JHO POV'S
Today pupunta kaming lipa sa bahay nila mama dahil nag request sina mama na dalawin naman daw namin sila doon dahil na mi-miss nila daw kami lalo na yung mga bata. So ngayon binibihisan ko na yung mga bata at habang yung asawa ko naman tapos ko ng bihisan nasa baba na siya, naghihintay samin sa baba at kasama niya si rex.
Gusto daw sumama ng mokong Yun dahil wala naman siyang gagawin sa company niya, kahit minsan na bwi-bwisit ako kay rex dahil bini-bwisit niya yung asawa ko pero malaki din natulong nun sa asawa ko.
Maswerte ako dahil yung mga boys best friend ng asawa ko, hindi nila pinapabayaan si Beatriz.
"Ma'am jho, Sabi ni ma'am Beatriz bilisan niyo daw ho." Rinig ko sabi ng maid namin sa labas ng kwarto.
Dahil saktong tapos ko ng bihisan ang dalawa lumabas nadin kami.
"Thank you Ya, paki dala nalang po nito sa baba please." Sabi ko at binigay sa kanya ang bag namin na puno ng extrang damit namin.
Kinuha niya at bumbaba na kami. Dahil dala ko yung dalawang bata dahan dahan kami bumaba sa hagdan at habang pababa kami naririnig ko yung boses ni rex na tila tawang tawa.
"Dude that's so funny! I can't forget your priceless reaction when jho's dad chase you with a knife in his hand." Tawang tawa sabi ni rex habang humahawak pa sa kanyang tyan.
Tumingin ako sa asawa ko na nakakunot na ang noo na tila na bwi-bwisit na naman kay rex.
Napailing nalang ako.
"Love..." Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sakin na parang nabunotan ng tinik kaya napa haliklik ako.
"Why did you let this rat join with us?" Naiinis na Sabi ng asawa ko.
Napatawa naman ako habang si rex naman nakabusangot.
"Gusto daw sumama love eh, hayaan mo na." Sabi ko at hinalikan siya sa labi.
"Tsk, let's go." Sabi ni rex at tinulak na yung wheelchair ni Beatriz.
Inayos ko ng karga si samsam habang nakahawak naman sakin si kyle at pagkatapos lumabas na kami.
"Rex dahan dahan lang, Kuya pa-alalay naman po." Sabi ko kay rex at sa guard namin.
Agad naman nila binuhat si Beatriz at pinasok sa Van.
"Tsk... Damn it." Rinig kung reklamo ng asawa ko.
Pumasok narin ako at nilagay ko si kyle sa gitna namin ni Beatriz habang si samsam naman naka kandong sakin.
Since pupunta nga kaming lipa hindi na kami nagdala ng driver dahil baka matagalan kami doon, kaya inutusan ko nalang si rex na siya mag drive para may pakinabang naman hahahaha charot.
"Love kung hindi ka comfortable dyan sabihan mo lang ako ha?." Lambing na sabi ko habang ina-ayos ko yung pwesto niya.
"Next time kung saan man kayo pupunta wag niyo nako dalhin." Cold na Sabi niya.
Napailing nalang ako.
"Hindi kita pwedeng iwan sa kanila yaya dahil makulit ka tsaka gusto ka makita nila mama, ayaw mo ba?" Malungkot na sabi ko.
Umiling siya at bumuntong hininga.
"Love wag na busangot dyan ha? Smile na ikaw ang aga-aga eh." Sabi ko sa kanya at ngumiti.
Tumango siya sakin at ngumiti ng pilit.
"Mommy are we going to lolo's house?" Tanong ng kyle ko.
Tumango ako at hinalika siya sa ulo niya.
"Opo baby, rest ka muna kasi medyo malayo byahe natin." Sabi ko habang ina-ayos ko yung kandong sa baby girl namin dahil ang likot.