BEA POV'S
Kagabi was a big slap for me. Na realize ko lahat kung gaano ako ka sakit sa ulo sa asawa ko. Na realize ko lahat ng ginawa ko, Tama nga si jhoana hanggang ngayon hindi parin nagbabago ugali ko. Hindi ko manlang napapasin.
However I'm still thankful, at least kasi alam ko na yung nararamdaman ng asawa ko. Okay lang sakin kung babalik ulit ako sa umpisa.
Kagabi ibang jhoana yung nakita ko, first time ko ulit Makita sa mga mata niya yung galit sakin. Though tuwing nag-aaway kami galit siya at mabunganga hehe pero ibang iba siya kagabi. Pero okay lang naintindihan ko naman.
Actually hindi ako umuwi, dito ako nag stay at natulog sa car ko buong gabi . Tumuwag na lang ako kanila mommy para sabihin na hindi ako uuwi para hindi sila mag-aalala sakin.
Napatigil ako sa pagmumuni ng may biglang kumatok sa bintana ng kotse ko. Binaba ko agad ang bintana.
"Oh anak ang angga mo naman pumunta dito." Gulat na sabi ni papa.
Napalunok naman ako at lumabas na sa kotse ko.
"Ah eh... O-opo pa. Good morning nga po pala." Utal utal na sabi ko.
Tumingin siya sakin na nagtataka. Shit hindi nga pala ako nalapalit ng damit.
"Dito ka ba natulog kagabi?" Nag alalalang Sabi ni papa.
Napakamot ako sa ulo at wala na akong nagawa tumango na lamang ako.
"Bakit hindi ka pumasok? Sana sinabihan mo kami ng mama mo. Bea anak kakagaling mo lang, wag mo abusuhin yung tuhod mo. Sigurado ako baluktot buong gabi yung tuhod dahil dyan ka natulog." Sabi niya.
"Pasensya na po Pa. Pero okay naman ako." Sabi ko.
Bumuntong hininga siya.
"Dahil ba kay jho kaya dyan ka natulog?"
Umiling agad ako.
"Hindi po. Choice ko po dito matulog, ayoko ma galit lalo sakin si jhoana kapag natulog pa ako sa inyo kagabi." Sabi ko.
Bumuntong hininga siya at tumango.
"Pumasok kana muna at mag almusal. May dala ka bang damit dyan? Kung wala pahihiramin kita."
"Hindi po ako nagsusuot ng brief pa." Pagbibiro.
Natawa naman kami pareho.
"Loko ka talagang bata ka. Pumasok na tayo at mag-almusal." Sabi ni papa at pumasok na kami.
"Gising na po ba sila jhoana pa?" Tanong ko.
"Oo ganitong oras gising na siya para maghanda pumasok sa trabaho niya. Tsaka panigurado ngayon nag-aayos na yun ng gamit ng apo ko para sa school." Sabi ni papa.
Bigla naman ako naka-isip ng idea. Siguro hahatid ko na lang sila mamaya sa school tsaka work bago umuwi.
"Pa p-pwede po ba ako na lang mag hatid kay jhoana at kay kyle?" Nahihiyang sabi ko.
Tumingin siya sakin at tumango.
"Oo naman. Pero kung yan ay papayag si jhoana." Papa.
Tumango na lang ako tsaka pumasok na kami sa bahay.
Pagkapasok na kami sa loob saktong pababa si jhoana Mula sa hagdan. Nagkatinginan pa kami sandali pero iniwas niya agad ang tingin niya sakin na may kasamang irap.
Napatawa na lang ako sa loob ko.
"G-good morning Lo---i mean jhoana." Bati ko sa kanya.
Tumingin siya sakin.