SOMEONE'S POV
"BEA!!!"
Lahat nagulat ng biglang na napaluhod si Bea habang may tumatagos na dugo sa kanyang tagiliran. Habang ang mga putok ng baril ay hindi parin tumitigil.
"Lo-love....." Nanghihinang tawag ni Jho sa kay bea, at walang alinlangan na tumakbo ito palapit sa kanyang asawa.
Kaya lahat ng kasama nila sa loob ng bahay ay bigla nag panic.
Kaya agad na tumakbo sila rex at hinatak nila si Bea papunta sa safe na lugar at ganon din ang ginawa nila kay jho hinatak nila ito papunta kung saan si bea.
"Ate Ella! Takbo na kayo sa taas! Ang mga bata!" Sigaw ni Elmer sa kanila.
Lakas loob na tumakbo sila Ella at jia papunta sa kwarto nila jho, at nadatnan nila na umiyak ang dalawang bata habang yakap yakap sila ni loel habang nakadapa sa ilalim ng kama.
"Ku-kuya...." Tawag ni jia, agad naman sila hinatak ni loel at pinadapa.
"W-What happened to Bea?" Nangingig na tanong ni loel sa dalawa.
Hindi napigilan ng dalawa at umiyak na habang yakap yakap nila ang dalawang bata na umiiyak din.
Hanggang ngayon hindi parin tumitigil ang putokan ng mga baril galing sa baba.
"Na-natamaan siya kuya..." Umiiyak na sabi ni jia, agad na umiyak si loel.
"T-titanang..." Umiiyak na tawag ni kyle sa kanila, halos hindi na ito makapag salita dahil sa iyak.... Alam nilang anong gustong sabihin ng bata kaya napaiyak nalang sila habang yakap yakap nila ito.
****************
MICHELLE COBB POV'S
Kung hindi ko man makukuha si bea sayo jho, pwes mas mabuting patayin ko nalang kayong lahat para wala makikinabang sa kanya!
"Michelle Cobb! Mas mabuting sumuko ka nalang sa amin, Kung hindi mapipilitan kaming gamitin ang mga baril namin bilang hatol sayo!" Sigaw ng isang pulis.
Napailing ako at tumawa.
Sinimulan ko na bakit ako aatras? Bahala na mag kamatayan Basta makuha ko lang si Bea!
"M-Ma'am... Masyado silang marami! Unti-unti na tayong nalalagas! Ma'am mas mabuting umatras na tayo at tumakas!" Sabi ng walang kwentang tauhan ko.
Sinamaan ko siya ng tingin at binaril ko agad siya ulo niya.
"Ma'am!" Gulat na sabi ng mga tauhan ko.
Tumingin ako sa kanila ng masama.
"Umayos kayo kung hindi niyo gusto matulad sa walang kwentang tao na to!" Sigaw ko.
Agad silang umiwas ng tingin at pumwesto na ulit.
Nandito parin kami sa labas ng bahay ni Bea dahil hindi ako makatakbo papasok dahil naka abang lahat ng pulis.
Hindi ako makakilos!!!
"Sir! Natamaan si Bea ng baril!" Sigaw ng isang pulis.
Bigla na lang tumulo ang luha ko.
"SINONG NAKA BARIL KAY BEA?!" galit na sigaw na sabi ko.
Tumingin sila sakin at umiling silang lahat.
Niyukom ko ang kamay ko at tumayo ako at agad na pina-ulanan ko sila ng baril habang tumatakbo ako papasok sa bahay nila Bea.
"Boss! Cover niyo si boss!" Sigaw ng isang tauhan ko.
Hinatayin mo ako Bea...
***************"
JHOANA POV'S