Part 16

4K 90 3
                                    

JHO POV

Pagkadating namin sa bahay,binuhat ni beatriz si kyl papuntang kwarto kasi nakatulog habang nasa byahe.

habang nasa byahe kami minsan nagkakasagutan kami.

magsisimula nang conversation tapos bigla nalang siya nagagalit kaya hindi ko naman mapigilan na sagotin din siya.

alam kung naging insensitive ako inaamin ko yun, pero sabihing naglalandian kami, alam ko sa sarili ko na hindi totoo yun kasi humihingi lang naman yung tao nang tulong.

nakita ko siya pababa nang hagdan habang naka kunot ang noo at hawak niya yung phone ko.

" Jho!" tawag niya sakin.

ayan na naman siya aawayin na naman ako.

" Jho!" tawag niya ulit.

lumapit ako sa kanya.

" Oh" sagot ko.

" Hindi kaba talaga titigilan nang gagong yun?!" naiinis na tanong niya sakin at binigay niya ang phone ko.

" Ano na naman ba beatriz?" nagtatakang tanong ko.

kinuha niya ulit sakin yung phone ko at may pinabasa siya sakin.

From: abraham chavez

Hindi mo manlang sakin sinabi na uuwi na pala kayo! hindi manlang ako nakapag paalam...btw salamat pala ulit☺.

Yan ang nabasa ko sa text..kaya napa buntong hininga ako bago siya tignan..tyak kasi magagalit siya sakin minsan lang naman to magalit o magselos pero iba ang BDL ko!

" Kinilig ka na nyan?" poker face na tanong niya.

napa nganga naman ako...

" Ha?" yun nalang nasabi ko.

" Bakit ko naman tatanongin kung halata naman....gago ko lang!" sabi niya at tumawa nang sarcastic.

" Beatriz naman saan mo naman nakuha yan? alam mo naman na kaibigan ko nalang yun" sabi ko sa kanya.

" Kaibigan?! talaga lang ha?!may kaibigan bang dinadalaw ka kapag gabi at may flowers pa!? tsk..." naiinis na sabi niya.

hinawakan ko yung kamay niya at pinaharap sakin.

" Pwede mag explain hi---" mag proprotesta pa sana siya nang inuhan ko " SABI KO MAG E-EXPLAIN AKO DIBA?" taas kilay na sabi ko.

at balik seryoso siya.

" Tinulongan ko lang naman yung tao,humingi yung tao nang advice sakin dahil na to-torpe daw siya sa kaibigan niya, kaya sino ba naman ako para hindi siya tulongan? kahit naman may nakaraan kami still kaibigan ko siya,tsaka kung bakit siya pumunta sakin nong nakaraang gabi kasi nag pasalamat lang yung tao sakin" mahabang paliwanag ko.

napa smirk naman siya...bakit?

" Naniniwala ka naman?!" di makapaniwalang tanong niya.

" Oo, bakit ba beatriz hindi ka maniwala sakin ha? ganon ba tingin mo saming dalawa naglalandian?" hindi ko narin mapigilan na hindi maiinis.

" Hindi ko sinabing ikaw yung malandi" seryosong sabi niya.

" Hindi? pero yun yung kutob mo at sinabi nang galaw mo!" sabi ko habang naiiyak.

" Pa..pasensya na ku-kung naging insensitive ako, ina amin kung nag kamali ako, pero sana maniwala ka namang hindi kita kayang ipagpalit sa iba!" naiiyak na sabi ko at umalis sa harapan niya at umakyat sa kwarto namin at doon umiyak.

A Second Chance (De Leon's Family)Where stories live. Discover now