Part 13

4.6K 83 1
                                    

JHO POV'S

"Mamaya na---"

" JHO!!!"

nagulat kami nang may sumigaw pagtingin ko si ABRAHAM CHAVEZ ex ko, pero wag kayo friend nalang kami nyan wala nang ilangan.

lumapit siya sakin at nakipag beso.

" Oyy chavez buhay kapa!? infairness ha ang panget mo parin!" sabi ko sa kanya at tumawa nang malakas.

natawa nalang din siya, ganyan lang kami wala nang ilangan kung mag asaran kami parang hindi "kami" dati, natatawa na nga lang kami kasi pinatolan namin ang isat isa hahhahha.

naging kami ni abraham mga 15 years old palang yata ako noon i think? pero ngayon 30 years old na ako at siya may girlfriend na at ako may asawa na kaya wapakels nalang kami sa nangyare noon hahaha.

" hahaha, ikaw nga din eh! negra parin!"sabi niya.

tumikhim yung katabi ko, sorry nandito pala asawa ko.. tinignan ko siya at ngumiti pero ngiting tipid lang balik niya sakin?

" Love si abraham pala, hoy buknoy si Bea deleon pala asawa ko" sabi ko at nag cling sa arms nang asawa ko.

" Tol abraham pala ex ni jho!" sabi ni chavez at inabot ang kamay niya hindi agad kinuha nang love ko yung kamay ni chavez tignan niya lang iyun.

" Love" tawag ko sa kanya.

" Bea deleon ASAWA niya" sabi ni beatriz at nakipag shake hands, diniin talaga yung asawa na word.

ma nga ilang segundo wala parin nag salita sa amin kaya mina buti ko na mag salita.

" Osya, hoy saan punta mo?" tanong ko kasi may nararamdaman akong tension dito.

" Punta kami cemetery ngayon dumaan lang ako kasi nakita kita, btw may sasahihin ako sayo mamaya" sabi niya at ngumiti sakin.

" kung ngayon nalang kaya daming arte bes" natatawang sabi ko.

"Mamaya na bes!, punta ba kayo mamaya sa sementeryo?"

tumango ako.

" Oo mamayang hapon pa" sagot ko.

" Good, doon ko nalang sayo sasabihin..sige alis na ako, bye jho, pare nice meeting you" pa alam niya samin.

tumango lang si beatriz at ngumiti nang tipid.

baliw din yun eh, bakit kailangan sa sementeryo pa kung pwede naman ngayon.

" doon lang ako, taposin ko lang ginagawa namin ni papa" pa alam niya at pumunta kay papa.

" Love...beatriz" tawag ko sa kanya.

BEA POV'S.

' tol abraham pala ex ni jho' tangina mo! boset na lalaki na yun! parang proud na proud pa siyang ex siya nang asawa ko, well i can't blame him ang ganda parin nang asawa ko hanggang ngayon, kaya sino man ang naging ex nang asawa ko maghihinayang!😏.

pero wag na wag niya lang talaga landiin ang asawa ko! kung hindi lalabas ang pagiging basag golero ko noon, babasagin ko mukha niya as in bogbog lahat,yung tipong buhok niya lang walang pasa!.

may papasabi sabi pa siya sa asawa ko, at talagang sa sementeryo pa,bakit? ano sasabihin niya sa asawa ko? na hanggang nagyon mahal niya parin?!! ay pa mura isa lang ulit!! tangina mo!

dapat ang mga ex na hinayupak at mga lintek nayan hindi na bumabalik sa buhay natin!!! kasi, ex nga diba? X na siya sa buhay mo! kahit maging friends hindi pwede kasi sa pagkaka alam ko yung friends is yung  matatakbuhan mo kapag may poblema ka, masasabihan mo nang mga poblema mo!, pero maging "friends" ulit kayo? NAH!! sabihin nalang natin na magkakakilala nalang kayo pero hindi na kayo friends.

A Second Chance (De Leon's Family)Where stories live. Discover now