LIPA CITY BATANGAS
7AM IN THE MORNING.....
--------------
"Hi Jho, Good morning!" Napalingon ako ng may tumawag sa aking likuran.
"Oh h-hi braham." Bati ko sa kanya.
Medyo nagulat ako, sa ganitong kaaga bakit siya nandito.
Agad niya binuksan ang gate namin at pumasok siya.
"Ah Abraham wala dito sina mama at papa nasa bukid na." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw talaga sadya ko dito. Nga pala free ka ba mamayang lunch? Opening ng motor shop ko baka pwede ka pumunta may libreng lunch kami doon." Aya nito sakin.
Agad naman akong umiling.
"Pasensya ka na braham hindi ako makakapunta may meeting mamaya sa school ng anak ko kailangan ko pumunta." Tanggi ko dito.
"Ganon ba....pero ba ka pwede ka dumaan saglit? Haha."
"Sorry talaga ha malabo yata ako makakapunta importante talaga kasi 'yung meeting." Sabi ko dito.
Tumango ito sakin at ngumiti ng pilit.
"Sayang may inorder pa naman akong paborito mong pagkain doon." Biro niya sakin.
Natawa naman ako.
"Ba ka sa susunod pupunta ako doon sama ko ang asawa ko mahilig din kasi 'yun sa motor." Sabi ko sa kanya.
Napaiwas naman siya ng tingin at tumango sakin.
"Sige aasahan ko 'yan. Sige Jho alis nako. Take care." Sabi nito.
Pero bago paman siya maka hakbang papalabas ng bahay bigla ko nalang naalala ang promise ko sa Beatriz ko na kakausapin ko si abraham.
"Braham! Wait. Pwede ba tayo mag-usap saglit?" Sabi ko sa kanya.
Agad naman siya lumingon sakin.
"Sure. About ba saan Jho?" Tanong nito sakin.
Lumapit naman ako sa kanya. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.
"May favor sana ako sa'yo, wag mo sana masamain ha. Ba ka pwede wag ka na muna pumupunta punta dito ng madalas. Alam mo naman diba? Inayos nanamin 'yung pagsasama naming dalawa..." Nahihiyang Sabi ko sa kanya.
"Ha? Masyado namang praning 'yang asawa mo Jho. Pinagseselosan ba ako nun?" Natatawang Sabi niya.
Umiling iling naman ako.
"Hindi naman sa Ganon. Pero kasi nirerespito ko lang ang gusto niya. Mahal ko kasi 'yun." Sabi ko.
Napailing naman siya.
"Nakakasama naman ng loob 'yang asawa mo Jho. Siguro pinersonal niya 'yung suntokan namin sa court? Hindi parin ba siya naka move on doon? Nag sorry na ako ah." Naiinis na Sabi niya.
"Hindi sa ganon abraham. Umiwas lang ako sa away." Seryosong sabi ko.
"At makatingin napakayabang akala mo kung sino. Sabihan mo naman 'yan minsan Jho."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi siya ganon sa ina-akala mo." Pagtatangol ko sa asawa ko.
"Hindi ko alam Jho ba't nagustuhan mo 'yun." Dagdag pa niya.
Napatigil ako sa sinabi niya? Sino ba siya para questionin ako?
"Anong ibig mong sabihin Abraham? Wag mo questionin bakit ko siya minahal. Wag mo siyang husgahan dahil ang sa tingin mo ay mayabang at masama ang ugali niya. Abraham kaibigan kita pero kung ano man meron kami ng asawa ko labas ka na roon."