Part 24

4.3K 76 1
                                    

JHO POV'S





Nandito kami sa kwarto namin ni bestriz kasama ko siya at si baste at baby samsam.





Nag mo-movie marathon kami..nagbobonding kami kasi may pasok na si asawa ko bukas..ilang araw din siya'ng nag leave para alagaan kami,kaya kailangan niya nang pumasok para sa future nang anak namin.....tuhhruuuuyy!!!!😊..tapos si baste naman wala nang pasok sa school.




Kaya kami na lang dito tatlo bukas kasi papasok na sa work si beatriz.





Naka higa kami ngayon sa kama namin habang nanood,habang ako nakahiga sa dibdib ni beatriz habang nanood ako si baste naman nasa gilid nang kama namin naglalaro habang nanood..ha?😅..si baby samsam naman kakatulog lang.




"Beatriz....." tawag ko sa kanya at tumingala ako para tignan siya.



"Hmmm?"




"I love you" nakangiting sabi ko sa kanya.





Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko.




"Ano meron?" Natatawang tanong niya sakin.




"Wala lang...mahal kita." sabi ko.




"Ano nga meron?" tanong niya ulit.




Sinamaan ko naman siya nang tingin.



"Wala nga! Hindi naba pwede maglambing sayo ha?!" Naiinis na tanong ko.




Hindi manlang nag I LOVE YOU TOO! Tapos magtatanong pa kung ano meron.





"Nakakapani-bago ka kasi." sagot niya sakin.




"Talaga?"






"Biro lang.....naglalambing lang pala ang love,love ko!" Sabi niya at niyakap ako nang mahigpit.





"Hindi ako makahinga." Sabi ko sa kanya.





Lumuwag naman ang pagkayap niya sakin.





"Hahahha sory love." sabi niya at hinalikan ako sa noo, bumalik agad siya sa pinapanood niya.





Hinintay ko mag I LOVE YOU TOO SIYA PERO.....WALA!.... Kaya nainis ako.





"Hindi ka manlang nag I love you too sakin!" Naiinis na sabi ko at hinampas siya sa tummy niya.




"Sakit non ah!!!" reklamo niya at hinimas ang tyan niya.





Aalis na sana ako sa pagkakahiga ko sa kanya ng bigla niya akong hatakin at niyakap patalikod.





"Tampo ka naman agad,love. I love you din po sobra." malambing na sabi niya sakin at hinalikan ako sa noo.





Tumingin ako sa kanya.



"Love mo ko?" Tanong ko.


Natawa naman siya.




"Oo naman po sobra. Teka ka nga ano ba meron ngayon at bakit ang lambing mo sakin?" Nakangiting tanong niya sakin.





"Wala lang... Oy palagi kaya kita'ng nilalambing! Tsaka Gusto ko lang magpasalamat sayo dahil inalagaan mo kaming tatlo ng anak mo." sagot ko sa kanya.




Napangiti naman siya.





"At salamat din kasi hindi mo ko pinapatulan sa mga kabaliwan ko, At salamat din dahil naging mabuting asawa ka sakin. Kahit na minsan nagagalit at napipikon ako sayo pero ikaw never kang napipikon sa ugali ko. kahit naiinis ka na sakin hinayaan mo lang ako." sabi ko sa kanya.



A Second Chance (De Leon's Family)Where stories live. Discover now