa kagat ng aso ang pinagdurusahan ko?
Nahihirapan mang gumalaw ay pilit kong ibinaling ang paningin sa kanila na uhaw na uhaw pa ring nakadagan sa'kin.
"T-Tama na po..." impit kong pagmamakaawa ngunit tuloy lang sila sa makamundong ginagawa.
"Minsan lang naman kami makakakain ng ganito kasarap anak, pagbigyan mo na kami..." At naramdaman ko ang mga kamay niyang malayang hinahaplos-haplos ang kaibuturan ko.
At ngayo'y malinaw na sa'kin kung ano't sino ang tunay kong kinatatakutan, dahil mas masahol pa sa aso ang nagagawa ng tao.
At kung mayroon man akong kilalang hayop sa tanang buhay ko, iyon ay walang iba kundi ang tatay ko.
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
Photo credits to the real owner.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...