Minsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit na pwede nilang balikan kung saan nila iniwan, pwede nilang lapitan kapag kailangan, pwede nilang hingan kapag naubusan. Nakakatawa hindi ba? Pero ito ang isa sa katotohanan na hindi ko magawang malampasan. Sa pag-ibig o sa pamilya walang pinag kaiba. Lahat sila ginagamit lang ako na parang isang gamit na pagmamay-ari nila. Kaya tama talaga ang sabi nila "'Wag kang masyadong mabait dahil inaabuso" alam nila na ang pagmamahal ang kahinaan ko kaya naman sinasamantala. Kailan man hindi ko naramdaman na piliin. Hindi ko rin naramdaman na ipagtanggol. Ang pinaka malala pa hindi ko naramdaman na mahalin ng mga taong nakapalibot sa akin. Kaya naman ng may dumating na isang tao sa buhay ko na nagparamdam sa akin ng kaibahan mabilis akong nahulog sa kanya. Ipinagtanggol, pinipili, pinapasaya, at higit sa lahat minahal. Minsan lang namang maging makasarili ang tao. Kaya naman ng pinatunayan niya ang sarili niya naisip ko na maging makasarili na lang. Hindi naman masamang maging makasarili paminsan minsan hindi ba? Dahil ang desisiyon naman na ito ay para sa sarili ko, para sa gusto ko, at para sa sinisigaw ng puso ko. Hindi ko naman 'to gagawin dahil lang sa kanya. Gagawin ko 'to para sa sarili ko. Dahil ngayon tama na ang pag-una ko sa kanila at sarili ko naman ang bibigyan ko ng halaga. Isusuko ko lahat ng mga bagay na nasa akin para sa kanya dahil alam ko na hindi lang siya pansamantala kundi siya na ang dulo. Ang tunay kung pag-ibig!