BEA POV'S
"Ate Ella.... Let's go! Ako na mag dri----"
"No! Ako na Bea!" Seryosong Sabi Niya.
Tumingin naman ako sa babae na gaiser daw ang pangalan... Aalis na Sana ako ng hinawakan niya ako sa kamay.
"I-Ito... Bea tawagan mo ko kung kailangan mo pa ng imporsyon about kay mich, tutulong ako." Sabi niya sabay bigay sakin ng caller card niya.
Tinignan ko lang ang calling card na binigay niya.... I don't know if kukunin ko ba o itatapon?
"Please bea......" Sabi niya... Binulsa ko na lang at tumalikod na.
"Bea! Si manong kaloy ang mag dri-drive! Sakay na bilis..." Sigaw ni ate ells sa labas.
Agad naman ako tumakbo at sumakay na.
"Sino nag dri-drive kanila jhoana ate ells?!"
"Si jia, Hindi na nila sinama si manong kaloy dahil sabi ni jho kaya naman daw nila." Naiiyak na sabi niya.
Umiling iling na lang ako at napayuko.
"Manong, punta po tayo sa pinuntahang mall nila jho, Alam niyo naman po diba Kung saan sila? At pakibilisan na lang po please..." Ate ells to driver.
"Opo ma'am Ella... Sige po." Manong kaloy.
Nakita ko na may tinatawagan si ate ella phone niya.
"Si jia! Si jia ate ells tawagan mo!" Sabi ko.
"Tinatawagan ko na pero Hindi sinasagot bie eh." Kinakabahang sabi niya.
Kinapa ko naman ang phone ko sa pocket ko pero Wala.
"Fuck."
"Boss ito ho cellphone ko gamitin niyo muna." Sabi ni manong kaloy.
Agad ko naman kinuha at nagpasalamat.
"Bei, mag re-report na ako sa pulis ha?" Ate ells.
Tumango na lang ako.
Dineal ko agad ang number ni jho, pero cannot be reach.
"Sagotin mo please.... Please.... Please jhoana...." Patuloy ko parin dina-dial ang number ni jhoana.
"UGGGHHHH!! SAGOTIN MO JHOANA!!" Sigaw ko sa phone.
Binaba ko na lang.
Yumuko ako at agad naman tumulo ang luha ko.
"Bei, pasensya na ha? Kung alam ko lang sana, Sana di ko na hinayaan umalis sila, sor-----"
"Ate ells di mo kasalanan, Walang may kasalanan satin, ang sisihin dito dapat si mich lang! Si mich!." Naiinis na sabi ko.
Naramdaman ko na hinahagod niya likod ko dahil lumalakas na yung iyak ko.
"Kung, Kung.... Hindi sana ako nagtulog tulog.... Di sana nangyari to." Naiiyak na sabi ko.
Inangat ni ate ells ang ulo ko at niyakap ako.
"Bei, ikaw na mismo nagsabi sakin na Wala satin ang may kasalanan, wag mo sisihin sarili mo, kumalma ka muna ha? Baka maabotan pa natin sila jho do----"
"Ma'am nandito na po tayo." Sabi ni manong.
Agad naman ako napatingin sa labas.
Nagulat ako dahil ang daming tao sa parking lot ng mall.
Marami ding mga pulis na nakapaligid at tapos...
Tapos nakita ko sila mommy at daddy kasama si jia na kausap ng pulis ngayon.