Part 68

5.6K 91 89
                                    


JHOANA'S POV

"Sure ka na ba sa desisyon mo jho?" Tanong ni ate Ella habang ina-ayos ko ang mga gamit ko sa cubicle ko.

So ngayon na yung last day ko dito sa company, napag desisyon ko na talaga tumigil na sa work dahil sa mga bata.

Nawawala na ako ng oras sa kanila.

"Yes ate alang alang sa mga bata, tuwing umuwi ako palaging tulog na sila." Sagot ko.

"Osya kung yan ang desisyon mo susuportahan kita, Nga pala yung slave mo kamusta na?" Ate Ella.

Nagkatinginan kami at natawa.

"Wala atang balak umuwi dito sa manila, tinawagan pa nga ako ni mommy deth kung ano na ang balak ni Beatriz kasi ayaw umuwi. Nakalimutan niya atang may negosyo pa syang tra-trabahoin." Sagot ko.

Kina-usap ko na si beatriz about sa pag stay niya samin, sinabi ko sa kanya umuwi na siya kasi yung negosyo niya sa manila si kuya loel ang umasikaso, eh hindi naman matutukan ng atensyon ni kuya loel dahil busy din siya sa business niya.

Sabi ko kay beatriz baka malugi yung business niya kapag dito lang siya samin mag s-stay na walang ginagawa. Sagot niya sakin mas pipiliin niya nalang daw malugi yung negosyo kesa sa hindi niya kami makasama, ang loko ayaw umuwi hangga't hindi niya kami kasama.

Kung malulugi yung business niya, aba'y ano ipapakain niya saming mag-iina?

"Eh yung company niya dito? Sinong mag aasikaso?"

"Yan nga ang poblema ko pa ate, hindi ko mapa-uwi si beatriz."

"Eh kung sumama ka na lang kasi sa kanya umuwi." Sabi niya.

Nong nakaraang buwan lang pinapayuhan ako na wag bibigay agad sa gusto ni beatriz at pahirapan ko ito.

"Yung totoo ate? Nong nakaraan ayaw mo kay beatriz, ngayon gusto mo naman ako sumama na sa kanya."

"Baliw! Ba't ka naka depende sa pinayo ko sayo? Hahaha. Nag su-suggest lang naman ako, hindi ko sinabi na sundin mo." Natatawang Sabi nito.

Napailing ako.

"Hindi ba pa-parang ang eas---"

"Ang easy mo naman talaga pagdating sa kanya, tanggapin mo na lang yun na patay na pata---aray jho! Ba't ka nang hahampas ha?!"

Minsan nagugulahan na ako sa desisyon ko. Nong nakaraan pinangako ko sa sarili ko na bibigyan ko ng time muna kilatisin si Beatriz.

Ang hirap kasi eh, yung palagi na lang ikaw yung nag papatawad. Magkakasala siya sakin tapos mga ilang araw at weeks niya lang na suyo bumibigay na agad ako. Nakaka frustrate kasi feeling ko parang nilalaro ko lang yung feelings ko.

"Nakaka frustrate ate, parang ang dali-dali lang parati sa kanya." Naiiyak na sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit nagiging emotional ako.

"Ganon din naman siya sayo, mas malala ka nga lang. Sakin ha? kailangan niyo mag-usap, ako yung napapagod sa inyo, mag-aaway kayo ng malala tapos maghihiwalay then makalipas lang ng mga buwan babalik tapos mag babati na ulit. Hindi ba nakakapagod? Kung ayaw mo na sa kanya, sabihin mo na. Lastly, Bata pa kayo I'm sure madami pang poblema dadating." Ate Ella.

Nag alalanganin ako baka mangyari na naman ulit. Pero alam ko sa sarili ko, kahit anong taboy at hiwalay namin hindi mawawala yung pagmamahal namin sa isa't-isa.

Kung iisipin, hindi ako at si Beatriz ang aapektohan dito, yung mga bata sila talaga yung sobrang ma aapktohan dito.

Kung tutousin nasa early stage pa kami ng marriage namin ni Beatriz. Pero yung away namin hindi agad naayos.

A Second Chance (De Leon's Family)Where stories live. Discover now