JHO POV'S
"Anong plano------"
Napatigil si ate ells sa pagsasalita nang makita namin si Mich na namumutla.
Tapos parang hindi siya mapakali.. nalaglag panga hawak niyang cellphone.
"Wa---wa....Wala ak---akong plano." Kinakabahang sabi ni mich.
Nagtaka naman kami sa kanya.
Pinagsasabi nito?.
"Anyare sayo miss Cobb?" Nagtatakang tanong ni ate ella.
Gusto ko Sana matawa sa mukha niya ngayon eh... Pero nagtataka lang ako dahil parang may iba sa kanya.
"Wala po Miss Ella, sige po Ma'am jho pasok na po ako." Sabi niya at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay namin.
"Alam mo neng, nahihiwagaan na talaga ako sa secretarya nang asawa mo, parang may something sa kanya." Nagtatakang Sabi ni ate ells habang nakatingin parin kami kay mich.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ano naman yun ate ells?"
"Parang may tinatago siya neng eh, Alam mo yun? Tapos may mga na o-observe ako sa kanya. Katulad nang ano sa hospital, Naalala mo pa ba sa hospital? Yung sinabi ko sayo na sinamaan ka niya nang tingin? Naalala mo?"
Tumango ako.
"Neng totoo yun. Sinamaan ka talaga ng tingin ni Mich! Tapos Ito pa ha? Kapag tinitignan ko siya at sakto nakatingin din pala siya sa asawa mo? Alam mo kung ano nakikita ko sa Mata niya?... Pero teka ka lang neng ha? Teka ka lang sa observation ko lang to, wag ka magalit o mambatok tamo!. Pero seryoso para kasing the way siya tumingin kay Bea parang ano alam mo Yun, may pagmamahal may something......."
Mas lalo pa kumonot ang noo ko dahil sa sinabi ni ate ells sakin.
Sa tagal na naming mag kaibigan ni ate ells minsan talaga ang na o-obserbahan ni ate ells ay totoo.
Kaya parang pumunta sa mukha ko Yung dugo ko.
Pero bumuntong hininga ako para ialis lahat nang mga sinasabi ni ate ella sakin.
"Ate ella! Hindi papatol si Mich sa asawa ko at lalong lalo naman ang asawa ko! Kahit papaano kilala ko si Mich kahit hindi man kami laging magkasama sa office, eh nakikita ko naman na desinteng tao siya, at Wala naman sa itchura niya na Kaya niyang mang-agaw nang may asawa ng may asawa." Sabi ko na lang at nilagay lahat nang Plato sa sink.
"Observation ko lang naman yun. Pero masasabi ko lang jho sayo na Mahirap na ngayon ang mga tao pagkatiwalaan. At ahem! Bea De Leon po ang iyong asawa, bae po nang lahat. at isa na nga dun ang possibility na ma inlove ang Cobb na yan kay Bae......"
**************
STILL JHO POV'S
Habang busy ako sa kusina at nandoon naman silang tatlo sa Sala.. si ate ells Hindi niya parin talaga ako nilulubayan sa mga sinasabi niya sakin last day.
Bwesit Kasi eh... Iba talaga kapag si ate ella na yung nagsalita parang ano.. parang totoo talaga kapag sa bibig niya na mismo lumabas.
Pero Sana naman wag ni mich aahasin Ang asawa ko dahil hindi talaga ako papayag kong ganon.
Kahit mag sabunutan pa kaming dalawa gagawin ko para sa Beatriz ko! Kaya kong maki----
Teka nga! May pagka advance din naman ako mag isip ano? Puro pakikipag away na yung pumapasok sa utak ko! Si jorella Kasi eh!
Habang nagluluto ako para sa dinner namin mamaya. May naramdaman naman ako na may taong papalapit sakin Kaya tumingin ako sa gawi niya.
"Jhoana..." Tawag ni Beatriz sakin.