57: EATING NUTELLA IS FUN

5 2 0
                                    

"Pansin mo Ellen? Yung principal natin araw-araw nang may bitbit na bote ng Nutella..." Isinilid ko na muna agad ang aking phone sa bulsa dahil nagsisimula na namang mag-orasyon ang principal namin sa stage. Masasakop na naman yata niya ang first morning period.

I laughed a bit from the glowing confusion imprinted upon her face. "Lunes na lunes ang dami mong napapansin. Malay mo favorite niya lang talaga. Kung ano-ano agad pumapasok sa isip mo e," sinundot ko pa muna si Jazelle sa tagiliran na agad ring napahiyaw dahilan para titigan kami nang masama no'ng mga class officers sa likuran namin.

Inirapan ko lang silang lahat hanggang sa may kung sinong kumalbit sa balikat ko.

That scent... I knew it.

"Ang ingay niyo na namang dalawa. Siguraduhin niyo lang na may ma-i-sasagot kayo sa observation natin mamaya." The owner of that monotonous voice is obviously a muscular man, left-handed, with an excellent set of teeth, a role model in his habits, and with no need to practice being classy.

I stood bolt upright as I switched my gaze to sir Caleb, our student teacher in Math. "G-Good morning sir, huwag po kayong mag-alala. Series lang naman po ang topic natin 'di ba?" masigla kong sabi habang siya'y mataman lang na nakatitig sa'min.

A heap of surrounding students craned their necks and strained their eyes in the vain hope of catching some glimpse of him instead of listening to the principal's announcements. May mangilan-ngilang teachers rin ang napapatingin sa kaniya kaya lihim akong napapatawa.

Back off girls, asawa ko 'yan.

"Sir, may extra Nutella pa ba kayo diyan? 'Di ba nakaka-improve po ng brain function 'yon? Para po sure win na mataas ang PL niyo mamaya." Pinandilatan ko ng mata ang kaibigan ko dahil hindi na siya nahiya.

And then later on, we found ourselves munching a spoonful of Nutella spread inside our mouth, while sir Caleb was busy in preparing his PowerPoint presentation that he'll use later. Inalok na rin niya kami nang makabalik ng classroom, tumatanggi pa kami no'ng una ngunit napapayag rin sa huli.

The marble floor was shining as if its a rare kind of mirror. Some teachers from other school, together with our principal who's eating a Nutella sandwich already arrived at eight o'clock sharp in the morning.

"So, is there anyone from the class who can write an example of arithmetic series on the board?" Iniwasan ko ang tingin ni sir na nagsimula nang maghanap ng masuwerteng sasagot.

Akala ko ba effective yung chocolate para mag-boost yung utak?

"Miss Despacio..."

Napahigpit ang kapit ko sa'king armchair nang sambitin niya ang pangalan ko. "Y-Yes sir?"

"Write an example of arithmetic series on the board." Grabe, obligado na nga yata talaga akong sumagot. Pero paano kung mali? Baka bumagsak siya sa performance.

Nagsimula nang manuyo ang lalamunan ko nang dahan-dahan kong minaniobra ang chalk sa pisara. "8, 10, 15, 22" Ugh, parang may kulang.

"Yung prologue bhie! Nakalimutan mo!" natatawang bulong ni Jhazelle kaya't dali-dali ko itong inulit.

"Prologue, 8, 10, 15, 22"

Humarap ako sa klase kahit na pakiramdam kong may mali na talaga sa sagot ko. Kasalanan ko bang ito lang yung natatandaan ko?

"Oh, what kind of series is that?" sir Caleb pierced his eyes on my answer.

"Possessive Series sir, Dark Montero's concept."

Tila nakalimutan ng lahat na may mga dayong teacher sa likod nang maghagalpakan sila ng tawa't napapahawak pa sa kani-kanilang tiyan. Hindi naman makapaniwalang tumingin sa'kin si sir na napapasulyap na rin sa mga judges. Sana naman pumasa pa rin siya.

"Shit," he frustratedly uttered and without a word he clasped my wrist in an instant at napahiyaw ako sa sakit. "S-Sir, masakit. May sugat ako diyan."

Sinuri niya pa nga iyon na nagpamula ng mga pisngi ko. "I-I'll be gentle na lang."
Naghiyawan pa lalo ang buong klase nang marinig nila kami.

"WAAAH! Sir, dahan-dahan nga raw po kasi!"
"Scam 'yan Ellen!"
"Nakss, magkaka-anak na sila. Salamat Nutella."

Pinagsasabi ng mga 'to?

Nagkaroon na nga ng short interruption nang igiya niya ako papunta sa corridor. Pansin ko ang pagbigat ng hininga niya habang binabalot niya 'ko ng malalalim na titig.

"I thought you already studied the lesson Ellen? What happened?" mahina niyang sabi ngunit naroon ang pagpo-protesta. Wala namang salitang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang kahihiyang dala ko sa kaniya.

Ano ba naman kasing utak meron ako? Palagi na lang akong lutang, no'ng nagpasabog ata ng kamangmangan, dumiretso sa'kin lahat. Unti-unti na ring sumibol ang init sa tiyan ko dahil sa tensyon. "S-Sorry ah... Pasensya na, bobo lang," naiiyak kong paumanhin.

"Hey, don't say that..." biglang nagbago ang tono ng pananalita niya, mas kalmado at nang-aalo kaya mabilis akong nag-angat ng tingin. "D-Di' ba dapat magalit ka pa sa'kin? Pinahiya kita."

"Bakit ko pa kailangang magalit kung pwede namang intindihin kita? It's okay Ellen... Bawi na lang tayo next time," he gently said with the twinkle of a smile in his eyes and I could not bear to see that smile fade even for a moment from his face.

How come that I always ended this soft with him?

Nasa ganoon kaming lagay nang lumabas ang principal mula sa room na malawak ang ngiting iginawad sa akin. "Ayos lang 'yon hija. Napatawa mo nga kaming lahat e. Huwag ka nang mag-alala pasado naman na ang anak ko."

"T-Talaga po?" bahagya pa 'kong lumapit sa kaniya nang malinawan. "Oo, siguro next time pag-igihan mo pa ang pag-aaral ah. Lagi mong tatandaan na daig ng masipag ang matalino. Marahil hindi man tayo nabiyayaan ng galing na natural na sa iba, may pagkakataon naman tayong magpursigi."

Tumatak lahat ng 'yon sa isip ko habang nagsisimula na ring lumabas ang mga bisita na nasa likuran lang ng principal, na may kaniya-kaniyang dalang Nutella sandwich na kanilang ninanamnam.

"Ayos 'tong pa-meryenda niyo ah. Ang sarap, nanunuot sa lalamunan. Congrats pala sa anak mo kumare," sabi no'ng isa sa kanila sabay kagat pa ulit ng isa. "Kung gusto niyo pa, kuha lang kayo sa office ko." Agad siyang bumaling ulit sa'min. "Oh 'di ba? Pampa-suwerte talaga ang Nutella. Dalang-dala sila sa lasa. Buti paborito mo rin 'yon future manugang ko... Magkakasundo talaga tayo."

Napatawa na lang kaming pareho ni Caleb hanggang sa makaalis siya.

"Bakit nga pala paboritong-paborito niyo rin yung Nutella? Marami rin namang palaman diyan ah. And how about..." napahagikhik pa siya bago nagpatuloy. "About Dark Montero's concept? Where did you get that?" naninimbang niyang sabi.

"Secret. I thought you're aware on that thing? Akala ko nakapagbasa ka na rin?" nanunudyo kong sabi.

"I know that it tastes good..." And a playful smile played over his manly feautures that made me nervous.

"But the other idea that keeps on rounding through your head tastes... better."

PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
Photo credits to the real owner.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon